Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

GENERAL TYPES OF LIGHTING SOURCE

Continuous Lighting – ito yung pinaka common na uri ng outdoor security type. Kasi nagagawa nito ang
kaniyang purpose which is ang magbigay liwanag ng tuloy2 sa buong area tuwing gabi hanggang
madaling araw. Ginagamit ito una sa mga prisinto noon hanggang ngayon ginagamit pa din ito. Ang
ganitong klase ng ilaw ay designed para makapag bigay ng dalawang specific na resulta which is the glare
projection or controlled lighting.

Glare Projection Type – gumagamit ang glare projection lighting ng mga ilaw na malayo konte sa loob ng
isang security perimeter at nakadirekta ang ilaw nito palabas. Ito ay isang pagpigil sa mga potensyal na
manghihimasok dahil ito ay nagpapahirap na makita ang loob ng lugar na pinoprotektahan.

Controlled Lighting – ginagamit ito kung kailangan limitahan ang lawak ng ilaw na tatami sa labas ng
lugar dahil sa katabing property nito or dahil malapit sa highway, railways, navigable water or airport
ang area. Ang lawak ng ilaw ay na cocontroll at na aadjust ayon para magfit lang sa kailangang ilawan.

Standby Lighting – ito ay iba sa continuous lighting dahil ang standby lighting automatic na umiilaw or
pinapailaw ng manual randomly or kapag may kahina hinalang pangyayari ang na dedetect ng system o
di kaya ng mga security.

Movable or Portable Lighting – nagcoconsist ng manually operated searchlights na maaring papailawin


kapag panahon ng kadiliman or kung kinakailangan. Ang ganitong sistema ay ginagamit para pandagdag
sa continuous or standby lighting.

Emergency Lighting – pwede itong maging duplicate sa ibang klase ng lighting na nabanggit ko kanina.
Limited lang ang pag gamit nito, ginagamit lang ito sa panahon na walang kuryente or ibang
emergencies kapag ang ibang sistema ay di gumagana.

TYPES OF LIGHTING EQUIPMENT

Incandescent Lamp – ito ang pinakamura mag consume ng kuryente, kilalang kilala at simpleng klase ng
ilaw. Ang ganitong klase ng lamp ay gumagana o umiilaw sa pamamagitan ng init. Kapag ang electric
current ay dumaan sa manipis na metal filament, ang filament ay pinainit, kumikinang, at gumagawa ng
liwanag.

Mercury Vapor Lamp – ito ay klase ng lamp na ang ilaw ay binubuo ng electrical discharge sa
pamamagitan ng mercury vapor.
Metal Halides – isang de-koryenteng lampara na gumagawa ng liwanag sa pamamagitan ng isang
electric arc sa pamamagitan ng gaseous mixture ng vaporized mercury at metal halides

Fluorescent – ang fluorescent na ilaw ay isang napakaraming gamit na uri ng pag-iilaw na makikita mo sa
opisina, paaralan, o grocery store. Ito ay kilala para sa kahusayan ng enerhiya kumpara sa mga bombilya
ng incandescent at halogen, at mas mababang presyo kumpara sa mga LED.

High Pressure Sodium Vapor – ginagamit sa panlabas na pag-iilaw ng mga kalye at paradahan at sa
panloob na mga setting kung saan ang pag-render ng kulay ay hindi kritikal. Kasama sa mga panloob na
setting na ito ang mga shipping areas at manufacturing areas.

TYPES OF LIGHTING EQUIPMENT

Floodlights – ito ay mahusay na fixture na naglalabas ng malawak na sinag ng ilaw. Gaya ng pangalan
nito na flood lights, ang mga ilaw nito ay ginagamit upang bahain o sakupin ng ilaw ang buong area. Ito
ay magandang paraan upang magbigay ng napakalaking dami ng hindi natural na ilaw o liwanag sa isang
lugar.

Street Lights – nakakatulong ito para magbigay ilaw sa ating daan tuwing gabi. Nakakatulong ito para
maiwasan ang krimen, disgrasya at iba pang trahedya sa daan tuwing gabi. Nakakatulong din ito sa ating
mga taong bumabyahe ng gabi para maklaro ang daan.

Search Light – ito ay napaka maliwanag na electric light na may hugis na reflector para iconcentrate ang
sinag, ginagamit ito para pailawan ng maliwanag o di kaya ginagamit pag maghanap ng mga bagay na
nasa malayo o di kaya ginagamit bilang isang palantandaang ilaw na magiging sinyales ng paglapit ng
kaaway.

Fresnel Lights – ang mga ito ay isang ilaw na pinagmumulan ng iba't ibang laki at intensity at may
kakayahang magamit bilang isang spotlight o flood lights. Sa madaling salita, ito ay isang spotlight na
gumagamit ng isang Fresnel lens upang ituon at idirekta ang liwanag sa isang partikular na direksyon.

AREAS NEED TO BE LIGHTED

Perimeter fence – karaniwan, ang isang perimeter fence ay ang unang layer ng depensa. Dahil ang
karamihan sa mga trahedya o krimen ay nangyayari sa ilalim ng kadiliman, ang pagdaragdag ng
perimeter lighting ay isang mahalagang bahagi ng bawat plano sa seguridad. Ang rason ng pag-iilaw ay
upang hadlangan, tuklasin, at pigilan ang mga indibidwal na magtatangka na labagin ang isang secure na
perimeter.

Building face perimeter – parehas lang din ito sa perimeter fence, lalagyan ng ilaw ang harap ng building
para makaiwas o makita ang anumang pangyayari sa harap ng building at para na din sa seguridad ng
buong building tuwing gabi.

Pedestrian Gate – nakakatulong ang pag lagay ng ilaw dito para protektahan ang ari-arian mula sa mga
hindi gustong bisita, kabilang ang mga magnanakaw at solicitor. Hindi man ito masyadong secure pero
ang liwanag sa paligid sa mga bakod at mga pedestrian gate ay nagbabawas ng hindi awtorisadong
trapiko sa isang property, lalo na sa gabi.

Vehicular Gate – kailangan ng ilaw dito kasi dito nachecheck ng mga security ang mga credentials, pati
na rin ang pag inspect ang illegal o di kaya pagnakaw ng ari arian.

Parking area – kailangan lagyan ng ilaw ang mga parking are sa kahit anong building o establisyamento
dahil karamihan sa mga krimeng nangyayari ay nagaganap sa parking area. Marami na ding kaso ng
pagnanakaw ng sasakyan at pagnakaw ng gamit sa loob ng parking area.

Thoroughfare – Ang pag-install ng sapat na dami ng mga ilaw sa kalye ay nagsisiguro na ang mga tao na
bumabyahe ng gabi ay makikita ang daan sa unahan nila at anumang mga sagabal sa daan.

Storage, large opened working area, piers, docks – ang purpose ng pag lagay ng ilaw sa mga lugar na ito
ay upang matiyak ang kaligtasan, functionality, at kaginhawahan sa iba't ibang setting, ito man ay para
sa pag-iimbak ng kagamitan, produktibidad sa lugar ng trabaho, o mga operasyong pandagat.

You might also like