Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

CEBU CITY DON CARLOS A.

GOTHONG MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL


C. Padilla St., San Nicolas, Cebu City

Q4 MASTERY test in filipino 2

NAME:_____________________________________________________ Grade & Section:_____________

Basahin nang mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Alin sa mga pangungusap ang may gamit na salitang binubuo ng KKPK?


A. Ang kalabaw ay masipag na hayop.
B. Masarap ang bayabas na kinain namin.
C. Ang mga produktong saging ay isinakay sa trak upang dalhin sa bayan.
2. Ilan ang pantig sa salitang pakikipagtulungan?
A. 5 B. 6 C. 7
3. Malakas ang tunog ng trumpeta. Ang anyo ng pantig na may guhit ay ________.
A. KP B. KPK C. KKPK
4. Ang suliranin ay laging may solusyon. Ano ang anyo ng pantig na may guhit?
A. KPK B. KKP C. KKPK
5. Ang aking ama ay nagmamaneho ng bus. Ilan ang pantig sa salitang may salungguhit?
A. 4 B. 5 C. 6
6. Naglalaro kami ni Ate Ruth ng bola nang tinawagan ni inay. Siya ay ______ sa bakuran dahil nagkalat
ang mga dahon.
A. magluluto B. maglalaba C. magwawalis
7. Sinabi rin niya sa akin na ako ang ________ ng mga tanim.
A. maglalaro B. magdidilig C. magbabantay
8. Pagkatapos kong magdilig ng tanim ay ____________ ko si Ate sa paglilinis.
A. babantayan B. tatawanan C. tutulungan
9. Sumakay si tatay ng motorsiklo upang ________ ng bigas at isda sa palengke.
A. bibili B. titingin C. hihingi
10. Si nanay ay __________ng mga damit namin habang hindi pa dumarating si itay.
A. naglalaba B. nagbebenta C. nagtatapon
11. Ang mga sisiw ay _________ habang hinahanap ang inahing manok.
A. sumisiyap B. umiiyak C. kumakain
12. Ang magsasaka ay ________ sa puno upang kumuha ng bunga ng mangga.
A. lumakad B. umakyat C. tumalon
13. “Anak wala na tayong asin. Pwedeng _______ ka sa tindahan ni Tiya Cora.”
A. magdukot B. humingi C. bumili
14. Nakabubuting __________muna ang nilalaman ng modyul bago ito sagutin.
A. itago B. basahin C. laruin
15. Pupunta sana ako sa tindahan nang makita ko ang asong tumatahol. Bigla akong ________ pabalik sa
bahay dahil sa takot.
A. lumipad B. umupo C. tumakbo
16-25 Ibigay ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan sa pangungusap.
16. Hinagupit ng bagyo ang mga tanim ni Mang Tony. Wala siyang maaaning gulay.
A. sinunog B. sinira C. diniligan
17. Matatangkad ang mga manlalaro ng basketbol.
A. matataba B. mapapayat C. matataas

1
18. Mabagal ang lakad ng pagong habang mabilis ang takbo ng aso. Ang
mabagal ay ___.
A. matulin B. mahina C. maliksi
19. Masangsang ang tambak na basura kaya sumasakit ang sikmura ko.
A. mabaho B. mabango C. maalinsangan
20. Malinamnam ang piniritong manok. Ito ang paborito kong ulam.
A. maalat B. masarap C. mapakla
21. Mayaman ang nagmamay-ari ng SM ngunit pulubi ang mga nakatira sa
paligid nitong kalye.
A. mahirap B. maasinso C. mariwasa
22. Matulin ang takbo ng kabayo nang lumabas sa kwadra.
A. masagana B. mahina C. mabilis
23. Ang mga batang lansangan ay dinala na sa bahay-ampunan. Doon sila
titira upang maalagaan.
A. batang nag-aaral
B. batang nakatira sa kalye
C. batang nasunugan ng bahay
24. Kami ay nagtutulungan sa aming munting tahanan.
A. maliit B. tahimik C. malayo
25. Gusto kong tumira sa probinsiya sapagkat payapa ang buhay doon.
A. maingay B. magulo C. tahimik
26. Ang bahay ____ Alma ay makikita sa tuktok ng burol.
A.ni B. nina C. kay
27. Ang bulaklak na ito ay _________ Lola Mila sa kanyang kaarawan. .
A. para sa B. para kay C. ayon sa
28. Si Marie ay makikipaglaro _____ Josh, Mel at Sam.
A. kay B. kina C. sina
29. Ang buhok _____ Janet ang pinakamahabang nakita ko.
A. si B. ni C. kay
30. Sumayaw ang aming grupo sa __________. Ano ang angkop na panaguri?
A. loob ng dyip B. entablado C. silid-aklatan
31. Siya ay isang halimbawang dapat tularan. Alin ang simuno sa pangungusap?
A. dapat tularan B. tularan C. Siya
32.Mahusay ______si Kim. Ano ang nawawalang salita sa pangungusap?
A. pagkain B. kumanta C. maganda
33.Pauwi na si Tito galing _________. Alin sa sumusunod ang tamang salita upang mabuo ang diwa ng
pangungusap?
A.Boracay B. maganda C. pasalubong
34.Madami nang naisulat na kanta si Jackson. Ang salitang may salungguhit ay ang ________?
A. pangngalan B. simuno C. panaguri
35._________ ay isang mayamang bansa. Alin sa sumusunod ang tama ang pagkasulat ng simuno?
A. Ang Pilipinas B. Ang pilipinas C. ang pilipinas

You might also like