Ikalawang Markahang Pagsusulit Sa ESP I

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
DISTRICT OF KAWIT
FLORANTE ILANO MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao I

Pangalan: _________________________________________ Petsa: _________________________


Baitang at Pangkat: ______________________________ Guro: __________________________

PANUTO: Basahin ang mga tanong. Isulat ang letra ng wastong sagot.

_______ 1. Alin ang dapat gawin paggising sa umaga bilang paggalang sa mga magulang?

A. Batiin sila ng “Magandang umaga, po.”


B. Kumain ng almusal.
C. Magsepilyo.
D. Maligo.

_______ 2. Dumating mula sa hanapbuhay ang iyong ama at mukhang pagod ito. Ano ang
sasabihin mo?

A. “Ano po ang pasalubong ninyo, Itay?”


B. “Kumain ka na. May pagkain na diyan.”
C. “Kumusta po kayo, Itay? Mano po.”
D. “Magpalit ka na agad ng damit.”

_______ 3. Tinatanong ka ng tatay at nanay mo kung tapos ka na sa iyong takdang–gawaín.


Ang isasagot mo ay _________________.

A. “Kanina ko pa natapos.”
B. “Bakit, tutulungan mo ba ako?”
C. “Tinatamad pa po ako, mamaya na.”
D. “Opo, Itay at Inay. Natapos ko na po.”

_______ 4. Alin ang nagpapakita ng wastong paggalang sa mga magulang?


A. Nagmamano at sumusunod sa mga utos minsan lamang.
B. Gumagamit ng po at opo at pagpapaalam bago umalis.
C. Nagpapaalam bago umalis ngunit huli na umuuwi.
D. Pakikinig sa usapan ng mga magulang.

_______ 5. Napagalitan ka ng iyong Nanay dahil sa iyong pagkakamali. Ano ang iyong
gagawin o sasabihin?

A. “Patawad po, Nanay. Hindi na po mauulit.”


B. “Patawad po, Nanay. Pero si Ate po ang may kasalanan.”
C. Hindi na lamang kikibo.
D. Lalabas ng bahay nang nagdadabog.

_______ 6. Nabali ang karayola ng kuya mo. Wala siyang gagamitin para sa kaniyang
proyekto. Ano ang gagawin mo?

A. Hindi kikibo.
B. Sabihin bumili na lang.
C. Pahihiramin ng krayola.
D. Ibibigay ang nakatagong mga baling krayola.

_______ 7. Napagod ang ate mo sa pagwawalis sa bakuran. Ano ang dapat mong gawin?
A. Tutulungan ang ate na magwalis.
B. Aalis ng bahay upang hindi mautusan.
C. Magkukunwaring hindi alam na pagod na ang ate.
D. Magpapatulong na gumawa ng takdang gawain.

_______ 8. Oras na ng rises. Walang baon ang katabi mo. Ano ang iyong gagawin?

A. Hahanap ng ibang lugar na kakainan.


B. Tatanungin siya kung bakit walang baon.
C. Ibabahagi sa kanya ang baong tinapay at juice.
D. Hindi papansinin ang katabi hanggang matapos ang rises.
_______ 9. Nakita mong hirap na hirap ang matandang babae sa pagbibitbit ng dala-dala.
Ano ang gagawin mo?

A. Panonoorin ang matanda.


B. Bibitbitin ang ilan lamang sa mga dala-dala nito.
C. Agad tutulungan ang matanda sa dala-dala nito.
D. Tutulungan ang matanda ngunit hihingi ng kapalit.
_______ 10. May nasunugan na mga pamilya sa inyong barangay. Paano ka kaya
makatutulong sa mga biktima ng sunog?

A. Magbibigay ng mga luma at sirang damit.


B. Magbibigay ng mga pagkain, tubig at tulugan.
C. Ibabahagi ang mga hindi na mapapakinabangang laruan.
D. Pupunta sa mga nasunugan upang mag-usyoso lamang.

_______ 11. Dumating ang mga bisita ng iyong magulang. Ano ang dapat mong gawin?

A. Batiin sila at patuluyin sa bahay.


B. Pumasok sa loob ng silid.
C. Lumabas ng bahay.
D. Huwag kumibo.

_______ 12. Kinakausap ka ng guro at ipinapaliwanag ang iyong gawain. Ano ang iyong
gagawin?

A. Tumahimik lamang.
B. Makinig nang mabuti at unawain.
C. Huwag pansinin ang sinasabi ng guro.
D. Hayaan lamang ang guro na magsalita.

_______ 13. Kumakain kayo ng hapunan. Nais mong kumuha pa ng ulam ngunit malayo ito
sa iyo. Paano ka magsasabi sa iyong nanay?

A. “Nanay, ulam nga.”


B. “Nanay, abot mo po ang ulam.”
C. “Nanay, pakiabot nga po ng ulam.”
D. “Nanay, bilisan mo gusto ko pa ng ulam.”.

_______ 14. Inutusan ka ng iyong tatay na bumili sa malapit na tindahan ngunit naglalaro ka
gamit ang cellphone. Paano ka susunod?
A. Itigil muna ang paglalaro at sumunod agad nang masaya.
B. Itigil muna ang paglalaro at sumunod nang nakasimangot.
C. Susunod pagkalipas ng ilang sandali nang padabog.
D. Magbibingi-bingihan.

_______ 15. May pagsusulit kayo sa klase. Tama ba na tumingin sa papel


ng katabi at mangopya?

A. Hindi po, sapagkat ito ay pandaraya.


B. Hindi po, sapagkat wala na magagawa pa.
C. Opo, sapagkat paminsan-minsan lang ito gawin.
D. Opo, upang makumpleto ang mga sagot sa pagsusulit.

_______ 16. Naglalaro kayong magkapatid ng bola sa labas ng bahay. Hindi sinasadya ay
naibato mo ang bola patungo sa bintana at nabasag ito. Tinanong kayo ng nanay. Ano ang
iyong gagawin?

A. Sasabihing kapatid ang nakabasag.


B. Agad tatakbo paalis ng bahay at hindi muna uuwi.
C. Aaminin ang pagkakamali at hihingi ng paumanhin.
D. Sasabihin ang totoo ngunit isisi ang pangyayari sa kapatid.

_______ 17. Maliit na ang lapis na ginagamit mo. Nais mong bumili ng bago na may
halagang ₱10. Paano ka hihingi sa tatay mo?

A. Humingi ng kulang sa P10.


B. Humingi lamang ng sapat na halaga.
C. Humingi ng labis sa P10 at ipunin ang natirang sukli.
D. Humingi ng labis sa P10 at ipambili ng laruan ang sukli

_______ 18. Nais mong maglaro sa parke ngunit nag-aalala ka baka hindi ka payagan ng
iyong nanay. Ano ang gagawin mo?

A. Aalis nang palihim.


B. Magsasabi na pupunta lang sa tindahan saglit.
C. Magpapaalam na pupunta lamang sa katabing bahay.
D. Magpapaalam na pupunta sa parke at uuwi din agad.

_______ 19. Bumili ka ng biskwit sa tindahan. Napansin mong sobra ang sukli ng tindera.
Ano ang gagawin mo sa sobrang sukli?

A. Isisilid agad sa bulsa habang walang nakatingin.


B. Ibabalik ang sobrang sukli ngunit may bawas.
C. Agad ibabalik sa tindera ang sobrang sukli nito.
D. Ibabalik ang sobrang sukli ngunit may kapalit.

_______ 20. Naatasan ka ng guro na maglinis ng silid-aralan. Sa iyong pagwawalis may


nakita kang bago at magandang payong na may pangalan ng may-ari. Ano ang gagawin mo?

A. Iwan sa silid-aralan ang payong.


B. Ibalik sa may-ari at sabihing hihiramin muna.
C. Ibalik sa may-ari ang payong kinabukasan na.
D. Ibalik agad sa may-ari ang payong na nakita.

You might also like