Ap 9 Ist Mastery Test

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division of Cebu City
SUDLON NATIONAL HIGH SCHOOL
Sudlon II, Cebu City

UNANG MARKAHANG MASTERY TEST SA ARALING PANLIPUNAN 9 (EKONOMIKS)

Pangalan: _________________________________ Seksyon: ___________ Petsa: ______ Iskor: _____

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa patlang
na nasa tapat ng bawat bilang. Gumamit ng malaking titik.

_____1. Sino ang nagpasimuno ng Pasismo sa kanyang bansa?


A. Adolf Hitler C. Karl Marx
B. Mao Zedong D. Vladimir Lenin
_____2. Ito ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung
gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
A. Pera B. Tao C. Produkto D. Alokasyon
_____3. Ang mga sumusunod ay mga bansang nagtataguyod sa Tradisyonal na ekonomiya. Alin dito
ang HINDI kabilang?
A. Brazil B. Greenland C. Haiti D. Switzerland
_____4. Anong bansa ang nagtataguyod ng Mixed Economy bilang sistemang pang-ekonomiya?
A. Canada B. Singapore C. Hong Kong D. United States of America
_____5. Ang mga pahayag sa ibaba ay nagpapakita ng magandang pag-uugali na dapat taglayin ng
mga kabataan ngayon, alin ang HINDI kabilang?
A. Pagiging masunuring anak.
B. Responsableng paggamit ng social media.
C. Pagtaliwas sa mga magandang payo ng nakakatanda.
D. Pagsagot sa mga nakakatanda na may buong paggalang.
_____6. Pangangailangan na maramdamang ang kanyang halaga sa lahat ng pagkakataon. Anong
antas ng pangangailangan ito?
A. Love/Belonging B. Esteem C. Physiological Needs D. Safety
_____7. Pinakamataas na antas ng pangangailangan ng tao. Ano ito?
A. Love/Belonging B. Esteem C. Self-Actualization D. Safety
_____8. Ano ang negatibong epekto kung mabigo ang tao na makamit ang respeto sa sarili at sa
kapwa?
A. Magiging sakitin, makakaranas ng pagkagutom o katakawan
B. Pagkabigo, kawalan o mababang pagtingin sa sarili at pag-iisa
C. Magiging mahina ang pangangatawan, balisa at walang katiyakan
D. Magiging makasarili at mainggitin
_____9. Ano ang negatibong epekto kung mabigo ang tao na makamit ang pangangailangan sa
seguridad at kaligtasan?
A. Kawalan o mababang pagtingin sa sarili at pag-iisa
B. Makadarama ng kalungkutan at depresyon
C. Magiging makasarili at mainggitin
D. Magiging mahina ang pangangatawan, balisa at walang katiyakan
_____10. Ano ang negatibong epekto kung mabigo ang tao na makamit ang pangangailangang
pisyolohikal?
A. Katakawan, pagkagutom at pagkakasakit
B. Pagkabigo, kawalan o mababang pagtingin sa sarili at pag-iisa
C. Magiging mahina ang pangangatawan, balisa at walang katiyakan
D. Magiging makasarili at mainggitin
Para sa tanong 11-15
PANUTO: Tukuyin kung anong salik ang nakaka-impluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan
sa ibaba.
_____11. Gusto nang magkapatid na Rico at Bruce na mamasyal sa parke, ngunit mas kailangan ng
kanilang lolo na magpahinga muna sa bahay.
A. Antas ng Edukasyon B. Panlasa C. Edad D. Kita
_____12. Ang guro ay may pangangailangan sa laptop, printer, at projector upang makapagturo ng
maayos, samantalang ang mga mag-aaral ay nangangailangan ng papel, ballpen at notebook.
A. Antas ng Edukasyon B. Panlasa C. Edad D. Kita
_____13. Ang istilo ng pananamit ng mga kabataan ngayon ay ibang-iba sa istilo ng mga pananamit
ng mga nakatatanda.
A. Klima B. Panlasa C. Edad D. Kita
_____14. Nakabili ng magarang bahay si Marielle na isang president ng kompanya, malayo sa buhay
niya dati noong siya ay empleyado pa lamang.
A. Katayuan sa Lipunan B. Klima C. Kapaligiran D. Kita
_____15. Mabili ang heater, sweater, jacket sa Baguio.
A. Klima B. Panlasa C. Edad D. Kita
_____16. Anong uri ng sistemang pang-ekonomiya na nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at
regulasyon ng pamahalaan?
A. Command Economy C. Mixed Economy
B. Market Economy D. Traditional Economy
_____17. Sa sistemang ito, ang pagdedesisyon sa pagsagot sa mga suliraning ano, paano, at
para kanino ang gagawin ay isinasagawa ng indibidwal at pribadong sector. Anong sistemang pang-
ekonomiya ito?
A. Command Economy C. Mixed Economy
B. Market Economy D. Traditional Economy
_____18. Sa ilalim nito, binabalanse ang pagkontrol at kalayaan ng pamahalaan at mamamayan.
Anong sistemang pang-ekonomiya ito?
A. Command Economy C. Mixed Economy
B. Market Economy D. Traditional Economy
_____19. Dahil talamak ngayon ang paggamit sa Social Networking Sites, maraming isyu ang
nailathala. Bilang isang responsableng mamamayan, paano mo pinamahalaan ang mga “Fake News
at Black Propaganda”?
A. Kaagad maniwala.
B. Tumulong sa pagkalat nito.
C. Magkumento ng maanghang na salita.
D. Susuriin ang isyu sa maayos na paraan.
_____20. Mahigit dalawang taon na din ang lumipas ngunit hindi pa rin nawala ang COVID-19
pandemic sa ating bansa. Bilang mamamayang Pilipino, paano ka makakatulong upang hindi
lalong kumalat at lumala ang kaso sa ating bansa?
A. Lalabas sa bahay kung may sakit.
B. Murahin ang opisyal ng barangay.
C. Manatiling malusog at manatili sa loob bahay.
D. Magkikipagkuwentuhan sa mga kapitbahay.
_____21. Anong salitang Griyego na ang kahulugan ay bahay?
A. Oikos B. Nomos C. Hucos D. Cosmos
_____22. Alin sa pagpipilian ang tumutukoy sa mga yamang nauubos at hindi na mapalitan sa
paglipas ng panahon?
A. Yamang Tao B. Yamang Pera C. Likas na Yaman D. Yamang Kapital
_____23. Ano ang tawag sa ang pagpili o pagsakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay?
A. Choice B. Incentives C. Opportunity Cost D. Trade-off
_____24. Ano ang ang halaga ng bagay o best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng
desisyon?
A. Choice B. Incentives C. Trade-off D. Opportunity Cost
_____25. Kung ikaw ay taong rasyonal, ano ang dapat isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
A. Mga hilig at kagustuhan.
B. Mga dinaluhang okasyon.
C. Mga paniniwala, mithiin, at tradisyon.
D. Ang opportunity cost sa pagdedesisyon.
_____26. Sa bawat pagpapasya ay kalimitang may trade-off at opportunity cost. Bakit may
nagaganap na may trade-off at opportunity cost?
A. dahil walang katapusan ang kagustuhan ng tao.
B. dahil sa limitado ang kaalaman ng mga konsyumer.
C. upang makagawa ng produktong kailangan sa pamilihan.
D. dahil may umiiral na kakapusan sa mga produkto at serbisyo.
_____27. Ano ang tawag sa mga bagay na dapat mayroon ang tao sapagkat kailangan niya ito sa
pang-araw-araw na Gawain?
A. Pangangailangan B. Kagustuhan C. Tirahan D. Tubig
_____28. Ito ang mga bagay na hinahangad ng tao na mas mataas sa kaniyang mga batayang
pangangailangan. Ano ito?
A. Pangangailangan B. Edukasyon C. Kagustuhan D. Luho
_____29. Ano ang pangunahing layunin sa pag-aaral ng ekonomiks? Upang _____
A. Malabanan ang krisis na kinakaharap ng bansa.
B. Matutunan ang pagdidiskarte sa harap ng hamon sa buhay.
C. Matutunan kung paano maging responsableng mamamayan.
D. Matugunan ang tila walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao dulot ng
limitadong yaman.
_____30. Alin sa mga sumusunod HINDI nagpapakita ng magandang gawi bilang mag-aaral?
A. Pagbabalik -aral.
B. Pagliban sa klase.
C. Paggawa ng proyekto.
D. Paggawa ng takdang-aralin
_____31. Nasang-ayunan ng mga barkada ni Myles na lumiban sa klase dahil pupunta sila sa mall
upang manood ng sine. Ngunit biglang nagbago ang isip ni Emma na mananatili sa silid-aralan.
Ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa _____________.
A. Pagkita B. Paggasta C. Pag-aaral D. Paglilibang
_____32. Sino ang isang ekonomista at pilosopong Aleman na tinaguriang Ama ng Komunismo?
A. Benito Mussolini B. Friedrich Engels C. Karl Marx D. Vladimir Lenin
_____33. Sa kanyang “Theory of Human Motivation”, ipinanukala niya ang Teorya ng Hirarkiya ng
Pangangailangan. Sino siya?
A. Adam Smith
B. John Meynard Keynes
C. Feliciano Fajardo
D. Abraham Harold Maslow
_____34. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng incentives?
A. paggawa ng gawaing bahay o matulog
B. paggawa sa gawaing bahay sa halip matutulog
C. binigyan ng perang pang-load si Isabel dahil ginawa niya ang gawaing bahay
D. natutunan ni Rico ang maging responsable sa pagtulong sa gawaing bahay
_____35. Ito ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng
pinagkukunang-yaman ng bansa.
A. Alokasyon B. Kakapusan C. Pagkonsumo D. Produksiyon
_____36. Ang salitang ekonomiks ay hango sa dalawang salita Oikos at nomos, ano ang ibig sabihin
nito?
A. Pagbuo ng produkto
B. Pamamahala sa bahay
C. Pagpalitan ng produkto
D. Pamamahala sa pamahalaan
_____37. Paano nakakatulong ang matalinong pagdedesisyon gamit ang mga kaalaman sa konsepto
ng trade-off, opportunity cost, incentives, at marginal thinking? Upang _________.
A. Aktibo na makisapi sa lipunan
B. Maging handa para sa kinabukasan
C. Maging rasyonal sa bawat pagbuo ng desisyon
D. Mapunan ang kagustuhan at pangangailangan
_____38. Si Claire ay sobrang sipag sa pagtatrabaho. Minsan nag-oovertime siya sa kanyang
trabaho sa opisina. Kaya, naisipan niya na magbakasyon sa isang magandang resort. Ang
sitwasyon ay naglalahad ng _________.
A. Pagkita B. Paggasta C. Pag-aaral D. Paglilibang
_____39. Ito ang pangangailangan ng tao sa pagkain, tubig, hangin, pagtulog, kasuotan at tirahan.
A. Physiological Needs B. Safety Needs C. Esteem Needs D. Love/Belonging
_____40. Malapit lang bahay ni Ronalyn sa paaralan. Nakasanayan niyang maglakad papunta at
pauwi sa paaralan. Kaya naisip niyang itabi at ilagay sa kanyang ipon ang pera para pamasahe.
Mula sa pahayag si Ronalyn ay may disiplina sa ______________________.
A. Pagkita B. Paggasta C. Pag-aaral D. Paglilibang
_____41. Aling bansa ang HINDI nagtataguyod ng sistemang Command Economy?
A. China B. France C. Libya D. North Korea
_____42. Ano ang tawag sa pagbibigay ng karagdagang allowance ng nga magulang kapalit ng mas
mataas na marka na pinagsisikapang makamit ng mga mag-aaral?
A. Choice B. Incentives C. Marginal thinking D. Trade-off
_____43. Alin sa sumusunod ang pinaka-angkop na kahulugan ng Ekonomiks?
A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan sa
kinakaharap.
B. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kanilang
padedesisyon.
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mgasuliraning
pangkabuhayan.
D. Ito ay ang pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
_____44. Ikaw ay panganay na anak at isang taon nalang ay makapagtapos ka na sa kolehiyo.
Biglang nagkasakit ang iyong ama at walang trabaho ang iyong inay. Hiningi ng iyong ama na
tumigil ka nalang sa pag-aaral dahil wala na siyang pangtustos sa iyo. Ano ang mainam mong
gawin?
A. Mag-aasawa nalang. C. Papasok sa mga bisyo.
B. Maglayas sa bahay. D. Magwoworking student.

_____45. Ito ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang
paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng pinagkukunang-yaman.
A. Sistemang Pang-Edukasyon C. Sistemang Pampamilya
B. Sistemang Pang-Ekonomiya D. Sistemang Panlipunan
_____46. Alin dito ang antas ng pangangailangan kung saan nagnnais ang tao ng kasiguruhan sa
hanapbuhay, kaligtasan mula sa karahasan, katiyakang moral at pisyolohikal, seguridad sa
pamilya, at seguridad sa kalusugan?
A. Pangangailangang Pisyolohikal
B. Pangangailangang Seguridad at Kaligtasan
C. Pangangailangang Panlipunan
D. Pangangailangang sa Pagkakamit ng Respeto
_____47. Alin dito ang pangangailangan na magkaroon ng kaibigan, kasintahan, pamilya at ng
anak, at pakikilahok sa mga gawaing sibiko?
A. Pangangailangang Pisyolohikal
B. Pangangailangang Seguridad at Kaligtasan
C. Pangangailangang Panlipunan
D. Pagkakamit ng Respeto sa Sarili at Respeto ng Ibang Tao
_____ 48. Nakita mong abalang-abala ang iyong ina sa paperworks, nang sinabi niya na magsaing
ka muna dahil malapit na ang hapunan. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Magdabog sa bahay.
B. Huwag pansinin ang ina.
C. Gawin ang utos ng labag sa kalooban.
D. Gawin ang utos na maluwag sa kalooban.
_____49. Sa naganap na COVID- 19 PANDEMIC, nawalan ng trabaho si Mang Richard. Napagtanto
niyang nakatiwangwang na lupain sa kanilang bakuran para magagamit nito. Ano ang mainam
niyang gawin para makatulong sa pangangailangan ng pamilya?
A. Gawing bilyaran.
B. Gawing playground para sa mga anak.
C. Hanahanap ng bibili ng bakanteng lote para magkapera.
D. Pagtamnan ng mga gulay na madaling tumubo at mamunga.
_____50. Anong uri ng sistemang pang-ekonomiya na sinasagot ang mga suliraning pang-
ekonomiya sa pamamagitan ng mga tradisyon, paniniwala, kagawian at patakaran ng lipunan?
A. Command Economy C. Mixed Economy
B. Market Economy D. Traditional Economy

You might also like