Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1 Nang makatipid, subukan ang rekomendasyong Abonong Swak

2
3 Sayang ang gastos sa abono kung hindi pa kailangan ng palay. Dehado naman
4 kung sobra o kulang ang abonong ilalagay. Kaya naman, mainam na
5 rekomendasyong Abonong Swak.
6
7 Sa Abonong Swak, tiyak na tama ang dami, uri, at tiyempo ng paglalagay ng
8 organiko at inorganikong pataba.
9
10 Ayon sa mga eksperto, maaaring makatipid ng P2,000-P4,000 bawat ektarya
11 sa pagtalima sa rekomendasyong Abonong Swak.
12
13 Sundin ang mga combo-sustansiyang swak sa inyong palayan. Mamili sa
14 tatlong combo ayon sa karaniwang ani ng iyong bukid. Combo 1 para sa
15 palayang umaani ng 3,000-4,000 kilo o 60-80 sako bawat ektarya. Combo 2
16 naman para sa palayang umaani ng 5,000-6000 kilo o 100-120 sako bawat
17 ektarya. Combo 3 naman para sa palayang umaani ng 7,000-8,000 o 140-160
18 sako bawat ektarya.
19
20
21 Para malaman ang nilalaman ng rekomendasyon bawat combo, itext lamang sa
22 PhilRice Text Center bilang 0917-111-7423 ang Combo 1, 2, o 3. I-follow din
23 ang PhilRice Facebook page nang updated ka sa usaping pagpapalayan! Maaari
24 ring mapanood ang mga rice technology videos sa Youtube. Hanapin lamang
25 ang PhilRice TV.

You might also like