W6 7 Produksiyon

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

LEARNING MODULE

ARALING PANLIPUNAN 9
(W6 at 7)
ANG PRODUKSIYON

NAME: __________________________ SCORE: _______


SECTION: ________________________ DATE: _________

1
ARALIN 4: ANG PRODUKSIYON
Saklaw ng Aralin

Kahalagahan ng Aralin:

Ang produksiyon ang kukumpleto sa tatlong mahahalagang gawaing pang-


ekonomiya. Sa aspektong ito nagkakaroon ng transpormasyon ang produkto
upang makapagdulot pa ng mas mataas na antas ng pakinabang at kasiyahan.

Ang Produksiyon ay tumutukoy sa paggawa o paglikha ng mga bagay at


pakinabang. Ito ay maaring tangible goods at intangible goods.

Tangible- ang produktong nalilikha na nakikits, nabibilang at nahahawakan.

Intangible- ang paglikha ng mga serbisyong hindi konkreto ngunit may kapa-
kinabangan.

Pagbibigay ng Halimbawa
Tangible goods Intangible goods

2
Land
Bahagi ito ng likas na yaman ng bansa. Sa pamamagitan ng lupa, ang mga
planta, pabrika at ibang imprastruktura ay napakikinabangan at naitayayo.
Ang mga hilaw na materyales na kailangan sa produksyon ay nanggagaling sa
salik na ito.
Labor
Ang paggawa ay paggamit ng lakas ng tao upang linangin ang mga likas na
yaman sa paglikha ng mga produkto. Ang kapakinabangan ng hilaw na ma-
teryales sa paglikha ng mga produkto ay nakasalalay sa salik na ito.
Capital
Ito ang materyal na bagay na ginawa ng tao upang magamit sa produksyon
tulad ng mga makinarya, kagamitan planta at pabrika. Ang salapi na gi-
nagamit sa pagbili ng mga makinarya ay tinatawag ding kapital.
Entrepreneur
Tinatawag itong “kapitan ng Industriya” sapagkat siya ang lumilinang ng ibang
salik ng produksyon. Siya rin ang pinakaulo ng negosyo, sapagkat ang pagga-
wa ng desisyon ukol sa negosyo ay kanyang ginagawa. Handa rin siyang
makipagsapalaran sa pagnenegosyo.

3
Production Function
Ang production function ay isang graph o mathematical equation naglalara-
wan sa ugnayan ng mga input o sangkap ng produksyon sa mga output o
mga nagawang produkto, na kung ano ang input, nakadepende rito ang kali-
dad o kantidad ng malilikhang produkto o output.

Pagbibigay mungkahi:
Isang estudyante ang nais na magtayo ng maliit na negosyo habang nag-
aaral. Magbigay ng limang (5) mungkahi na possible niyang pasuking negosyo
1._________________________________________________________

2._________________________________________________________

3. ________________________________________________________

4. ________________________________________________________

5. ________________________________________________________

4
Mga Paraan sa Produksyon

Mechanization

Ang mga imbensiyon ng mga makinarya noong Rebo-


lusyong Industriyal ang nagpasimula ng pagbabago
sa paraan ng produksiyon. Ang paglikha ng mga
produkto ay isinasagawa ng mga makina kaysa sa tao.

Production Line

Sa sistemang ito, ang isang conveyor belt ay ginagamit


sa paglikha ng produkto. Ang nilikhang produkto ay
lumilipat sa mga kagamitan na dadaan sa mga mangga-
gawa na nagsasama sa kani-kaniyang Gawain sa pgbuo ng isang produkto.

Division of Labor

Ang bawat manggagawa ay may gawain na na-


katakdang gawin. Ang pagsasagawa ng gawain ng
mga manggagawa ay naaayon sa espesyalisasyon nila.

Automation

Sa prosesong pamproduksiyon, ang gawain ay gi-


nagamitan ng mga makinarya at teknolohiya na wa-
lang manggagawa na kumokontrol.

Robotics

Ang panahon ng computer ay may malaking impluwen-


sya sa paggamit ng mga makinarya sa mga pabrika at
industriya. Mataas na uri at de-kalidad na robots na
kontrolado ng computer ang makina ang ginagamit sa
paglikha ng mga produkto at serbisyo.

5
Mga gastusin sa Produksyon

1. Total fixed cost (TFC)

Gastusin para sa fixed input. Ito rin ang gastusing binabayaran na kahit wala
pa o walanang produksiyon. Halimbawa: upa sa mga pagawaan, gusali, at
lupa.

Formula: TFC = TC – TVC

2. Total variable cost (TVC)

Gastusin para sa mga variable input; nakadepende rin ito sa antas ng pro-
dusiyon. Halimbawa: elektrisidad, tubig at buwis, sahod sa mga manggagawa
at iba pa.

Formula: TVC = TC – TFC

3. Total cost (TC)

Kabuuang gastusin para sa fixed at variable input.

Formula: TC = TFC + TVC

4. Average Fixed cost (AFC)

Gastusin sa bawat produkto batay sa salik na hindi nagbabago.

Formula: AFC =

5. Average Varialbe cost (AVC)

Gastusin ng bawat produkto na nagbabago ayon sa lebel ng produksiyon

Formula: AVC =

6. Average total Cost (ATC)

Gastusin ng bawat produkto batay sa salik ng produsiyon. Ito ay ang ka-


buuang gastusin ng bawat produkto kapag pinagsama ang average fixed vari-
able cost. Ito ang nagiging batayan ng negosyante sa pagpepresyo ng kanil-
ang produkto .

Formula: ATC = o ATC = AFC + AVC

6
7. Marginal cost (MC)

Karagdagang gastos sa bawat karagdagang produktong nagagawa

Fomula: MC =

Ang mga gastusing nabanggit ay mga explicit cost ng bahay-kalakal. Ito ay


mga gastos na tinatanggap ng may-ari ng salik ng prduksiyon. Halimbawa:
hilaw na sangkap ng produksyon, pasuweldo sa mga manggagawa, upa sa
lupa, bayad sa kuryente, tubig, telepono at iba pa.

Ang implicit cost namay ay gastos na ibinabayad ng may-ari sa kanyang sarili


bilang may-ari ng ibang salik ng produksiyon. Halimbawa: kung ang lupang
tinatayuan ng kanyang negosyo ay lupang siya rin ang may-ari, at ang renta
nito ay ibinabayad nya niya sa kanyang sarili.

Talahanayan 1.1

TP (Q) TFC TVC TC AFC AVC ATC MC


0 40 0 40 0 0 0 -
1 40 20 60 40 20 60 20
2 40 31 71 20 15.5 35.5 11
3 40 43 83 13.33 14.33 27.67 12
4 40 58 98 10 14.5 24.5 15
5 40 76 116 8 15.2 23.2 18
6 40 96 136 6.67 16 22.67 20
7 40 121 161 5.71 17.3 23 25

Mapapansin sa talahanayan 1.1 na habang ang TP, TVC, at TC ay lumalaki, ang


AFC, AVC, at ATC naman ay lumiliit. Samantala, ang TFC ay hindi nagbabago.
Ang MC ay pabagobago sa bawat lebel ng produksiyon .

7
 Worksheet. Kumpletuhin ang talahanayan ng production cost.

TP (Q) TFC TVC TC AFC AVC ATC MC


0 15 0
1 15 8
2 15 12
3 15 17
4 15 23
5 15 31
6 15 34

 Tiyakin
Ipaliwanag ang sagot:
Bakit kailangang kuwentahin ang mga gastos ng produksiyon?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

MGA URI NG SAMAHANG PANGNEGOSYO

Positibong Katangian Negatibong Katangian

Isahan Pagma- Madaling itatag. Mahihap palawakin.


may-ari (Sole
Ang may-ari ang gumagawa Maraming kailangan sa
Proprietorship)
ng lahat ng desisyon panig ng may-ari: oras,
atensiyon at pananalapi.

8
Sosyohan Madaling itatag. Madaling Maaaring hindi
(Partnership) palawakin. magkasundo ang
Hindi bababa sa magkasosyo at mabuwag
Mayroong check and bal-
dalawa ang ang negosyo.
ance sa magkasosyo, kaya
magkasosyo
naiiwasan ang pang- Kalimitan, ang pana-
aabuso. nagutan ng kasosyo ay
hindi limitado sa kanyang
Magkasamang haharap ang
nilaan na puhunan.
magkasosyo sa mga prob-
lema ng negosyo maging sa
pananagama o pagkalugi
nito.
Korporasyon Malaki ang oportunidad sa Komplikado ang pag-
(Corporation) paglago. tatayo.
Hindi bababa sa
Ang pananagutan ng share- Limitado ang impluwensi-
lima ang
holder (mga kasapi) ay lim- ya ng bawat stockholder
magkakasama
itado sa kanyang inilagak sa management.
na puhunan (limited liabil-
Maaring magkaroon ng
ity)
burukrasya o pamahalaan
Mayrooong propesyonal na ng iilang tao.
pamamalakad. (may
saligang batas sa korpo-
rasyon)
Mahirap buwagin.
Kooperatiba Ang pananagutan ng share- Lahat ng kasapi ay
(Cooperative) holder ay limitado sa hinihingan ng partisipasy-
Maraming tao kanyang nilagak na puhu- on sa pagpapasya na
ang kasali nan (limited liability) maaring maging matagal
at mabagal.
Higit na maraming miyem-
bro ang makasasali at
makikinabang
Prayoridad ang maglingkod
kaysa tumubo.
Maaaring kumuha ng pro-
fessional manager para
mamahala.

9
Pagsusuri sa chart

Alin sa mga uri ng samahang pangnegosyo ang pinakamarami sa pilipinas?


Isulat ang iyong sagot.

______________________________________________________________

______________________________________________________________

Nanaisin mo rin ba ang magnegosyo kung may pagkakataon ka? Bakit?

______________________________________________________________

______________________________________________________________

Kung ikaw ay magtatayo ng negosyo, alin sa mga uri ng saamahang pangne-


gosyo ang pipiliin mo? Bakit?

______________________________________________________________

______________________________________________________________

10
11
Mga Sanggunian:
 Consuelo M. Imperial, et.al, “Kayamanan Ekonomiks” mga pahina
114 hanggang 127
 Maria Carmelita B. Samson, et.al, “Siglo Ekonomiks” mga pahina 98
hanggang 118
 https://peac.org.ph/learning-module-repository/
 https://www.slideshare.net/geraldgdizon/konsepto-at-mga-salik-ng-
produksyon
 https://www.slideshare.net/TeacherJhoie/produksyon-51087801

Inihanda ni:

ARBY JOY B. REGALA


Guro sa Araling Panlipunan

12

You might also like