Banghay Aralin

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY


Sta Catalina, Lubao, Pampanga
Lubao Campus

Kabanata X
PANITIKAN HINGGIL SA
DIASPORA / MIGRASYON

Inihanda ni:
Bb. Anjanette D. Lumanog, LPT.

1
Panimulang Gawain:
Panoorin – https://www.youtube.com/watch?v=LdyX3pycl-A

Pagkatapos panoorin at pakinggan ang ang video ay kailangan kunin ang reaksyon ng
mga mag-aaral ukol sa napakinggang salaysay sa video.
Lalagumin ng guro ang mga ibinahaging damdamin ibinahagi ng mga mag-aaral at
gagamitin itong lunsaran sa pagtalakay ng bagong aralin.

Diaspora
Ang salitang "Diaspora" ay salitang nag-uugnay sa mga sinaunang Griyego na nagsisikap na
sakupin at manirahan sa mga lupain sa labas ng bansang Griyego upang matugunan nang kanilang
suliranin sa lumalaking populasyon nuong ikaapat na siglo bago ipanganak si Kristo.
Diaspora ay isang kaganapan kung saan may malaking pagkilos ng mga tao na lumilikas at
naghahanap ng kaligtasan mula sa isang magulong kondisyon.

ANG UNANG OFW

Ang kauna-unang Pilipinong Mandaragat at nagtrabaho bilang isang banyagang mangagawa na


naitala sa kasaysayan ay si Trapobana, isang alipin na nabili ni Ferdinand Magellan mula Melaka (ngaun
ay Singapore) at isinama sa kanyang paglalayag patungong Portugal. Mula sa kanyang pangalang
Trapobana na pinaniniwalaang isang pangalang Pagano, pinalitan ito ng pangalang angkop at madaling
tandaan ng mga Kastila at siya ay tinawag na Enrique.
Dahil nakakitaan si Enrique ng kasipagan, angking kaalaman at dedikasyon sa trabaho, ginawa
syang isang mandaragat ("seafarer") at isinama siya ni Magellan sa kanyang paglalayag sa buong mundo.
Bilang isang katutubo mula sa Cebu, si Enrique ay nagsilbing "interpreter" ng mga Kastila sa kanilang
pagdaong sa Pilipinas sa isla ng Limasawa at sumunod ay sa Cebu. Nabigo si Magellan na sakupin ang
Cebu na nauwi sa isang madugong digmaan na naging dahlan ng kanyang kamatayan, isang pagkakataon
na sinamantala ni Enrique na manatili sa isla bilang na unang "Balikbayan" at muling niyakap ang
Lupang Sinilangan.

2
Migrasyon
MIGRASYON - tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang doon manirahan.
MIGRASYONG PANLOOB (internal migration)- ay ang migrasyon sa loob lamang ng bansa.
MIGRASYONG PANLABAS (international migration) - ang tawag kapag lumilipat na ang mga tao sa
ibang bansa upang doon na manirahan o mamalagi nang matagal na panahon.

MIGRANTE - ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar.


a. MIGRANT- pansamantala
b. IMMIGRANT- pampermanente

PAG-UWI
Liwayway A. Arceo

Tungkol sa manunulat:
Maituturing na pangunahing manunulat na babae sa Tagalog si Liwayway A. Arceo at
maagang kinilala sa larangan ng panulat sa pagkapili ng kanyang “Uhaw ang Tigang na Lupa”
(Nalathala sa Liwayway, Mayo 8, 1943) bilang pangalawang pinakamahusay na kwentong
Tagalog ng 1943.
Isinilang si LAA sa Canal dela Reina, Tondo, Maynila. Naging patnugot –
pangkababaihan ng Lingguhang Liwayway (1963). May akda siya ng mga sanaysay (1946-
1984), maikling katha (1941-1982) at nobela (1952-1987). Siya ay sumulat din ng mga dulang
panradyo. Na sinubaybayan ng bayang tagapakinig mula (1949-1958). Noong 1962, ang kwento
niyang “Banyaga” ang nagkamit ng unang gantimpala sa patimpalak ng Palanca.
Ang mga kwento niyang “Uhaw….” At ang “Saan ang Lakad Mo Ngayon, Ma” ay
kabilang sa aklat-katipunan ng piling katha ni Liwayway A. Arceo na ipinalimbag ng Ateneo
University Press (1984). Si LAA ay may bahay ng makatang Manuel Principe Bautista at ina ng
anim na anak.

3
PAG-UWI
Liwayway A. Arceo
“Badong…. Anak….”
Ang tinig ay gumagaralgal. Tila may gatol sa lalamunan. Bahaw. Halos hindi makalaya
sa mga labi. Ngunit nanunuot sa puso ni Salvador. Lumukob sa kanyang katauhan.
At nagtiim ang kanyang mga bagang. Napalunok siya upang sugpuin ang damdaming
nagpipilit makahulagpos sa kanyang dibdib.
Nag-ibayo ang pagpupuyos ng kanyang damdamin. Malamig ang dantay ng palad sa
kanyang pisngi. Gumapang sa kanyang noo. Sa kanyang buhok. Nadako sa kanyang baba.
Sinalat-salat ang gilit niyon. Muling gumapang paakyat ang mga daliri.
“Umiiyak ka? Bakit?.. Ba-kit ka… umiiyak? Gagaling na ako, a! Ibang-iba na ang aking
pakiramdam ngayon! Nagkita na uli tayo, anak…”
Nawala ang kanyang tinig. Halos hindi niya naigalaw ang kanyang mga kamay nang
angatin ang mga iyon at ikulong sa kanyang mga palad ang kamay ni Aling Idad. Inilagak niya
sa balikat at inangat iyon nang bahagya at itinuon doon ang kanyang mga mata.
Isang tuyot na ubo ang yumanig sa kama, na hawak niya. Parang hindi niya marinig ang
ubong iyon. Ngunit nadama niya. Sa tangan niyang palad ay alam niya ang pagpipilit ng kanyang
ina na supilin ang ubo. Ngunit hindi magawa iyon.
“Isasandig ko ang Inang, Kuya.” Narinig niya ang tinig ng kanyang batang kapatid na si
Salud.
“Naupo ito sa gilid ng higaan ng matanda. Isinalo ang kaliwang bisig sa likod ni Aling
Idad. Sa isang marahang igpaw ay naiangat nila ang katawan ng matanda. Hawak pa rin ni
Salvador ang kamay ng Ina. Ngunit nakuha niya ang dibdib nito. Nadama ng kanyang mga daliri
ang mahigpit na paghinga na tila daloy ng tubig kung dumaraan sa masikip na lagusan. At nang
humupa ang pag-ubo ng matanda sa pakiramdam ni Salvador ay tumigil na rin ang paghinga
niyon.
Nang maibalik ni Salud si Aling Idad sa pagkakahiga ay nadama ni Salvador na hinatak
nito ang kamay na hawak niya. Magaan ang galaw ng kamay. Halos ay wala nang lakas. Wala ng
buhay.
“Matulog ka na… ikaw nga… pagod ka sa biyahe,” sabi sa kanya.” “Igayak mo ang
higaan ng kuya mo…” baling kay Salud.

4
“Huwag na kayong magsalita,” wika ni Salud. “Mangangati na naman ang lalamunan
n’yo. Nakagayak na ang higaan ni kuya. Matulog na kayo…”
Tila tuod na nakatayo si Salvador sa tabi ng higaan ina. Sa malamlam na liwanag sa silid
ay nakikita niya ang hapis na mukha ng matanda. Ang kulubot na mga pisnging halos ay wala
nang buhay. Malalim ang nakalapat na mga mata. At ang butas ng ilong ay kumikibut-kibot sa
madalang at malalim na paghinga. Larawang napakalayo sa larawang iniwan niya.
Ibinaba ni Salud ang kulambong nakatali sa apat na tulos ng higaan.
“Matulog ka na rin, Salud. Ikaw nga… may maliit…”
“Kayo ang magpahinga…”
Mabigat ang mga paa ni Salvador nang lumabas siya sa silid. Napatigil siya sa may pinto
nang naramdamang hindi niya kasunod si Salud. Lumingon siya. Nakaluhod si Salud na malapit
sa higaan ng kanilang ina. Nang muling ituwid niya ang katawan ay nakita ni Salvador na karga
na ang anak na maliit.
“Nagising si Nene e… kinuha ko na. Do’n na tayo sa labas.”
Tahimik na kabahayan. Tulog na ang mga nagbahay sa loob ng kulambong nasa gitna ng
kabahayan. Malamlam din ang liwanag ng ilaw na nasa gitna ng kisame. Naupo si Salvador sa
tabi ng bintana. Ngunit nakatanaw siya kay Salud na nakaupo na sa isang silyang tumba-tumba.
Nakaluwa ang kaliwang dibdib ni Salud na maliit sa kabiyak sa harap ng suot na kamisola at
nakaduldol sa bibig ng sanggol.
Napakunot ang noo ni Salvador. Hindi na si Salud ang nakikita niya ngayon. Si Hule,
nang sumalubong sa kanya kangina sa may hagdanan nang bagong dating siya. Habang naririnig
niya ang pagsipsip ng sanggol na ang mga labi ay nakakapit sa laylayan ng suot ni Hule.
Malayung-malayo ang kaanyuan nito sa larawang inibig niya noon. Mahinhing mga kilos.
Mahabang buhok na laging nakapusod, hindi tulad ngayong nakasabog at halos hindi na
mahagod ng suklay. Makinis na mga bisig na laging kinalalanghapan niya ng halimuyak ng
kalamansing inilakip sa tubig na ipinambanlaw sa pagpaligo.
Aywan niya kung panunumbat o pasaring. Ngunit nakadama siya ng kapaitan sa kanyang
dibdib. Nalasahan din niya ang pait niyon sa kanyang labi. Halos hindi niya makausap. Nang
mabalitaan niya noon na nag-asawa na si Hule, nasabi niya sa sarili na nawalan siya ng isang
hiyas. Ngunit hindi niya masisi si Hule. Sabi niya noon ay apat na taon lamang siyang maglalagi
sa ibang bansa.

5
Mag-iipon lamang siya. Ibig lamang niyang guminha-ginhawa ang kanilang buhay. Ibig niyang
magkaroon ng mga kabaguhan sa kanilang nayon na nahuhuli sa kabihasnan. Ngunit hindi siya
umuwi makaraan ang apat na taon. Nagpatuloy siya sa paghahanapbuhay. Akala niya
mauunawaan iyon ni Hule. Nang sumunod na taon ay nabalitaan niyang nag-asawa na ito.
Matagal bago niya malimot ang dating katipan. Ngunit hindi isang puti ang naging
kabiyak ng kanyang dibdib. Isang Pilipinang humahanap din ng kapalaran sa Estados Unidos.
Nagkaisa sila ng mga pangarap. At nakatupad siya sa habilin ng kanyang ina. “Anak, huwag
kang mag-aasawa ng banyaga. Magiging dayuhan ka rin sa sariling bayan.”
“Kuya….”
Napakurap siya. Muli niyang nakita si Salud. Isinara na nito ang bukas na damit sa tapat
ng dibdib. Tulog na ang sanggol na kalong. Kumibot ang kanyang mga labi. “Kayong mga
babae, kayo…” Ngunit walang tinig na lumalabas sa kanyang mga labi. Nanuyo ang kanyang
lalamunan. At muling sumagi sa kanyang gunita ang kaanyuan kangina ni Hule.
“Ano sa palagay mo…ang….lagay ni Inay?”
Tila may kumirot sa kanyang puso. Nang una niyang tanggapin ang sulat ng isa niyang
pamangkin tungkol sa pagkakasakit ni Aling Idad ay madalian siyang sumagot. Bukod sa
palagiang halagang ipinadadala niya sa kanyang ina ay nagpadala siya ng malaki-laki ring
halaga. At mahigpit ang kanyang bilin. “Sabihin mo sa Lola mo na magpagamot. Magpatingin sa
doktor. Basahin mo nang malakas sa Lola mo ang sulat kong ito. Ulit-ulitin mo ang bilin ko. At
isulat mo kung ano ang mangyayari.”
Hiningi niya ang reseta ng mga gamot na mahirap mabili sa kanilang nayon. At sa
pamamagitan niyon ay natiyak niya kung ano ang karamdaman ng kanyang ina.
“Napakadali nang gamutin ngayon ang T.B.” May lakip na paninisi ang tinig ni Salvador
kanginang makita niya ang anyo ng kanyang ina. “Lalo na rito… sariwa ang hangin, maraming
itlog ng manok, sagana ang gatas! At ang mga ipinadadala kong…”
“Ang….anak kong ito!” Nagpilit na sumagot si Aling Idad. “E, lalong
nangangailangan…ang mga pamangkin mo! Ako’y…matanda na…”
Hindi niya makuhang sumagot. Kaharap ang apat pa niyang kapatid, na ang tatlo ay
nakatatanda sa kanya at pawang babae at si Salud na siyang bunso. Pawang nagsipag-asawa nang
bata pa ang kanyang mga kapatid. Ang kanyang mga bayaw ay pawang magbubukid. At
napalunok siya nang pahalikin ng kamay sa kanya ang kanyang mga pamangkin, na ilan lamang
ang kanyang nakilala.

6
“Ibig n’yong sabihin…” at tinagka niyang bilangin ang mga bata.
“Tatlumpu na’ng apo ni Inang? Paliwanag ng kanyang Ate Banang, pwera ang dalawa sa
iyo.”
“Iyon nga ang iniisip ko,” amin niya. “:Apat kayong nag-aanak.. tatlumpu ang bata…
di….”
“Siyam ang kay Ate Banang…walo ang Ditseng Lumeng…ako lang ang kaunti…” agaw
ni Adela na sumunod sa kanyang ditse.
“Marami ka pa, Salud?” tanong niya.
“May kambal ako e.. pa’no. Lahi ng bayaw mo…”
Saglit na nagtiim ang mga bagang ni Salvador. Hindi man sabihin sa kanya ay alam
niyang inililihim sa kanya ni Aling Idad kung saan natutungo ang malaking bahagi ng
ipinadadala niya ritong kwalta buwan-buwan. Bukod ang ipinadadala niyang mga damit at
pagkain sa kanyang mga pamangkin at bayaw. Nakita niya ang katiyakan ng kanyang mga hinala
nang dumating ang oras ng pagkain at talyasi ang pinaglutuan ng kanin at ulam.
“Kung narito lang naman kaming lahat,” paliwanag ng kanyang Ate Banang. “Kung sila-
sila lang…” na si Salud ang tinutukoy, “di kaunti lang ang saing.”
Kangina rin ay tinawagan ng pansin ni Salvador si Salud nang inililigpit ang pagkain ni
Aling Idad. Iniabot nito ang natirang mansanas ng matanda sa anak.
“O…e, sa Inang ‘yon, a!” Hindi niya nakuhang ipaliwanag na hindi wasto ang ginawa ng
kapatid. Na iyon ay isang paraan ng pagkalat ng sakit ng kanyang ina.
“Hindi maubos ng Inang e, Sayang.”
Marami siyang ibig sabihin. Tulad ng pagbubukod ng gamit ng mga apo, ang pagbabanli
sa mga iyon, ang pag-iisa sana sa silid. Ngunit hindi niya masabi sa isang paraang mauunawaan
ni Salud.
“Lumabas na kayo ng tulog na mag-ina. Naiistorbo ang Inang tuwing iiyak ang anak
mo.” Sa halip ay nasabi niya.
Nangulimlim ang mukha ni Salud. “Ang hirap ng pabalik-balik sa labas ng kwarto. Kung
maaari nga lang na sa loob na kaming lahat na mag-iina e!”.

7
At napahinga ito ng malalim. “Akala mo ba’y …. Hindi ako nag-aalala na baka na lang
pumarito isang gabi ang ama ng mga ‘yan at…kunin ang kahit isa sa mga bata?”
Ngayon ay natiyak pa rin niya ang isang bagay na matagal na niyang nararamdaman.
Hindi ipinagtapat ng sinuman sa kanyang mga kapatid na hiwalay sa asawa si Salud. At
nagdadalang-tao ito nang huling makita ng kapatid ang kanyang bayaw. Hindi man ipaliwanag sa
kanya ay alam niyang sa kwaltang ipinadadala niya kay Aling Idad nabubuhay ang mag-iina.
“Kuya…” sabi ni Salud na muling bumasag sa malalim na pag-iisip. Mangiyak-ngiyak si
Salud. “Masama ang kutob ng loob ko kay Inang, e. Ngayon lang iyan nakakain ng marami…
ngayon lang parang naging kontento at masaya…dahil nakita ka na.”
“Kaya nga gusto kong maipasok sa ospital ang Inang…at baka may magawa pa tayo.”
Buong-buo ang pasiya ni Salvador.
Ngunit nadarama niya ang pangingirot ng kanyang dibdib. Hindi ito ang pangarap niya
nang ipasiya niyang hanapin ang kanyang kapalaran sa kabilang ibayo ng dagat. Nang magpatala
siya sa hukbong dagat ng Estados Unidos, ang layunin niya ay hindi lamang makita ang daigdig.
Nababalitaan niya ang nagiging mariwasang buhay ng mga Pilipinong nagtutungo sa Amerika.
Ibig niyang matulad sa mga iyon. Ibig niyang makakita ng kaunlaran, hindi lamang sa kanyang
sarili kundi sa kanya ring mga hinlog. Nanghinawa agad siya sa buhay na kinamatayan ng
kanyang ama. At ngayon ay siya ring kinakaharap ng buhay ng kanyang mga bayaw at ng mga
pamangkin niyang babae.
Napakaliit ng pagbabagong nadatnan niya makaraan ang walong taon. Sa loob ng
kanyang sariling tahanang sinilangan ay ang mga kasangkapang makabago lamang ang nakita
niya sapagkat ipinadala niya ang mga iyon. Ang kaanyuan ng bahay ay hindi nag-iba. Ang
kapaligiran…. Lahat na!
Isang tuyo’t na ubo ang narinig ni Salvador mula sa silid. Napakislot siya. Mabilis na
tumindig si Salud. Ngunit kasunod din siya nito. Inilapag ni Salud ang anak bago lumapit sa ina.
Itinaas ni Salvador ang kulambo at hinagod ang dibdib ni Aling Idad. Tulad kangina, bahagyang
isinandig ni salud sa bisig nito ang ulo ng matanda.
“Maligaya na ako…maligaya na ako! Nagkita na uli tayo…” Mahinang-mahina ang tinig
ni Aling Idad. Paos na paos. “S-sayang..hindi ko na makikita ang aking manugang…at mga
apo…”

8
Tila tinarakan ng patalim ang dibdib ni Salvador. Nanikip ang kanyang paghinga.
Nabitiwan niya ang kamay ng kanyang ina. Dahan-dahan siyang tumindig. Hindi niya matagalan
ang anyo ng matanda. Tumayo siya sa may ulunan nito, ngunit sa labas ng bintana siya
nakatingin. “Bukas na bukas din…sa ayaw niya’t sa gusto… dadalhin ko siya sa ospital.”
Walang narinig na tugon si Salvador. Ni pagtutol, tulad kanginang umaga. Ni pagsang-
ayon. Ang narinig niya ay ang paghingang tila sumasakal. Ang tila parang agos ng tubig na
dumadaloy sa makipot na lagusan. At narinig niya ang impit na “uh” ni Salud.
“Kuya…ang Inang! Ang Inang!”
Hindi na kailangang makita ni Salvador ang kanyang ina. Napadagok siya sa pasamano
ng bintana. Nagkagising ang mga anak si Salud. Ngunit halos hindi naririnig ni Salvador ang
panangisan ng mag-iina. Ni hindi niya namamalayang umaagos sa kanyang kamao ang dugo.

Pagsasanay

Gagawa ng Spoken Poerty ang mga mag-aaral ukol sa kanilang pananaw sa Migrasyon o
Diaspora. Ito ay binubuo ng apat na saknong at malayang taludturan.
Itatanghal ito sa klase at isusumite sa guro.

9
Panukatan sa Pagmamarka
Nilalaman
(kabuluhang hatid ng tula at bigat ng diwang nakapaloob) 20%
Pisikal na Kaanyuan
(tindig, kasuotan, tingin) 15%
Boses
(lakas at hina, bilis at bagal, intonasyon at tamang pagbigkas) 15%
Dramatikong Kaangkupan
(paraan ng pagbibigay-kahulugan sa tula at istilong ginamit) 35%
Kabuuang Pagtatanghal at Impak sa Madla 15%

KABUUAN 100%

10

You might also like