Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Welcome Remarks

Sa ating kagalang-galang na tagamasid na pandistrito, Ma’am


Portia P. Encisa, sa ating butihing punongguro, Ma’am Lani D. Atutubo,
sa ating punong barangay, Kapitan Genaro Asilo, sa ating komite ng
edukasyon Kagawad Fe Canon, sa aming gurong tagapayo, Teacher
Shiela Azores sa mga naggagandahang guro ng Mababang Paaralan ng
Cagbacong, sa aming mapagmahal na mga magulang, mga kapwa ko
mag-aaral, mga panauhin at sa lahat ng naririto ngayon upang saksihan
ang aming pagtatapos sa kindergarten, isang mapagpalang araw po sa
inyong lahat.
Ikinararangal ko po na mabigyan ng pagkakataong maghatid ng
pambungad na mensahe sa espesyal na araw na ito. Sa ngalan ng kapwa
ko magsisipagtapos ng kindergarten sa akademikong taong dalawamput
libo dalawaput dalawa hanggang dalawamput libo dalawamput tatlo,
inaanyayahan ko po ang lahat upang masaksihan at ipagdiwang ang
aming pagtatapos sa kindergarten.
Ang taong ito ay nagbigay sa amin ng maraming kaalaman,
kasanayan at kasiya-siyang mga karanasan at pagsubok na nagbigay-
daan upang kami ay umunlad sa iba’t ibang larangan. Maliban sa
akademiko, natutunan naming ang pakikipagkaibigan, pagbibigayan,
pagtutulungan at marami pang mga bagay na madadala naming sa aming
paglaki.
Binabati ko ang mga kapwa ko magsisipagtapos sapagkat naipakita
natin ang ating galing at kakayahan sa taong ito sa tulong ng ating guro
at ating magulang.
Sa muli, ako po si Sophia Caith M. Sabas. Maraming salamat po at
magandang araw.

You might also like