Weekly Test - ESP 5 (Week 4)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Department of Education

Schools Division Office of Nueva Vizcaya

Quezon District
BARESBES ELEMENTARY SCHOOL
Pangalan: _______________________________________ Petsa: ________________
Baitang/Seksyon: ____________________________ Puntos: _______________

Test I
Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na pangungusap upang makabuo ng matalinong
pagpapasiya sa mga banta ng kalamidad o sakuna. Piliin ang sagot sa kahon.
matalino ligtas nakasaksak nakasarado ang gas
kalsada basura makinig makibalita
pagtatapon ng basura pagpuputol

Ang pagbaha ay bunga ng mga gawain ng tao tulad ng 1.) _________________________ sa


paligid at 2.) ___________________ ng mga puno sa bundok. Sa tuwing aalis ng bahay
siguraduhin na walang 3.) ___________________ na kagamitang de-kuryente at 4.)
________
o kalan sa kusina. 5.) _____________ o 6. _____________ ng balita sa telebisyon upang
maging handa sa mga banta ng panganib sa paligid. Maging 7.) ______________ sa anumang
pagpapasiya upang maging 8.) ____________ sa lahat ng pagkakataon. Alisin ang mga kalat
sa 9.) ___________________ at ilagay sa tamang lalagyan ang mga 10.)
_________________ upang hindi magbaha sa paligid sa tuwing sasapit ang tag-ulan.

Test II.
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay nagsasaad at
nagpapakita ng tamang pagpapasiya para sa kaligtasan at malungkot na mukha kung
hindi. Ilagay ang sagot sa patlang.

_______11. Inalis ni Klyde ang pagkakasaksak ng telebisyon pagkatapos niyang gamitin.


_______12. Pinalitan ni tatay ang lumang elektrikal wire na maaaring mag-init at pagmulan
ng sunog.
_______13. Sumama si Jonathan sa kanyang kaibigan na maligo sa dagat kahit na may
babala sa pagtaas ng tubig dahil sa bagyo.
_______14. Makinig ng balita sa radyo si Kristine tungkol sa paparating na bagyo.
_______15. Inilagay ni Boyet sa mataas na lugar ang posporo upang hindi mapaglaruan ng
kanyang nakababatang kapatid.
_______16. Umakyat sa puno ng bayabas si Regina kahit malakas ang hangin.
_______17. Tumingin muna sa gawing kaliwa at sa gawing kanan ng daan bago tumawid.
_______18. Hinayaan ni Maricel na maglaro ng siga sa labas ng bahay ang kanyang anak
kahit matindi ang sikat ng araw.
_______19. Inayos ng tatay ang bubong ng kanilang bahay upang maging handa sa darating
na bagyo.
_______20. Lumayo si Raymond sa mga bagay na maaaring mahulugan o mabagsakan ng
mga bagay habang lumilindol.

You might also like