Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

LEARNING MODULE

ARALING PANLIPUNAN 9
(W2)

ANG PANGANGAILANGAN
AT KAGUSTUHAN NG TAO

NAME: __________________________ SCORE: _______


SECTION: ________________________ DATE: _________

1
ARALIN 2: PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN NG TAO
Saklaw ng Aralin

PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN: ANG PAGHAHAMBING

Kailangan Gusto

Kailangan para mabuhay Maaring mayroon o wala

Inuuna Ipinagpapaliban

Pangunahing mga bagay o necessi- Mga bagay na luho o luxuries


ties
Nakapagdudulot ng kapakina- Nakapagbibigay ng kasiyahan
bangan
Binansagan ding basic needs Tinatawag ding created needs

Maaring hindi magbago Mabilis magbago

Ang hindi pagtatamo ay maaring Ang hindi pagtatamo ay maaring


maging sanhi ng pagkakasakit o maging sanhi ng hindi pagkakunten-
kamatayan to, disgust o pagkabigo

Noong unang panahon, kapag sinabing pangangailangan, ito ay binubuo


lamang ng pagkain, damit, at tirahan. Sa pag-usad ng buhay at habang nagi-
ging moderno ang henerasyon, nagiging komplikado na rin ang idinedeklarang
pangangailangan ng tao. Magkagayon man, malinaw na ang pagtukoy nito ay
iba-iba sa bawat tao at sa bawat panahon.

2
Gawain 1: Tukuyin kung kailangan o gusto mo ang mga sumusunod. Isulat
ang iyong sagot sa talahanayan sa ibaba.

Kailangan Gusto
Telebisyon
Cell phone
Bahay na bato
Electric fan
trabaho
computer
bagong sapatos
bagong tsinelas
bagong damit
cell phone load
baon sa eskuwela
kaibigan
pamilya
barkada
rellihiyon

Mga Salik ng Pangangailangan at Kagustuhan


Salik na Pampersonal
 Kabilang sa mga ito ang kulturang kinalakihan, pag-uugali, gulang, ka-
sarian, damdamin at mga bagay na nakagawian na. halimbawa: iba iba
ang kultura at rellihiyon na kinabibilangan ng tao. Ang bawat isa ay
may iba’t ibang panuntunang sinusunod. Gayon din sa usapin ng edad
at kasarian, iba ang pangangailangan ng nakababata sa nakatatanda at
mga babae at mga lalaki. Nakaiimpluwensya rin sa tao ang mga bagay
na nakagawian na niyang gawin o gamitin.
Salik na Panlipunan
 Ang pamliya at mga kaibigan ay may malaking impluwensya sa ating
pangangailangan. Ang kanilang panlasa ay maaring maging panlasa na
rin natin lalo na kung ang isang particular na kasapi ng pamilya o
kaibigan ay itinuturing nating halimbawa o modelo.

3
Salik na Pansikolohikal
 Maraming pansikolohikal na salik ang maaring nagiging dahilan n gating
pangangailangan o gusto. Halimbawa, may ibang natutuwang mamili o
mag-shopping dahil ito ang nakapagpapasaya sa kanila. May ilan naman
na maraming binibili para ipamigay o iregalo sa iba, may okasyon man o
wala. Ang gawaing ito ay maaring may motibong makapagpasaya o
makapagyabang o sa ilang pagkakataon, para makapanuhol.
Salik bunsod ng kalagayang pang-ekonomiya
 Ang kalagayan sa buhay na bunga ng uri ng trabaho o antas ng kitang
tinatanggap ay maaring siyang pinakakongkretong dahilan n gating pan-
gangailangan at kagustuhan. Kapag mayaman ang isang tao, maraming
siyang kagustuhan na maaring matamo kumpara sa isang mahirap. Maari
ring isaalang-alang ang pagpapasya ng tao sa paggasta o pag-iimppok.
Salik bunsod ng pagpapahalagang pangkapaligiran
 Magkakaiba ang pagpapahalaga ng tao sa kanyang kapaligiran. May ilang
mapagmalasakit habang may iba naman na sadyang mapagwalang-
bahala. Halimbawa, may mga hindi na gumagamit ng plastic bag sa pami-
mili dahil may kamalayan sila sa epekto ng plastic sa kapaligiran lalo na
kung ito ay nagging basura na.
Salik Pampolitika
 Ang batas, patakaran at desisyon ng pamahalaan ay nakaapekto rin sa
pangangailangan at kagustuhan ng mga nasasakupan nito. Pamahalaan
kasi ang siyang nagpapasya sa mga produkto o serbisyong maaring bilhin
ng tao sa pamilihan.
Tibay Kaalaman at Kasaysayan
Kumpletuhin ang pangungusap batay sa natutuhang mga konsepto.
1. Naiiba ang pangangailangan sa kagustuhan sa aspekto ng ________________
_________________________________________________________________.
2. Nagkakapareho ang pangangailangan sa kagustuhan dahil ________________
_________________________________________________________________.
3. Maaring ipagpaliban ang pangangailangan ngunit ______________________
________________________________________________________________.
4. Kung hindi masusunod ang gusto, maaring ____________________________
_________________________________________________________________.

4
Mga Teorya sa Pangangailangan
1. Herarkiya ng Pangangailan ayon sa pag-aaral ni Abraham Maslow

2. Teoryang ERG (Existence, Relatedness, Growth) ayon kay Alderfer

5
3. Teorya ng Tinamong Pangangailangan ayon kay McClellan

 Need for Achievement


Mga nagawa o naging kontribusyon ng tao, maliit man o malaki, bunga
ng kanyang taglay na kakayahan at abilidad.
 Need for Affiliation
Kagustuhan ng taong matanggap at mapabilang
 Need for Power
Kagustuhang makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag
tatamo kapangyarihan at posisyon

Pagpapalalim ng kaalaman sa Pangunahing ideya


Anong mga paglalahat o kongklusyon ang nabuo mo tungkol sa inilahad na
mga teorya ng pangangailangan at kagustuhan? Gamitin ang talahanayan sa
ibaba para sa iyong sagot.

Teeorya ni Maslow Teoryan ni Alderfer Teorya ni McClelland

6
Alin sa mga teorya ng pangangailangan at kagustuhan ang
maiuugnay mo sa iyo at sa estado ng pamumuhay mo ngayon?
Bakit
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

Isabuhay:
Paano mo makakamit ang pinakamataas na pangangailangan ng tao?
Magbigay ka ng iyong hakbang na gagawin upang matamo ang nasa-
bing pangangailangan?

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

7
Mga Sanggunian:
 Consuelo M. Imperial, et.al, “Kayamanan Ekonomiks” mga pahina 76
hanggang 82
 Maria Carmelita B. Samson, et.al, “Siglo Ekonomiks” mga pahina 46
hanggang 54
 https://peac.org.ph/learning-module-repository/
 https://www.google.com/search?
q=hirarkiya+ng+pangangailangan+ni+maslow+tagalog&tbm=isch&ved
=2ahUKEwiM_6is_cvqAhWvw4sBHcrkBO0Q2-
cCegQIA-
BAA&oq=hirar&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgIIADICCAAyAggAMgIIADIC
CAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECCMQJzoECAAQQzoFCAAQs
QM6BwgAELEDEENQ5OAcWPmAHWChlx1oAHAAeACAAfABiAGPBZIB
BTEuMy4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=aD4NX
4yrL6-
Hr7wPysmT6A4&bih=625&biw=1349&safe=active&hl=en&hl=en#img
rc=hXYK_QxFSvDIPM
 https://businessjargons.com/alderfers-erg-theory.html
 https://www.iedunote.com/acquired-needs-theory

Inihanda ni:

ARBY JOY B. REGALA


Guro sa Araling Panlipunan

You might also like