Katangiang Pisikal (Integration)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ARALIN 1.

1- ANG KATANGIANG PISIKAL NG ASYA


Mga Layunin:
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naipapaliwanag ang konsepto ng Asya batay sa pananaw ng mga Asyano at ng mga Kanluranin.
b. Nailalarawan ang kalagayang heograpikal ng Asya ayon sa kinaroroonan, sukat, hugis at anyo
nito.
c. Nasusuri ang epekto ng iba’t ibang anyong lupa at tubig, at mga uri ng klima ng Asya sa
pamumuhay ng tao.

Mahahalagang Tanong:
 Paano nakaapekto ang heographiya at tao sa paghubog ng kabihasnang Asyano?
 Paano nakatutulong ang mga tao sa pag-unlad ng kabihasnan?
 Paano mapapanatili ng mga Asyano ang pagkakaisa kung magkakaiba naman ang kanilang
kultura?

Pagpapahalaga:
 Pagpapahalaga sa mga likas na yaman ng Asya
 Pagiging isang Tagapangalaga sa Kalikasan (Social Responsibility)

Mga Gamit na Kailangan:


 Laptop o cellphone
 Module
 Lapis o Ballpen

Talakayan:

Pangganyak: PRE-TEST: TAMA O MALI.


Basahing mabuti ang mga katanungan at Isulat kung ito ba ay TAMA o MALI.
_______1. Pangaea ang tawag sa isang malaking masa ng lupa na matatagpuan sa daigdig.
_______2. Ang Europa ang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig.
_______3. Ang Mt. Everest ang pinakamataas na bundok sa daigdig.
_______4. Plate Tectonics Theory ang tawag sa unti-unting paghihiwalay ng Supercontinent na
Pangaea.
_______5. Asyano ang tawag sa mga taong naninirahan sa Asya.
_______6. Kasaysayan ang tawag sa pag-aaral o paglalarawan ng daigdig sa ibabaw ng lupa.
_______7. Nahahati ang Asya sa anim na rehiyon

HUGOT ASYA: Pumili ng isang bansa sa Asya at gawan ito ng Hugot.


Halimbawa:
1. KUWAIT: Kuwait mo muna ako sabi eh, huwag kang magmadali, Kuwait!
2. MALAYSIA: Hindi siya tama, dahil MALAYSIA!

Ilagay ang inyong HUGOT- ENTRY sa baba.


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_______________________________________

TALAKAYAN: KONSEPTO NG ASYA


Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Asya.
Bilang isang Asyano at Pilipino, nararapat lamang
na unawain natin at bigyan ng pagpapahalaga ang
tungkol sa Asya.
Ang heograpiya ay nagmula sa dalawang
salitang Griyego na geo daigdig at graphein
magsulat. Ito ay nangangahulugan ng paglalarawan
ng ibabaw o balat ng lupa at ang interaksyon ng tao
sa kanyang kapaligiran

KONSEPTO NG ASYA
Malaking bahagi ng pag-aaral ng heograpiya ang pag-unawa tungkol sa mga kontinente. Ang
Mundo natin ay binubuo ng katubigan at kalupaan. Kontinente ang tawag sa isang malaking masa ng
lupa na matatagpuan sa daigdig. Ang Asya naman ang pinakamalaking Kontinente sa mundo.
Ayon sa Continental Drift Theory, nagmula daw ang mga kontinente sa isang supercontinent,
ang PANGAEA. Ngunit, paglipas ng ilang milyong taon ay unti-unting naghihiwalay ang Pangaea. 
Plate Tectonics Theory naman ang tawag teoryang nagpapaliwanag sa unti-unting
paghihiwalay ng supercontinent. Mula sa isang supercontinent ay unti-unting nagkawatak-watak ang
daigdig hanggang sa mabuo ang kasalukuyang Kontinente.

Ang Pangaea ang pinaniwalaang


pinagmulan ng kontinente batay sa
continental Drift Theory.

Ang Asya ay tinatawag din na "ORIENT" o silangan dahil matatagpuan ito sa silangan ng Europe.
Batay din ang salitang Asya sa pananaw na EUROCENTRIC. Ang Eurocentric ay ang paraan ng
pagtingin ng daigdig mula sa pananaw ng mga Europeo na Mas nakakalamang ang mga Europeo kaysa
sa ibang kontinente. Giit naman ng mga Asyano, mas nararapat na gamitin ang salitang ASIAN-
CENTRIC. ito ay isang pananaw na dapat bigyang pansin at dapat gamitin ang konseptong
Asyano upang pahalagahan ang mga
bagay na may kaugnayan sa Asya at
mga Asyano

KINAROROONAN NG ASYA
Pagmasdan ang mapa sa itaas,
matatagpuan ang Asya sa Silangan ng
Europe at Hilagang-Silangan ng Africa.
Napapaligiran din ang Asya ng mga
Anyong tubig: Sa hilaga ay makikita ang
Arctic Ocean, Makikita rin ang Pacific Ocean sa Silangan, Indian Ocean sa Timog, Makikita din sa
kanluran ang Red Sea, Mediterranean Sea, Black Sea, Caspian Sea. Dalawang bulubundukin ang
naghihiwalay sa Asya at silangang bahagi ng Europe. Ito ang Causcasus Mountains na nasa pagitan ng
Georgia, Azerbaijan at Armenia sa Asya at Russia Sa Europe. Ang Ural Mountains naman ang
naghihiwalay ng Kanlurang Asya at SIlangang Europe.

SUKAT, HUGIS, AT ANYO NG ASYA


Ang Asya ay may sukat nan a 44 milyong kilometrong kuwadrado. Sumasakop ito ng halos 30%
ng kapuluan ng daigdig at kung ihahambing, ang kabuuang sukat ng North and South America ay
katumbas ng buong ASYA
Iba-iba ang pisikal na anyo ng Asya dahil sa mga anyong tubig at lupa na matatagpuan ditto.

Mga Anyong Lupa

Mt. Everest- Ang pinakamataas na bundok sa mundo na nasa hanay ng


Himalayas.

Mt. Godwin- Pangalawa sa pinakamataas na bundok sa mundo.


Matatagpuan sa Karakoram range sa kanlurang bahagi ng Himalayas sa
pagitan ng Pakistan at China.

Mt. Fuji- Matatagpuan sa pulo ng Honshu, Japan. Pinakamataas na


bundok s Japan na may taas na 3776M o 12,388ft. Isang aktibong bulkan
na huling pumutok noong 1707 to 1708.

Himalayas- Isang Bulubundukin na may habang umaabot sa 2600


kilometro.

Karakoram- hanay ng mga bundok mula hilagang Pakistan hanggang


timog kanlurang China
Marami pang mga anyong tubig na makikita sa Asya. Sa Pilipinas ay ipinagmamalaki ang Mayon
at ang taal na pinakamaliit na bulkan sa buong daigdig. Sa Indonesia naman ay ang bulkang Krakataoa.

MGA ANYONG TUBIG

May mga anyong tubig din sa


kontinente ng Asya tulad ng mga karagatan
at dagat, ilog, lawa, golpo at look. Maliban sa
karagatang Atlantiko ang tatlong karagatan
sa daigdig ay nakapalibot sa Asya. Ang mga
ito ay ang mga karagatang Pasipiko sa
Silangang Asya, Karagatang Indian sa
Timog, at ang Arktiko sa Hilaga. Ilang dagat
naman ang matatagpuan sa rehiyon. Ang
Timog Dagat Tsina, ang pinakamalaking
dagat sa Asya ay napapaligiran ng Vietnam,
Malaysia, Indonesia at Pilipinas. Ang Dagat
Meditrranean, pangalawa sa pinakamalaking
dagat sa Asya, Aprika at Europa.

Arabian Sea- Nasa hilagang


kanlurang bahagi ng Indian Ocean
Bering Sea, Sea of Okhotsk, Sea of
Japan, East of China
sea- Matatagpuan sa Silangang Asya 
South China Sea, West Philppine
Sea, Celebes Sea- Nasa timog
Silangang Asya
Arabian Sea, Red Sea,
Mediterranean Sea, Black Sea- Nasa
kanlurang Asya

KLIMA NG ASYA
Malaki ang bahaging ginagampanan ng klima sa bansa at sa mga taong naninirahan ditto.
Ito ay isa sa mga salik na nakaapekto sa pamumuhay at kabuhayn ng tao. Ang klima ay ang karaniwang
kalagayan ng panahon o kondisyon ng atmospera sa isang particular na rehiyon o lugar sa loob ng
mahabang panahon. May epekto ang klima sa uri ng kabuhayan at gawaing pang-ekonomiya ng mga tao
o pamayanan sa isang lugar.

TROPICAL CLIMATE
TROPICAL RAINFOREST- ito ay isang mainit at mamamasa o mahalumigmig na biome. Ito ay
nakararanas ng napakainit na temperature at madalas din kung umulan. Halimbawa: pilipinas, Malaysia,
sinagapore, Vietnam at Cambodia
Tropical Savanna- Tuyo tuwing taglamig at basa tuwing tag-araw. Mararanasa sa Cambodia,
Thailanda, maynmar at Hilagang Bahagi ng Sri Lanka at timog ng India.

ANO ANG MONSOON?


Madalas ang pag-ulan sa malaking bahagi ng Timog at Timog-Silangang Asya sa kabila ng
pagkakaroon nito ng tuyong klima. Ang Monsoon ay hanging nagbabago ng direksyon kasabay ng
pagbabago ng panahon. Mula sa salitang Arabic na “Mausim” na ibig sabihin ay “season” o ”seasonal
wind”.

DALOY NG MONSOON
South Asian Monsoon- nakaapekto sa mga bansa sa Indian Subcontinent.
East Asian Monsoon- may epekto sa mga bansa katulad ng Pilipinas, Indonesia, China, Korea at japan.

Napektuhan ng monsoon ang klimang tropical ng Pilipinas at ang mga karatig-bansa nito. Tuwing
tag-init, umiihip ang hangin mula ndagat patungo sa mainit nalupain. Tuwing taglamig, ang tuyong hangin
ay umiihip mula sa lupa patungo sa dagat. Hanging Habagat ang tawag sa Southwest monsoon na
umiihip mula sa timog na bahagi ng Asya sa mga buwan ng Mayo hanggang Setyembre. Nagdadala ito
ng matinding ulan sa silangan baybayin ng Timog-Silangang Asya. Hanging Amihan naman ang watag
sa Northeast Monsoon na nagdadala ng malamig na panahon sa bansa mula Nobyember hanggang
pebrero.

https://www.scoopnest.com/user/IMReadyPH/569731793928085505-ayon-sa-dostpagasa-hanging-
amihan-ang-weather-system-na-nakakaapekto-ngayon-sa-luzon

Noon, Ngayon, at Bukas. Pumili ng isang suliraning pangkapaligirang kinakaharap ng Asya. Ihambing
ang sitwasyon ng napiling kapaligiran noon at ngayon. Ilahad din ang solusyon na maaring isakatuparan
upang malunasan ang suliranin. Bilang panghuli, ilarawan ang magiging sitwasyon o kalagayan ng
kapaligiran batay sa inilahad na solusyon.

Suliraning Pangkapaligiran:

Noon:

Ngayon:

Solusyon:

Bukas:

Gawain no. 1
Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang.
_______________1. Ito ay hango sa salitang griyego na ang ibig sabihin ay ang paglalarawan sa ibabaw
o balat ng lupa at ang interaksyon ng tao sa kaniyang kapaligiran.
_______________2. Ano ang tawag sa karaniwang kalagayan ng panahon o kondisyon ng atmospera sa
isang particular na rehiyon sa loob ng mahabang panahon?
_______________3. Ang tawag sa pinakamalaking kontinente sa mundo.
_______________4. Ang tawag sa unti-unting paghihiwalay ng supercontinent na Pangaea.
_______________5. Ito ay isang pananaw ng mga Europeo na mas nakakalamang sila kaysa sa ibang
Kontinente.
_______________6. Ang pinakamataas na bundok sa mundo na nasa hanay ng kabundukan ng
Himalayas.
_______________7. Kilala din sa tawag na southwest monsoon na umiihip ang hangin mula sa timog na
Bahagi ng Asya.
_______________8. Isang teorya na nagmula daw ang mga kontinente sa isang supercontinent.
_______________9. Ito ay hanging nagbabago ng direksiyon kasabay ng pagbabago ng panahon.
_______________10. Ang tawag sa malaking masa ng lupa sa daigdig.

TAKDANG ARALIN: CAUSE-EFFECT-SOLUTION (SOCIAL RESPONSIBILITY)


Panuto: Gamit ang Cause-Effect-Solution diagram, suriin ang mga balita tungkol sa mga suliraning
pangkalikasan sa Asya. Basahin at unawain ang balitang naitala sa iyo. Kompletuhin ang cause-effect-
solution diagram. 

Matinding baha naranasan sa ilang parte ng Metro Manila


ABS-CBN News

MAYNILA — Matinding pagbaha ang naranasan sa ilang parte ng Kamaynilaan dala ng malakas na ulan buong
magdamag ng Martes. Kabilang sa pinakatinamaan ng baha ang Barangay Roxas District sa Quezon City, kung saan
aabot sa tuhod o mas malalim pa ang lebel ng tubig. Posible umanong umapaw ang kalapit na creek na siyang
nagdulot ng pagbaha sa kanilang lugar. Puspusan sa pagbubuhat ng mga kagamitan ang ilang residente upang hindi
malubog sa baha. Mayroon ding sasakyan na lumubog sa tubig. Kinailangan ding lumikas ng ibang residente na
apektado ng baha. Lagpas gutter din at hindi nadaanan ng mga motorista ang Araneta Avenue kanto ng E.
Rodriguez sa Quezon City nitong umaga. Nahuli rin sa naturang lugar ang isang sawa. Samantala, bumaha rin sa
España Avenue sa Maynila. Pasado alas-8 ng umaga ay humupa na ang baha sa mga nabanggit na lugar. Dahil sa
mga naging pagbaha, nagsagawa na ng declogging at dredging operations sa mga estero at drainage sa
Kamaynilaan ang Metropolitan Manila Development Authority. 

Sa loob ng isang oras, isang trak ng basura ang nahakot sa Barangay Plainview, Mandaluyong City. Tumambad din
sa mga awtoridad ang tambak ng basura at burak sa bahagi ng Baclaran. Ayon sa MMDA, nasa 4 na trak ng basura
ang nahakot nila sa paglilinis ng naturang drainage. Pero inaasahang dodoble ang volume ng mahahakot na basura
pagdating ng tag-ulan. 

Bukod sa Kamanynilaan, tinamaan din ng matinding pagbaha ang ilang bahagi ng Bulacan, partikular na ang Marilao
kung saan 90 porsiyento ng siyudad ang lumubog sa tubig-baha. Ayon sa Provincial Risk Reduction Management
Office ng Bulacan, galing ang tubig sa San Jose Del Monte. Kulay-putik ang tubig na umabot hanggang hita ang
taas. Sa taas ng tubig ay gumawa pa ng tulay ang isang lalaki para makatawid ang mga residente nang hindi na
kailangan lumusong sa baha. 

Umulan din sa bahagi ng Angat Dam sa Bulacan, na pangunahing pinagkukuhanan ng tubig ng ilang water
concessionaires sa Kamaynilaan pero hindi pa rin ito sapat para maiangat mula sa critical level ang tubig nito. -- Ulat
nina Lyza Aquino, Jeck Batallones, at Angel Movido, ABS-CBN News. 

Gamitin ang format na nasa file na nakaattached.

Ang iyong sagot ay bibigyan ng marka batay sa sumusunod na pamantayan. 


Nilalaman- 8 points
Pagsusuri- 6 points
Pagbibigay solusyon-  6 points
Total: 20 points

Ano ang pangunahing sanhi


ng kalamidad?

Paano nakaaapekto ang


Bilang isang mag-aaral, paano ka
kalamidad sa pamumuhay ng
makatutulong sa paglutas sa mga
asyano? Magbigay ng apat na
epekto ng kalamidad?
bunga o epekto.

You might also like