Alcantara 9165

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines }

Province of Cagayan } S.S.


City of Tuguegarao }

KONTRA-SALAYSAY at KONTRA DEMANDA


(COUNTER-AFFIDAVIT WITH COUNTER-CHARGE)

Ako, si, HARVEY ALCANTARA y SIDDAYAO, nasa wastong


gulang, at nakatira sa 806 Cauilan St., Caggay, Tuguegarao City,
Cagayan, pagkatapos manumpa ng ayon sa batas, ay malayang
nagsasabi at nagsasalaysay ng buong katotohanan ng mga
sumusunod:

1. Ako ang nasasakdal sa II-03-INQ-022H-00163 at II-03-INQ-


O22H-00164 for “Violation of R.A. 9165” Section 7 and 15
na ngayon ay nakabinbin sa Office of the City Prosecution,
Tuguegarao City;

2. Aking pinabubulaanan at mariing itinatanggi ang mga paratang


sa akin salungat sa mga sinasabi at alegasyon ng private
complainant at kanyang testigo patungkol sa insidente ng
nagkaroon daw ng Buy-Bust Operation ang PDEA at isa ako sa
mga nahuli sa tinaguriang “DRUG DEN” daw. Na ang tunay na
nangyari noong araw na iyon ay ang mga sumusunod;

3. Noong Agosto 15, 2022 ako ay bumisita sa kaibigan ko na nag-


aya ng inuman. Nagtungo ako sa kanilang apartment sa may
Ugac Sur, Tuguegarao City. Dumating ako doon at inabutan ko
nga si SAMUEL ESCAŃO y BACCAY at ang tatay nito na si
FRANKLIN ESCAŃO y CADDAUAN (kapwa nasasakdal sa
kasong ito);

4. Nag inuman kami tapos biglang dumating si “ZAI ECLIPSE” at


nakipag-inuman din sa amin. Habang nagiinuman kami ng alak
ay naglabas si ZAI ECLIPSE ng marijuana at nagsindi sya sa
harapan namin. Inaalok nya kami at patuloy lang kami sa pag
inom naming ng alak kasama si SAMUEL samantalang si ZAI
ECLIPSE ay nakasalo sa amin habang nagiinom ng alak at
nagsisigarilyo ng marijuana;

5. Maya-maya ay biglang dumating ang maraming tao na


nakasibilyan at pinadapa kaming lahat, nagpakilala ang isa sa
kanila na pulis daw at kami ay pinayuko habang kami ay
nakadapa. Apat kami noon na pinadapa, ako, si Samuel, ang
ama nya ni Franklin at si Zai. Kinapkapan ako at kinuha ang
cellphone ko, wallet at susi ng motor ko. Sinabihan kaming
walang gagalaw at huwag daw kami tumingin sa kanila;

6. Ako ang sumunod dahil sa takot at pag-aalala sapagkat ako ay


may operasyon sa aking kanang paa at baka sipain o saktan ako
kapag hindi ako sumunod sa kanila;

7. Makaraang ang ilang sandali ay kami ay pinatayo at may nakita


na akong brown envelop na nakalapag sa mesa at sinasabi
nilang marijuana daw at kaming lahat ay kanilang hinuli at
inaaresto;

8. Walang katotohanan na nagkaroon ng “BUY-BUST” operation


ang mga kapulisan sa loob ng apartment nina Samuel. Ang totoo
ay bigla na lamang silang dumating sa loob at kami ay pinadapa,
kinapkapan, kinuha ang wallet at cellphone at personal na
kagamitan;

9. Nagulat din ako dahil noong dumating sila ay kaming apat ang
pinadapa at pinosasan pero noong pinatayo na kami ng mga
kapulisan ay tinanggal nila ang posas ni ZAI ECLIPSE at pina-
alis na sya.
10. Walang katotohanan ang akusasyon sa amin na nagkaroon
ng BUY-BUST OPERATION at pawang kasinungalingan at
kathang isip lamang ang mga nakasaad sa Affidavit of Poseur
buyer na si PDEA Intelligence Officer II Agent na si Rovina R.
Littaua. Walang katotohanan na nagkaroon ng transaksyon si
Littaua at si Samuel o kahit kay Franklin dahil kami ay nag-
iinuman lamang ni Samuel at Zai noong biglang pumasok ang
mga taong humuli sa amin. Kung tutuusin ay trespassing pa
dapat sila at kahit sila ay mga kapulisan ay wala silang
karapatan na bigla na lang pumasok sa loob ng isang
pamamahay ng walang pahintulot o walang kaukulang papeles;

11. Kasunod n gaming maling pagkakahuli ay dumating ang


dalawang lalaki at sila daw ay mga testigo sa imbentong
imbentaryo na gawa gawa lamang ng mga humuli sa amin at
lumabag sa aming karapatang pantao;

12. Laking gulat ko na ako ay kinasuhan ng Section 7 o visitor


of a drug den? Paano masasabi ng mga kapulisan na drug-den
ang lugar na pinasok nila at paano ako maging visitor ng drug
den? Kung drug den nga ang apartment na pinuntahan ko ay
ano ang pruweba ng kapulisan? Ano ang patunay nila na drug
den nga ang lugar na iyon? Kung alam nilang drug den ang
lugar bakit hindi sila nag apply ng SEARCH WARRANT bagkus
ay gumawa ng isang karumal-dumal na krimen ng planting of
evidence at kunwaring BUY-BUST operation sa loob ng
apartment mismo?

13. Isang napakalaking paglabag sa aking karapatang pantao


na sabihing ako ay “VISITOR NG DRUG DEN”, kahit pa sila ay
mga kapulisan o mga alagad ng batas ay hindi ito sapat na
kapangyarihan para gumawa ng kwento at magparatang ng
isang krimen dahil ito ay labag sa karapatang pantao.

14. Inaamin ko na ako ay naka inom at nasa impluwensya ng


alak nang mangyari ang kanilang pagpasok sa apartment ng
walang pahintulot pero sa mga pagkakataon bago dumating ang
mga umaresto sa amin ay si ZAI ECLIPSE lamang ang tumira
ng marijuana habang kasama naming siyang naginuman ng
alak. At dahil nakaharap siya sa amin ay maaring naka apekto
ito sa aking drug test kaya ako ay nagpositibo, isang halimbawa
ng involuntary-exposure. At dahil hindi sya kasama sa amin na
nakulong at nakasuhan ay napagtanto ko na kasabwat si ZAI
ECLIPSE ng mga kapulisan at PDEA;

15.

16. Bilang patunay, aking isusulat ang aking lagda sa taas ng


aking pangalan ngayong ika ____ ng Hulyo, 2022, sa Tuguegarao
City, Cagayan.

Wala na ako iba pang isasalaysay;

HARVEY ALCANTARA y SIDDAYAO


Nagsasalaysay
Driver’s License No. BO4-04-054400 Until 2025/06/24

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this _________day of


August 2022, in the City of Tuguegarao, Province of Cagayan

Doc. No
Page No
Book No
Series of 2022

CERTIFICATION
I hereby certify that I have personally examined the affiant-
complainant and that I am satisfied that he/she voluntarily executed
and understood the contents of the above complaint-affidavit

ATTY. NICHOLO RUDOLF A. SUPNET

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this___ day of


_________, 2022, in Tuguegarao City, Cagayan

Doc. No. :______________


Page No. :______________
Book No. :______________
Series of 2022

You might also like