Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1.Introduksyon

Ang pagkakaroon ng buo o kompletong pamilya ay isa sa

pinakamagandang bagay na hinahangad na magkaroon ng bawat

indibiduwal sa kanyang buhay. Ito rin ay isa sa pinakamahalang

bagay na hindi matutumbasan ng kahit anumang materyal na bagay

dito sa mundo. Ang pagkakaroon ng kompletong pamilya ay isang

aspetong nakakatulong sa isang mag-aaral upang siya’y ganahan sa

pag-aaral dahil mayroong mga taong alam niyang tumutulong sa

kanya sa pagkamit ng kanyang mga pangarap.

Ang pamilya ay binubuo ng ama, ina at mga anak, ito ang mga

natatanging tao na nilalaman ng isang sagradong pamilya. Ang isang

kumpletong pamilya ay maaaring magbigay ng emosyonal na suporta

na mahalaga para sa mga mag-aaral na umunlad sa akademya. Ang

mga batang nakakaramdam naman ng pagmamahal at suporta ng

kanilang pamilya ay mas malamang na magkaroon ng mas mataas na

pagpapahalaga sa sarili at kumpiyansa, na maaaring isalin sa mas

mahusay na pagganap sa akademiko. Gayunpaman, mahalagang

tandaan na hindi lahat ng pamilya ay buo o kompleto, kung kaya’t

nakakaapekto ito sa kanilang mga trabaho, pag-aaral at lalong-lalo na

sa kanilang mga sarili.


Kaya naman, binuo ang pananaliksik na ito upang malaman

ang epekto ng magkawatak-watak na pamilya sa pag-aaral ng mga

SHS na estudyante ng Alae, National High School at kung paano nila

kinakaharap sa araw-araw ang hamon na hindi buo ang kanilang

pamilya, na siyang maraming nakikitang mga karanasan ng mga

mag-aaral sa paaralang ito. Sa pananaliksik na ito’y naglalayong

makamit at maunawaan ang kinakaharap na mga problema ng mga

estudyante na nabibilang sa magkawatak-watak na pamilya.

2. Layunin ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito, layunin ng mananaliksik na malaman ang

mga epekto ng magkawat-watak na pamilya sa pag-aaral ng mga SHS

na mga estudyante ng Alae, National High School at ang kanilang mga

kinakaharp na hamon sa araw-araw nilang ma-aaral na hindi buo

ang kanilang pamilya Ito'y upang makamit at maunawaan ng lahat

ang naidudulot nitong problema sa mga mag-aaral.

Layunin nitong masagot ang ilang mga katanungan na

patungkol sa epekto ng magkawatak-watak na pamilya sa pag-aaral

ng mga mag-aaral.

1. Paano nakaka-apekto ang pagkakaroon ng nagkawatak-

watak na pamilya sa pag-aaral ng mga SHS na estudyante ng Alae

National High School?


2. Paano kinakaharap ng mga mag-aaral ang pagkakaroon ng

hindi buong pamilya sa araw-araw?

3. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga para sa mga

mananaliksik. Ito ay upang makapagbigay ng impormasyon para sa

lahat sa nasabing epekto ng hindi buong pamilya sa pag-aaral ng mga

mag-aaral sa paaralang Alae NHS at kung paano kinakaharap ng mga

mag-aaral sa araw-araw ang pagkakaroon ng hindi buong pamilya.

Mag-aaral. Ito ay importante sa mga mag-aaral upang mabigyan sila

ng kaalaman tungkol sa epekto ng magkawatak-watak na pamilya sa

kanilang pag-aaral at kung paano ang bawat isa sa kanila hinaharap

ang hamon na ito sa araw-araw.

Guro. Ito ay mahalaga para sa mga guro upang sila’y magkamalay sa

epekto ng hindi buong pamilya sa pag-aaral ng kanilang mga mag-

aral at kung paano nila matutulungan ang mga mag-aaral sa mga

istratehiyang magkakaresulta sa kanilang pag-aaral na mabuti sa

kabila ng pagkakaroon ng hindi buong pamilya.

Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay mahalaga sa kagawaran ng

edukasyon upang sila’y makagawa ng askyon na makakatulong sa

mga mag-araal sa mga paraang hindi kinakailangan ang buo o


kompletong aktibidad sa paaralan upang mas maging madali ito sa

kanila.

Mga magulang. Ito ay mahalaga sa kanila upang malaman nila ang

naidudulot na problema ng magkawatak-watak na pamilya sa pag-

aaral ng kanilang mga anak.

Mananaliksik. Ito ay mahalaga sa mga mananaliksik upang malaman

at makapagbigay ng impormasyon sa iba tungkol sa epekto ng

magkawatak-watak na pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral at ang

kung paano kinakaharap ng mga mag-aaral ang pagkakaroon ng

hindi buong pamilya sa araw-araw.

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay tutok lamang sa kung paano

nakakaapekto ang magkawatak-watak na pamilya sa pag-aaral ng

mga mag-aaral ng baiting 11 ng senior high school ng Alae National

High School at kung paano din kinakaharap ng mga mag-aaral sa

araw-araw ang pagkakaroon ng hindi buong pamilya.

Hindi kasama sa pag-aaral na ito ang epekto sa kalusugan ng

isip ng mga grade 11 senior high na mag-aaral, at mayroon lamang sa

pinaka mataas na 30 senior high na mag-aaral sa pag-aaral na ito.

Sapagkat hindi kaya ng mananaliksik na isama ang lahat ng mag-

aaral na nakakaranas ng hindi buong pamilya.


5. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Epekto - Ang epekto ay ang resulta, ang wakas,

ang konklusyon, ang kinahinatnan, na nagmula sa isang sanhi, mula

doon nagmula ang pangunahing prinsipyo ng sanhi-epekto, mula sa

agham at pilosopiya.

Magkawatak-watak - Hindi buo o hindi kompleto.

Edukasyon - Ang edukasyon o pagtuturo ay prosesong ng

pagpapadali ng pagkatuto, o pagtatamo ng kaalaman, kasanayan,

prinsipyo, moralidad, paniniwala, at paggawi.

SHS na mag-aaral - Ang senior high school ay karagdagang

dalawang taon ng pag-aaral na may kinalaman sa ispesipikong kurso

na tatahakin upang magsilbing paghahanda sa kolehiyo o maaring sa

negosyo o trabaho depende sa kinuhang strand.

Pamilya - Ang pamilya ay lipon ng dalawa o higit pa sa

dalawang tao na magkaugnay sa dugo, sa bisa ng sakramento ng

kasal o sa pamamagitan ng pag-aampon o paninirahan sa isang

tirahan.

Mananaliksik - Ang kahulugan ng mananaliksik o researcher sa

ingles ay isang tao kumakalap at naghahanap ng mga impormasyon

at mahahalagang detalye patungkol sa isang paksa.


KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sinusukat ng maraming tao ang mga antas ng tagumpay sa

akademiko ng mag-aaral batay sa katayuan ng guro, mga markang

pang-akademiko, o katayuan sa socioeconomic. Gayunpaman, ang

tunay na susi sa tagumpay ng mag-aaral ay wala sa mga ito. Ang

pinakamahusay na tagapagpahiwatig para sa akademikong tagumpay

ng mag-aaral ay nakasalalay sa kung gaano kasangkot ang mga

pamilya sa pag-aaral sa tahanan at sa paaralan ng kanilang anak.

Ang nasirang tahanan ay tinukoy bilang anumang tahanan na

kung saan ang isa o parehong mga magulang ay hindi nakatira

kasama ang bata sa isang normal na relasyon ng pamilya. Ang

paghihiwalay ay maaaring dahil sakamatayan, diborsiyo, desersyon, o

anumang iba pang mga dahilan. kung ang isang abnormal na bahay

ay isang permanenteng epekto sa mga bata, ang kakayahan ng gawin

ang kanyang mga gawain sa paaralan, ito ay dapat namakikita kapag

ang tagumpay ng mga bata mula sa naturang isang kapaligiran

kumpara sa tagumpay ng mga bata na nanggagaling mula sa isang

normal napamilya. (Campbell, 1932) Mayroon ding mga negatibong

epekto sa mga bata ang pagkamulat sa hiwalay na pamilya o broken

family. Sinasabi ng mga siyentipikong higit na marami ang mga


nagiging suliranin sa mga batang pinalaki ng single parents kaysa sa

mga batang ginabayan ng parehong magulang.

Ang mga hindi mabubuting bunga ay ang pagkakaroon ng mas

mataas na tyansya ng mga sumusunod: hindi pagtatapos ng pag-

aaral, sinasadyang pagtigil sa pag-aaral, pakikipagtalo sa magulang,

pakikipagtalik at pagbubuntis ng maaga, pagkalulong sa droga at

alak, pagsali sa mga gang, pangangailangan ng tulong ukol sa mga

problemang emosyonal, paggawa ng krimen, pagkitil ng sariling

buhay at sa hinaharap, pakikipaghiwalay rin sa asawa. Ginagawa nila

ang mga ito dahil ang itinatatak nila sa isipan nila ay wala nang

nagmamahal sa kanila at wala nanghalaga ang kanilang buhay. 

Ayon kay Pierangelo Alejo (2004), ang pamilya ang pangunahing

institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng

isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at

romantikong pagmamahal. Kapwa nangakong magsasama hanggang

saw akas ng kanilang buhay. Ang pamilya ang tinaguriang

pinakamaliit na sangay ng lipunan. Sa loob ng isang pamilya, maaari

ring mabalangkas ang isang pamahalaan o gobyerno. Ang pamilya ay

lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na magkaugnay sa dugo,

sa bisa ng sakramento ng kasal o sa pamamagitan ng pag-aampon o

paninirahan sa isang tirahan. Ito ay binubuo ng ama, ina at mga

anak. Binubuo ng pamilya ang mga unang hakbang sa pagkatao. Ang


pamilya ang siyang gumagabay, nagtuturo ng mga mabubuting asal,

nagbibigay ng pangangailangan at nagmamahal ng walang kapalit.

Pag may pamilya ka, may inspirasyon ka para umangat ang iyong

sarili. At sila din ang nagiging dahilan ng lahat ng pagpupursige mo

sa buhay dahil pati sila, ang pamilya mo, gusto mo ding iangat. Sa

paglipas ng panahon marami ngang pagbabago ang nagaganap sa

bawat pamilya. Ito marahil ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng

broken family o sirang tahanan sa kabila ng matibay na

pagkakabuklod-buklod ng pamilyang Pilipino, hindi maiiwasang

magkawatak-watak Ang broken family ay mailalarawan sa isang

sirang pamilya na kung saan hindi nagiging matatag ang pagsasama

ng bawat miyembro nito kung kaya't nagiging mapurok ang

pundasyon.

Ayon kay Rafra Juvida, isang mag-aaral, inilarawan niya ang

pagkawatak-watak ng pamilya bilang isang masalimuot at lubhang

nakakalungkot na pangyayari na nangyayari sa totoong buhay. Ito ay

kadalasang nangyayari sa paghihiwalay ng mag-asawa, o kaya

paglisan ng walang paalam, o kaya pambababae o panlalalaki. Ito ay

may malaking epekto sa mga anak, kaya sa paglaki nila ay galit at

poot ang nasa loob nila.


KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

I. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng deskripti-

analitikal na pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng

survey questionnaire o tatanungan. Ito ay upang malaman ang

opinyon at pananaw ng mga mag-aaral ayon sa epekto ng

magkawatak-watak na pamilya sa pag-aaral ng mga mag-aaral na

nasa baitang na eleven (11).

II. Mga Respondente

Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-

aaral na nasa baitang na eleven ng Alae NHS. Ang mga respondente

ay mayroong bilang na nasa tatlumpo (30) ang lahat. Lima (5) sa

STEM na strand, lima (5) sa ABM, lima (5) sa HUMSS, lima (5) sa ICT,

lima (5) sa TVL at lima (5) rin sa SMAW.

III. Instrumentong Pampananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay sinagawa sa pamamagitan ng

pagsarbey. Ang mga mananaliksik ay mag hahanda ng sarbey

kwestyoner sa gagawing pananaliksik para sa mga mag-aaral.

Ito ay upang malaman ang mga kahirapang dinaranas ng mga

estudyanteng watak-watak ang pamilya sa paaralang Alae National


High School at kung paano kinakaharap ng mga mag-aaral sa araw-

araw ang pagkakaroon ng hindi buong pamilya.

IV. Tritment ng mga Datos

Ang pamanahong papel na ito ay magsisilbing pagsasanay para

sa susunod pang mananaliksik. Ito ay magiging gabay sa pag-aanalisa

sa isyung panlipunan na kinakaharap ng mga mag-aaral sa

pagkakaroon ng watak-watak na pamilya. Ang gagawing pagsarbey ay

gagawa ng katanungan upang masagot ng mga mag-aaral ang mga

problema sa isyung ito ng kanilang sariling opinion at pananaw.

You might also like