Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Fil.

105 BSED- Filipino II

Ikatlong Pangkat

Limbona, Samirra J.

Mga Patnubay sa Pagtuturo ng Pagsulat

1. Gawing maluwag ang kalagayang pangklase

a. Pagpares-parisin ang mga mag-aaral sa unang araw ng pasukan at hayaang kapanayamin


ang isa’t isa. Pagkatapos, hayaang ipakilala ng bawat isa ang kanilang kapares.

b. Ganyakin ang bawat mag-aaral na magkwento tungkol sa isang karanasan na


nagpapakita ng “pagmamahal sa sarili.”

c. Magpakita ng retrato (pansarili o pang pamilya) at magkwento tungkol dito.

2. Linangin ang kasanayan sa pagmamasid sa paligid

• Ang mga manunulat ay sumusulat upang mailarawan ang mga bagay tungkol sa kanilang
sarili at sa mundong kanilang ginagalawan. Upang maging matapat sa kanilang
paglalarawan, kailangang maging sensitibo sila sa mga detalye at ito ay nangangailangan
ng masugid na pagmamasid.
3. Maging maluwag sa pagbibigay ng mga nakagaganyak na papuri

Magiging kawiliwili sa mga mag-aaral ang pagsulat kung paminsan-minsan ay nagbibitiw ng papuri
ang guro.

• Gising ang pandamdam: “naging matalas din ang iyong pandinig”


• Detalye: “siguradong makikita ko ang lugar na iyon. Nailarawan mo hanggang kaliit
liitang detalye”
• Kapani-paniwala: “tunay na alam mo ang luagr na iyon”

4. Sabihin: “Ipakita! Huwag sabihin”

Tandaan na hindi sinasabi ng magagaling na manunulat ang kainlang naiisip o nadarama. Ipinapakita
nila ito.

Narito ang ilang paraan ng pagpapakita ng iniisip o nadarama –

• bigyang-diin ang paggamit ng mga salitang kilos, lalo na ang pandiwa.


• Gumamit ng mga talinghaga tulad ng simili at Metapora
• Gumamit ng mga usapan sa sulatin
• Bigyan ang mga mag-aaral ng isang akdang babasahin.

5. Laging ipaalala ang wastong gamit ng salita, bantas, at kayarian ng pangungusap.

You might also like