Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
DISTRICT OF KAWIT
FLORANTE ILANO MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan I

Pangalan: _________________________________________ Petsa: _________________________


Baitang at Pangkat: ______________________________ Guro: __________________________

PANUTO: Basahin ang mga tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot.

_______ 1. Alin sa mga sumusunod na pamilya ang single-parent family?

A. B. C. D.

_______ 2. Sa pagkamatay ng tatay ni Martha sa aksidente, mag-isa na lamang ang


kanyang Nanay na magtataguyod sa kanilang tatlong magkakapatid. Dahil dito, binigyan
sila ng tulong pinansiyal ng kanilang mga kamag-anak. Sa pagkawala ng tatay ni Martha, sa
anong uri ng pamilya nabibilang ang pamilya niya?

A. Siya ay ulila na ngayon at wala nang mag-aalaga sa kanya.


B. Nabibilang na sila sa extended family dahil marami silang kamag-anak.
C. Nabibilang na sila sa single-parent family dahil sa pagkawala ng Tatay ni
Martha.
D. Nabibilang sila sa single-parent family dahil walang trabaho ang Nanay
ni Martha.

_______ 3. Siya ang nagsisilbing haligi ng tahanan at nagtataguyod ng pamilya.

A. bunso
B. ama
C. kuya
D. ina

Pag-aralan ang larawan ng Pamilya Morales.

_______ 4. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa gawain ng pamilya Morales ayon sa
larawan.

A. Nagtutulungan ang pamilya sa paglilinis ng bakuran.


B. Si Nanay lamang ang dapat na naglilinis at nag-aayos sa bahay.
C. Nagtutulong-tulong ang pamilya Morales sa paglilinis at pag-aayos sa
bahay.
D. Si Kuya ay nagwawalis at si Tatay naman ay nagpupunas ng bintana.

_______ 5. Inaalagaan ni Aling Lucia ang kanyang anak na may sakit. Ito ba ay nagpapakita
ng pagpapahalaga sa kasapi ng pamilya?

A. Opo.
B. Hindi po.
C. Marahil.
D. Ewan ko.

_______ 6. Nararapat ba na tumulong ang mga anak sa gawaing-bahay gaya ng nasa


larawan?

A. Opo, upang madaling matapos ang mga gawain.


B. Opo, upang maging masaya sina Nanay, Ate at si Bunso.
C. Hindi po, dahil mapapagod ang mga bata sa gawaing-bahay.
D. Opo, upang mabigyan ng premyo ni Tatay kapag malinis na ang bahay.
Pag-aralan ang timeline ng pangyayari sa pamilya ni Ana.
_______ 7. Ano ang ipinapakitang mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya ni Ana?
A. Ipinapakita sa larawan ang pagsilang ng bata.
B. Ipinapakita sa larawan na masaya ang pamilya ni Ana kasama rin sina
Lolo at Lola.
C. Masaya ang pamilya ni Ana sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan at
ang pagkakaroon niya ng maraming handa.
D. Ang mga mahahalagang pangyayari sa pamilya ni Ana ay ang kanyang
pagsilang, pagdiwang ng kaarawan at pagtatapos sa pag-aaral.

_______ 8. Ano ang tawag sa pagtala ng sunod-sunod na pangyayari sa buhay?

A. Talambuhay
B. Talaan
C. Talangkaan
D. Timeline

_______ 9. Sina tatay, nanay, at mga anak ay ang mga bumubuo sa____________?

A. Barangay
B. Pamayanan
C. Pamilya
D. Simbahan

_______ 10. Ano ang tawag sa pangyayaring masaya o malungkot sa buhay na hindi
makakalimutan?

A. Karanasan
B. Buhay
C. Binyagan
D. Kasalan

_______ 11. May nasunugan na mga pamilya sa inyong barangay. Paano ka kaya
makatutulong sa mga biktima ng sunog?

A. Magbibigay ng mga luma at sirang damit.


B. Magbibigay ng mga pagkain, tubig at tulugan.
C. Ibabahagi ang mga hindi na mapapakinabangang laruan.
D. Pupunta sa mga nasunugan upang mag-usyoso lamang.

_______ 12. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng masayang pangyayari sa buhay ng


pamilya?
A. Umaalis ng bahay si Mark kahit hindi pa niya natatapos ang ipinapagawa
sa kanya ng Nanay na paglilinis ng kuwarto.
B. Pinagtatawanan ng pamilya ni Helen ang masamang nangyari sa
kapitbahay.
C. Namamasyal ang pamilya nina Sam tuwing bakasyon.
D. Mas pinahahalagahan ni Roy ang paglalaro ng kanyang “cellphone” kaysa sa
pakikipag-usap sa pamilya.

_______ 13. May mahahalagang pangyayari sa buhay ng iyong pamilya. Bahagi ba ito ng
iyong buhay?

A. Tama po
B. Mali po
C. Marahil po
D. Ewan po

_______ 14. Tinawag ka ng guro mo upang magkwento tungkol sa iyong pamilya. Ano ang
gagawin mo?

A. Hindi kikibo.
B. Tatayo at iiyak.
C. Tatakbo palabas ng silid-aralan.
D. Tatayo at masayang magkukwento.

_______ 15. Nagkukuwento si Melanie ng mahahalagang pangyayari sa kanyang pamilya.


Ano ang gagawin mo?

A. Pagtatawanan ang kaklase.


B. Makinig nang mabuti.
C. Huwag pansinin ang sinasabi ng kaklase
D. Makikipag kuwentuhan sa katabi.
_______ 16. Inutusan si Rona ng Nanay na maglinis ng bahay bago maglaro. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapakita ng pagtupad niya sa alituntunin?

A. Naglaro muna siya sa labas bago naglinis ng bahay.


B. Tinapos ni Rona ang paglilinis ng bahay at nagpaalam sa kanyang Nanay
na maglalaro na siya.
C. Naglinis ng bahay si Rona pero hindi natapos.
D. Umalis si Rona ng bahay upang maglaro sa bahay ng kaibigan niya nang
walang paalam.

_______ 17. Isa sa mga alituntunin ng Pamilya Ocampo ay ang pagtulong sa mga gawaing
bahay. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito.

A. Natutulog maghapon si Toni tuwing Sabado.


B. Gabi na natatapos si Rudy sa paglalaro ng video games.
C. Kapag walang klase ay nagwawalis ng bakuran si Jenny.
D. Naglalaro ng bilyard si Marlon kasama ang kanyang mga kapitbahay.

_______ 18. Paano maipapakita ang mabuting ugnayan ng iyong pamilya sa ibang pamilya?

A. Pagbibigay ng anumang gustuhin ng ibang pamilya.


B. Pakikipagtalo sa kanila kapag may hindi nagustuhan sa usapan.
C. Pagpilit sa ibang pamilya na gawin ang mga naisip na gawain ng aking
pamilya.
D. Pagbibigay ng paggalang at respeto sa ibang pamilya.

_______ 19. Nanakawan ang pamilya nina Ismid. Halos wala nang natira sa kanila. Anong
tulong ang maaari mong ibigay sa kanilang pamilya?

A. Babantayan ko ang kanilang pamilya.


B. Bibigyan ko sila ng lumang damit at pagkain sa tulong ng aking pamilya.
C. Isusumbong ko sa pulis ang nangyari sa kanila.
D. Pagtatawanan ko sila kapag natulog sila sa kalsada.

_______ 20. Nakita mong inaaway ang kapitbahay ninyo at napadaan ka sa. Ano ang
gagawin mo?

A. Hahayaan lang na awayin ang kapitbahay.


B. Magkukunwari na hindi ko siya nakita.
C. Pagsasabihan ang umaway na masama ang ginagawa nila.
D. Hindi sila pakikialaman.

You might also like