Professional Documents
Culture Documents
EsP G8
EsP G8
EsP G8
8
REGIONAL ACHIEVEMENT TEST
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat ito sa sagutang papel.
17. Alin sa mga sitwasyon ang tanda ng isang taong may pasasalamat?
A. Nag-aaral nang mabuti si Ban upang marating niya ang kaniyang
mga pangarap kahit nahihirapan sa buhay.
B. Laging nagpapasalamat si Kite sa mga taong tumutulong sa kaniya
ngunit hindi bukal sa kanyang kalooban.
C. Si Nam ay maraming pagpapalang natatanggap sa buhay ngunit
hindi siya marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan.
D. Si Zer ay kuntento sa kanyang buhay kahit simple lamang ngunit
hindi niya pinahahalagahan ang natatanggap niya mula sa iba.
23. Ano ang kailangang gawin ng pamilya upang umunlad ang buhay?
A. Magtatrabaho sa lahat ng oras.
B. Magsikap na makamit ang mga pangarap.
C. Makipag-ugnayan sa gobyerno at humingi ng tulong.
D. Makipag – ugnayan sa ibang pamilya at ibang sektor ng lipunan.
27. Magiging ganap na matapat lamang ang kilos ng tao kung ____________.
A. ginagamit ito sa panlilinlang ng ibang tao
B. tunay na isasabuhay ang kanyang sinasabi
C. itama ang unang ginagawang kasinungalingan
D. ginagawa ito upang iwasto ang kasinungalingan
33. Narinig ni Kim ang masasakit na salita mula sa kanyang mga kaibigan,
sa halip na magalit ay kinausap niya ng mahinahon at naging maayos ang
kanilang relasyon. Bakit ganito ang naging reaksyon ni Kim?
A. Dahil sa matinding galit na naramdaman.
B. Dahil takot siya sa kanyang mga kaibigan.
C. Dahil nagpadala ito sa idinidikta ng emosyon.
D. Dahil napamahalaan niya nang maayos ang kanyang emosyon.
36. Paano mo mas higit na maipapakita ang paggalang sa mga taong may
awtoridad?
A. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
B. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa
katuwiran.
C. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga
pagkakamali.
D. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat
sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo.
37. Bakit dapat iwasan ng mga kabataan ang sumasali sa mga fraternity o
gang?
A. upang may kasama sa pagtambay at makamit ang ninanais
B. upang sumikat at magkaroon ng bagong kaibigan o kakampi
C. upang makakopya at makakuha ng malaking marka sa pagsusulit
D. upang maiwasan ang mga gulong dulot nito at mapabuti ang
pag- aaral