Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARPAN 8 – M6

Ang Rebolusyong Pranses

Ang Rebolusyong Pranses (1789-1799), ito ay nag-iwan ng dalawang pangunahing epekto sa Pransiya,
(1) ang pagpapaalis ng isang absolutong hari
(2) nagtatag ng isang republika.
Maraming bilang ng mga tao ang pinutulan ng ulo sa pamamagitan ng guillotine na nangyari sa panahon
tinawag ng mga Pranses bilang Reign of Terror. Ang rebolusyon ding ito ang naglatag ng mga digmaang
pinamunuan ni Napoleon sa Europa.
Simula ng taong 1789 ang Pransiya ay pinaghaharian ni Haring Louis XVI, isang Bourbon monarko na ang
pamumuno ay absoluto, itinuturing na makapangyarihan pinuno ng isang nasyon sapagkat ang kanilang
ginagamit na basehan sa kanilang pamumuno ay ang divine rights of king. Ang divine rights ay ang
paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa kanilang mga diyoses kaya siya ay pinili ng
diyos para pamunuan ang bansa.
Ang lipunang Pranses naman ay nahahati sa tatlong pangkat na tinatawag na estates. Ang unang estate
ay binubuo ng mga obispo, pari at ilan pang may katungkulan sa Simbahan. Ang ikalawang estate ay
binubuo ng mga maharlikang Pranses. Samantalang ang ikatlong estate ay binubuo ng nakakaraming
bilang nga mga Pranses gaya ng mga magsasaka, may-ari ng mga tindahan, mga utusan, guro,
manananggol, doktor, at mga manggagawa.
Sinasabing ang kasapi ng ikatlong estado ang tunay na representante ng malaking bilang ng populasyon
ng Pransiya. Binigyang diin ng ikatlong estado na hindi sila magtatapos ng pagpupulong hangga’t hindi
nabubuo ang isang sinulat na Konstitusyon ng Pransiya. Ang pangyayaring ito ay tinawag na Tennis Court
Oath. Ito ay kanilang isinagawa sa isang tennis court dahil hindi pinahintulutan ng hari na ipagpatuloy
nila ang kanilang pagpupulong.
Ang kasapi ng ikatlong estado ay sabay-sabay na sumumpa rin dito upang kanilang wakasan ang
absolutong pamumuno ni Haring Louis XVI. Binalewala ni Haring Louis XVI ang nasabing pangyayari at
kanyang itinatag ang bagong institusyon na tinawag na Asembliyang Nasyonal. Sa asembliyang ito ay
ginawa niyang parepareho ang bilang ng mga representate ng bawa’t isang estado.
Noong Hunyo sa pamamagitan ng payo ni Reyna Marie Antoinette, nagpadala ng mga sundalo ang hari
upang payapain ang lumalaganap na kaguluhan
Ang Bastille ay isang kulungan ng mga napagbintangan at kalaban ng kasalukuyang monarko sa kanyang
pamamahala. Naging kilala ang peryodong ito sa ingles bilang “Great Fear”
Constituent Assembly, ang bagong katawagan sa Asembliyang Nasyonal ay nakapagpalabas ng isang
bagong saligang-batas. Ang pambungad na pananalita ng saligang-batas ay ukol sa Deklarasyon ng mga
Karapatang Pantao at Mamamayan
Ang rebolusyon ay lalong naging malakas at malaki sa pamamagitan ng pamumuno ng isang abogadong
nagngangalang Georges Danton.

hinuli nila ang hari at daan sa mga sumusuporta sa kanya ay pinatay sa pamamagitan ng paggamit ng
guillotine. Tinawag ang pangyayaring ito sa Pransiya bilang September MassacresIsang makina na
ginagamit sa panahon ng kaguluhan sa Pransiya at naging simbolo ng hinahangad na reporma ng mga
tao.
ARPAN 9 – M6
May dalawang paraan ang ginagamit ng pamahalaan sa ilalim ng patakarang piskal upang
mapangasiwaan ang paggamit ng pondo nito bilang pangangalaga sa ekonomiya ng bansa.

Expansionary Fiscal Policy.


Ang expansionary fiscal policy ay isinasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na
ekonomiya ng bansa. Ipinapakita sa kondisyong ito na ang kabuuang output ay mababa ng higit sa
inaasahan dahil hindi nagagamit ang lahat ng resources. Karaniwan ding mababa ang pangkalahatang
demand ng sambahayan at walang insentibo sa mga mamumuhunan na gumawa o magdagdag pa ng
produksiyon. Magdudulot ang ganitong sitwasyon ng mataas na kawalan ng trabaho at mababang buwis
para sa pamahalaan. Upang matugunan ang ganitong sitwasyon, ang pamahalaan ay karaniwang
nagpapatupad ng mga desisyon upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya. Karaniwang isinasagawa
ito sa pamamagitan ng paggasta sa mga proyektong pampamahalaan o pagpapababa sa buwis lalo sa
panahong ang pribadong sektor ay mahina o may bantang hihina ang paggasta.

Dahil dito, ang mamamayan ay nagkakaroon ng maraming trabaho at mangangahulugan ng mas


malaking kita. Sa bahagi ng bahay-kalakal, lumalaki rin ang kanilang kita. Sa pagdagdag ng kita,
nagkakaroon ng panggastos ang mamamayan at ang bahay-kalakal na makapagpapasigla sa ekonomiya.
Sa bawat gastos ng pamahalaan, nagdudulot ito ng mas malaking paggasta sa buong ekonomiya kung
kaya’t maaasahan ang mas malaking kabuuang kita para sa bansa. Ganito rin ang epektong pagbaba ng
buwis. Higit na magiging malaki ang panggastos ng mga sambahayan dahil sa nadagdag na kita mula sa
bumabang buwis kaya asahang tataas ang kabuuang demand sa pagkonsumo

Contractionary Fiscal Policy. Ang paraang ito naman ay ipinatutupad ng pamahalaan kung nasa bingit ng
pagtaas ang pangkalahatang presyo sa ekonomiya. Karaniwang nagaganap ito kapag lubhang masigla
ang ekonomiya na maaaring magdulot ng overheated economy na mayroong mataas na pangkalahatang
output at employment. Ang ganitong kondisyon ay hihila pataas sa pangkalahatang demand sa
sambahayan at insentibo naman sa mamumuhunan na patuloy na magdagdag ng produksiyon.
Magdudulot ang sitwasyon na ito ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin o implasyon. Sa ganitong
pagkakataon, ang pamahalaan ay maaaring magbawas ng mga gastusin nito upang mahila pababa ang
kabuuang demand. Inaasahang sa pagbagsak ng demand, hihina ang produksiyon dahil mawawalan ng
insentibo ang bahay kalakal na gumawa ng maraming produkto. Magdudulot ito ng pagbagal ng
ekonomiya, liliit ang pangkalahatang kita na pipigil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at makokontrol
ang implasyon. Ganito rin ang sitwasyon na maaaring mangyari kapag nagtaas ang pamahalaan ng
buwis. Mapipilitan ang mga manggagawa na magbawas ng kanilang gastusin sa pagkonsumo dahil
bahagi ng kanilang kita ay mapupunta sa buwis na kukunin ng pamahalaan na makaaapekto sa kabuuang
demand sa pamilihan. Ito ang dalawang paraan sa ilalim ng patakarang piskal ng pamahalaan upang
maibalik sa normal na direksiyon ang ekonomiya.

You might also like