AP 10 Answers Key

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

DIVISION ACHIEVEMENT TEST


S.Y. 2022-2023

Araling Panlipunan 10

Pangalan: _ Taon at Seksiyon: _ Iskor:


Paaralan: __ Distrito: Petsa:

Panuto: Basahiin nang mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. May apat na uri ng kontemporaryong isyu; ang isyung panlipunan, pangkalakalan,


pangkapaligiran, at pangkalusugan. Sa anong uri ng isyu napapabilang ang usapin sa
pandemya tulad ng COVID-19?
A. Isyung Panlipunan
B. Isyung Pangkalakalan
C. Isyung Pangkalusugan
D. Isyung Pangkapaligiran

2. Ayon sa National Solid Waste Management Status Report (2008- 2018), ang
pinakamalaking uri ng tinatapong basura ay ang tinatawag na biodegradable. Alin sa mga
sumusunod ang halimbawa ng basurang ito?
A. mga lata
B. cellophane
C. plastic bottles
D. pinagbalatan ng gulay at prutas

3. Ang hazard ay banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng tao.na maaaring sanhi ng pinsala
sa buhay, ari-arian, at kalikasan. Anong uri ng hazard ang dulot ng tsunami?
A. Vulnerability
B. Natural Hazard
C. Anthropogenic Hazard
D. Human-Induced Hazard
4. Marami ang isinasagawa sa paaralan upang maiwasan ang anomang sakuna. Anong
gawain ang may kaugnayan sa paghahanda kung may lindol?
A. fun run
B. fire drill
C. athletic meet
D. earthquake drill

5. May apat na mga yugto o hakbang sa pagbuo ng Community Based Disaster Risk
Reduction and Management (CBDRRM) Plan. Anong yugto ang binubuo ng mga
gawain na naglalayong maibalik sa dating kaayusan ng pamumuhay ang mga nasalantang
komunidad.
A. Pagtugon sa Kalamidad
B. Paghadlang sa Kalamidad
C. Paghahanda sa Kalamidad
D. Rehabilitasyon sa Kalamidad

6. May iba’t ibang kontemporaryong isyu ang kinakaharap ng ating lipunan. Ano ang tawag
sa proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at
produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig.
A. Globalisasyon
B. Kolonyalisasyon
C. Migrasyon
D. Urbanisasyon

7. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng suliranin at hamon
sa paggawa. Ano ang tawag sa isang kalagayan sa paggawa kung saan ang isang indibidwal
ay may trabaho ngunit hindi tugma sa kakayanan o pinag-aralan?
A. Job-Mismatch
B. Kontraktuwalisasyon
C. Mababang Pasahod
D. Mura at Flexible Labor

8. Walang sinoman ang nagnanais na tumira sa isang magulong lugar na maaaring


magdulot ng panganib sa kanya. Ano ang tawag sa mga negatibong salik na nagiging
dahilan ng migrasyon?
A. Integration
B. Multiculturalism
C. Pull-factor
D. Push-factor

9. Sa patuloy na pagpapaunlad ng ating bansa, ang ating pamahalaan ay may ipinapatupad na


pagbabago sa sistema ng edukasyon bilang tugon sa pamantayang internasyonal. Ano ang
tawag sa repormang ito?
A. Bologna Accord
B. K to 12 Curriculum
C. Monroe Doctrine
D. Washington Accord

10. Ang oryentasyong sekswal ay maaaring maiuri bilang heterosekswal, homosekswal at


bisekswal. Ano ang tawag sa mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang
kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay
lalaki?
A. Asexual
B. Bisexual
C. Heterosexual
D. Homosexual

11. Ang karahasan at diskriminasyon sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang


kultura at lipunan sa daigdig. Isa na rito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng
batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. Ano
ang tawag sa kaugaliang ito ng bansang Cameroon?
A. Breast Ironing
B. Female Infanticide
C. Female Genital Mutilation
D. Foot Binding

12. May mga tugon ang pamahalaang Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon. Ano ang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan
at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at
nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito?
A. Magna Carta of Women
B. RA 9262 – Anti Violence Against Women and Children Act of 2002
C. RA 7877 – Anti Sexual Harassment Law of 1995
D. RA 10354 – Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012

13. Ang pangunahing pokus ng GAD (Gender and Development) ay ang dalawang mahalagang
balangkas nito, ang Gender Roles at Social Relations Analysis. Anong balangkas ang
nakatuon sa pag-aaral ng panlipunang katayuan ng kalalakihan at kababaihan sa lipunan?
A. Gender Roles
B. Marginalized Women
C. Women in Development
D. Social Relations Analysis

14. May dalawang prinsipyo ang pagkamamamayan (citizenship). Anong prinsipyo ang
sinusunod ng bansang Pilipinas na kung saan nakabatay ang kaniyang pagkamamamayan
sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang?
A. Jus loci
B. Jus soli
C. Jus sanguinis
D. Naturalisasyon
15. Ang Constitutional Rights ay mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado.
Anong uri ng constitutional rights ang tumutukoy sa mga karapatan na titiyak sa mga
pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang
hindi lumalabag sa batas.
A. Karapatang Sibil
B. Karapatang Politikal
C. Karapatan ng Akusado
D. Karapatang Sosyo-ekonomik

16. Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating


Saligang batas. Sino ang maaaring bumoto?
A. Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw
B. Mga taong nasentisyahan ng hukuman sa kasong rebelyon
C. Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon
D. Rehistradong bumoto na mamamayan sa Pilipinas na may 18 taon gulang pataas

17. Ang participatory governance ay isang mahalagang paraan ng mamamayan para


maisakatuparan ang mga iginigiit na pagbabago sa pamahalaan. Anong prinsipyo nito ang
kumikilala sa napakahalagang papel ng mamamayan sa pamamahala na kung saan hindi
magiging matagumpay ang anumang programa kung wala ang suporta ng mamamayan?
A. People’s Participation
B. Functional Partnerships
C. Corruptions Perception Index
D. Progressive Development Perspective

18. Sa pagtugon ng kalamidad o anumang panganib, bakit mahalaga ang aktibong


pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan?
A. Upang mailigtas ang maraming ari-arian.
B. Upang dadami ang epekto ng mga hazard at kalamidad
C. Upang magkaroon ng maayos na plano ang pamayanan sa pagtugon sa
kalamidad.
D. Upang hindi mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga nararanasang
kalamidad

19. Ang bawat barangay ay mayroon ng BDRRM na agarang tumutugon sa bawat sakuna o
kalamidad. Bakit mayroong pa ring nasasaktan o nawalan ng buhay sa tuwing nagkakaroon ng
kalamidad?
A. Dahil sa pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar
B. Dahil sa pagsunod ng mga tao sa tagubilin ng mga awtoridad kapag may
kalamidad
C. Dahil sa pakikinig sa radyo o panonood ng TV tungkol sa pinakahuling balita
ukol sa kalamidad
D. Dahil sa pagsasagawa o paglalahok sa regular na earthquake drill, emergency drill,
fire drill at iba pa bilang paghahanda sa kalamidad.
20. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng
daigdig. Bakit maituturing ito bilang isang isyung panlipunan?
A. Patuloy nitong binabago ang kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan.
B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at politikal na
aspekto.
C. Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang mga
malalaking industriya.
D. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga
“perennial” na institusyon na matagal nang naitatag.

21. Ang ating bansa ay may kinakaharap na mga isyu sa paggawa. Isa sa mga ito ay ang job-
mismatch. Bakit ito nangyayari?
A. Dahil sa kakulangan sa iba’t ibang kasanayan ng mga manggagawang Pilipino
B. Dahil ang mga kursong pinili ng mga mag-aaral ay taliwas sa kanilang interes at
kakayahan.
C. Dahil sa kulang ang kaalaman ng mga nagtapos sa kolehiyo batay sa itinakda ng
kompanya.
D. Hindi makasabay ang mga nakapagtapos ng kolehiyo sa dapat na kasanayan at
kakayahan na kailangan ng kompanya.

22. Paano nagsimula ang migrasyon sa kulturang Pilipino?


A. Nagsimula sa pag-aasawa ng mga dayuhan
B. Nagsimula sa pagdating ng mga dayuhan sa ating bansa
C. Nagsimula sa pagdami ng mga OFWs (Overseas Filipino Workers).
D. Nagsimula sa paglipat o pagdayo ng mga mamamayang taga-baryo patungong lungsod.

23. Isa sa mga epekto ng migrasyon ay ang paglisan ng mga magulang sa kanilang mga anak.
Bakit kinakailangan ng ibang mga magulang ang magtrabaho at mapalayo sa kanilang
pamilya?
A. Gusto nilang gastusin ang pera nila dahil sobra-sobra na ito para
makapamasyal.
B. Gusto nilang mag-abroad dahil sa kanilang mga anak at asawa, sa kabila nito ay para sa
kanilang ikauunlad ng pamumuhay.
C. Gusto nilang masiyahan dahil makakapamasyal sila sa mga magagandang lugar na
mapupuntahan dahil sa pagtatrabaho nila sa ibang bansa.
D. Gusto nilang makapagpupundar ng mga mamahaling ari-arian at maiangat ang
kanilang pamumuhay at apihin ang dating nang-api sa kanila.

24. Ang Female Genital Mutilation ay isang tradisyon sa ilang mga bansa sa Africa.
Bakit itinuturing ito bilang paglabag sa karapatang pantao ng kababaihan?
A. Ito ay proseso ng pagbabago sa ari ng kababaehan.
B. Ito ay nagpapabago sa oryentasyong seksuwal ng kababaihan.
C. Ito ay naglalayong mapanatiling walang bahid-dungis ang kababaehan.
D. Ito ay walang benepisyong medical at nagpapahirap lamang sa kababaehan.
25. Sa nakaraang panahon, bakit nagiging dahilan ang edukasyon sa pagkakaroon ng
diskriminasyon sa kasarian?
A. Ang mga babae ay pangkaraniwan nang nakikita bilang mas mahihina.
B. May mga kursong pinaniniwalaang dapat kunin ng lalaki lamang o kaya ng babae
lamang.
C. Dalawa lamang ang tanggap na kasarian sa Banal na Kasulatan – ang lalaki at babae.
D. May mga uri ng hanapbuhay o propesyon na parang nilikha lamang sa “mas
malakas” na kasarian-ang lalaki.

26. May mga tugon ang ating pamahalaan sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon. Paano
nito tinutugunan ang mga suliranin ng prostitusyon at pang-aabuso?
A. Pagpapatupad ng mga programa para sa kababaihan lamang.
B. Pagluluwag sa paglalapat ng parusa sa mga sangkot sa prostitusyon at pang- aabuso
C. Hindi pagbuo ng mga angkop na batas sa pagsupil ng prostitusyon,
panggagahasa, at pang-aabuso.
D. Pagsasagawa ng mga programang nakatuon sa pagkakaroon ng kaalaman at
kamalayan tungkol sa prostitusyon, pornograpiya, at pagkalakal ng kababaihan.

27. May mga polisiya ang Gender and Development (GAD). Paano ito makatutulong sa
pagkakapantay-pantay ng lalaki at babae sa lipunan?
A. Pagpapatupad ng mga patakarang pangkabuhayan
B. Pagrereporma ng mga tradisyunal na pananaw sa bawat kasarian
C. Pagsusuri sa ginagawang pagtutulungan ng lalaki at babae sa lipunan
D. Pagpapanatili ng maayos na relasyon ng lalaki at babae sa pamayanan

28. Ang pagkamamamayan (citizenship) ay ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang
miyembro ng isang pamayanan o estado. Sa paanong paraan maaaring mawala ang
pagkamamamayan ng isang indibidwal?
A. Mag-asawa ng dayuhan
B. Manirahan sa ibang bansa
C. Hindi paggamit ng wikang Filipino
D. Panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa

29. Bilang tao, tayo ay may karapatan na mabuhay, maging malaya, at magkaroon ng ari-
arian. Bakit itinuturing ang mga ito bilang mga natural rights?
A. Ito ay taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng estado
B. Ito ay kapangyarihan natin na makilahok sa pagtatag at pangangasiwa ng
pamahalaan
C. Ito ay karapatan na titiyak sa pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang
Pamumuhay.
D. Ito ay mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong
kalagayan ng mga indibiduwal
30. Ang mga mamamayan ay may papel sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala. Paano
maisasakatuparan ng mamamayan ang iginigiit na pagbabago sa pamahalaan?
A. Sa pamamagitan ng Democracy Index
B. Sa pamamagitan ng Participatory Governance
C. Sa pamamagitan ng Global Corruption Barometer
D. Sa pamamagitan ng Corruption Perception Index

31. May mga programa at pagkilos na ang ipinatupad ng ating pamahalaan sa


pangangalaga ng ating kapaligiran. Bilang kabataan, paano ka makatutulong sa paglutas
ng mga isyung pangkapaligiran na nararanasan sa inyong komunidad?

A. Isabuhay ang 3 Rs (Reduce, Reuse, Recycle).


B. Ipakolekta ang mga basura kahit hindi pa ito nabubukod.
C. Sunugin ang mga basura upang wala ng kukolektahin ang mga garbage
collectors.
D. Itapon ang mga basura kahit saan dahil mayroon namang mga waste pickers na kumikita
sa mga ito.

32. May mga nararapat gawin bilang paghahanda sa gagawing disaster management plan.
Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat mong gawin bilang mamamayan
upang maging handa sa mga kalamidad?
A. Huwag ipagbigay alam ang mga nararanasan na maaring magdulot ng
kapahamakan.
B. Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan ang mga
mamamayan.
C. Magsagawa ang mga pinuno ng pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at tulong sa
mga maaapektuhan.
D. Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng
pakikipagtulungan sa pamayanan.

33. May apat (4) na haligi sa isang Disente at Marangal na Paggawa, ano ang maaaring gawin sa
pagpapalakas ng Karapatan ng manggagawa?
A. Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, Malaya at pantay na
oportunidad sa paggawa.
B. Palakasin ang lagging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga
manggagawa, at kompanya.
C. Palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na
pagpapatupad ng mga ito.
D. Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga kasama sa paggawa na lumikha
ng mga mekanismo para sa proteksiyon ng manggagawa.

34. Bilang epekto ng migrasyon, marami sa mga pamilya ng OFW ay nakakaranas ng


pangungulila sa kanilang kaanak na humahantong sa pagkawasak nito. Alin sa sumusunod ang
mabisang paraan upang sila ay matulungan?
A. makisimpatya sa kanila
B. bigyan sila ng sulat ang isa’t isa
C. bigyan sila ng load na pantawag
D. magtayo ng samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay sa kanila

35. Ang pamahalaan at mamamayan ay may mga tugon sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon. Bilang kabataan, paano ka makakaiwas sa seksuwal na pang-aabuso?
A. Okey lang na makapagbigay ng maling impresyon
B. Hindi ugaliin ang pagiging alerto sa nagaganap sa paligid.
C. Ugaliing maging responsable sa paggamit ng social media.
D. Kapag may kasintahan, hindi muna pag-usapan ang tungkol sa limitasyon ng inyong
relasyon.
36. May mga hakbang tungo sa pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapasulong at maitaguyod ang
pagkapantay-pantay ng kasarian?.
A. Pagbibigay-diin sa pagkakaiba ng bawat kasarian
B. Pagrespito sa kapwa tao anuman ang kanyang kasarian
C. Pakikipagsalamuha sa may kaparehong kasarian lamang
D. Irespeto lamang ang mga taong may kaparehong kasarian

37. Ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang


mga tungkulin sa lipunan at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang
panlahat. Bilang kabataan, ano ang maaari mong gawin upang magiging isang aktibong
mamamayan?
A. Sumunod sa batas
B. Huwag suportahan ang inyong simbahan
C. Huwag humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili
D. Bumili ng mga bagay na smuggle at huwag bilhin ang gawang Pilipino

38. Bilang isang mamamayan, ano ang maaari mong gawin upang magiging aktibo sa
pakikilahok tungo sa mabuting pamamahala?
A. Iboto sa eleksiyon ang mga kandidatong bumibili ng boto.
B. Hindi susuportahan ang anumang programang ng pamahalaan.
C. Tayo mismo ay sasama sa pagbuo ng mga programa at paggawa ng
desisyon ng pamahalaan.
D. Walang gagawin sapagkat hindi naman hinihingi ng pamahalaan ang opinyon ng
mamamayan.

39. May maraming isyung pangkapaligiran ang bansang Pilipinas. Alin sa sumusunod ang
pangunahing dahilan kung bakit ang dating kagubatan ay nagiging plantasyon, subdibisyon, o
sentrong komersyo?
A. Ilegal na pagtotroso
B. Ilegal na pagmimina
C. Pagdami ng populasyon
D. Paglipat ng pook tirahan
40. Ang bawat komunidad ay may ginagawang pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran.
Alin ang isinasagawa sa paaralan upang maiwasan ang anomang sakuna kung may lindol?
A. fire drill
B. fun run
C. athletic meet
D. earthquake drill

41. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng


globalisasyon ang lugar ng trabaho ng mga manggagawang Pilipino?
A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
C. Paggamit ng mga Automated Teller Machine (ATM)
D. Pagdagsa ng mga dayuhang namumuhunan sa buong bansa.

42. May iba;t ibang dahilan at epekto ang migrasyon. Alin sa mga sumusunod na
kalagayan ang di-mabuting bunga ng migrasyon sa papaunlad nating bansa?
A. Integration
B. Brain Drain
C. Multiculturalism
D. Economic Migration

43. Alin sa mga sumusunod ang naging pangunahing layunin sa pagsasagawa ng


Female Genital Mutilation ng ilang mga bansa sa Africa at Kanlurang Asya?
A. Upang mabago ang ari ng kababaehan
B. Pagsunod sa kanilang tradisyon /kultura
C. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
D. Ito ay isinasagawa upang maging malinis ang kababaihan.

44. Ayon sa United Nations, ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay
anumang karahasang nauugat sa kasarian. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahahantungan
ng karahasang ito?
A. Pisikal
B. Pagpapahirap sa kalalakihan
C. seksuwal o mental na pananakit
D. pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan

45. Ang Constitutional rights ay mga karapatang ipinagkaloob at pinanga-ngalagaan ng Estado.


Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang dito?
A. Statutory rights
B. Karapatang Sibil
C. Karapatang Politikal
D. Karapatang Sosyo-ekonomik
46. Ang huling yugto sa pagbuo ng plano ng CBDRRM ay nakatuon sa Rehabilitasyon at
Pagbawi sa Kalamidad. Ano ang maaaring gawin ng mamamayang Pilipino upang mapabilis
ang pagsasaayos ng mga napinsala ng kalamidad?
A. pagkukumpuni ng kabahayan
B. Huwag munang ibalik ang sistema ng komunikasyon
C. Ipagpaliban muna ang mga konkretong hakbang sa pagsasagawa ng mga
programa
D. pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at pagsuporta sa mga
kabuhayang napinsala ng kalamidad

47. Hindi natin maiiwasan na mayroon pa ring mga banta sa kalagayan ng mga migranteng
manggagawa. Sa kabila nito, marami pa ring mga Pilipino ang nangingibang bansa. Alin sa
sumusunod ang hindi prayoridad ng mga Pilipino upang umalis ng bansa?
A. upang makatulong sa pag-ahon ng pamilya sa kahirapan
B. ang magkaroon ng pagkakataon na manirahan sa ibang bansa
C. upang maging domestic workers at magkaroon ng maayos na trabaho
D. ang makapaglakbay sa ibang bansa ay isang karanasan na hindi
Matutumbasan

48. Ang bawat ahensiya ng gobyerno ay naglalayon na makapagsagawa ng mga


pagsasanay para sa pagpapaunlad ng kasarian. Bakit kaya pinaglalaanan ng pamahalaan
ng 5% ng badget ang Gender and Development?
A. upang mapagtibay ang kaunlarang pangkasarian
B.upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa
C.upang makapagsagawa ng mga pagpupulong ang bawat ahensiya ng
pamahalaan
D. upang mapagbuti ang mga programa at proyekto, at matugunan ang mga isyung
pangkasarian

49. Sa kabila ng maraming balakid at suliranin, bakit kaya malaki ang pagtingin ng mga
Pilipino sa kahalagahan ng karapatang bumoto?
A. Hindi pantay-pantay ang mga tao pagdating sa boto
B. Ang pagboto ay hindi isang obligasyon at karapatang political.
C. Hindi maitatakda ang kinabukasan ng ating bayan sa pamamagitan ng
pagboto.
D. Ang iisang boto ay lubhang makapangyarihan sapagkat maaari nitong
baguhin ang takbo ng buhay ng mga Pilipino.

50. Ang mamamayang Pilipino ay may papel na ginagampanan sa pagkakaroon ng mabuting


pamamahala. Bakit mahalaga para sa atin ang paglahok sa mga nagaganap sa ating pamahalaan
o lipunan sa kabuuan?
A. Upang maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago sa pamahalaan
B. Ang kapangyarihan ng estado ay hindi nagmumula sa mga mamamayan.
C. Magiging matagumpay ang anumang programa ng pamahalaan kahit walang
suporta ng mamamayan.
D. Maiwasan ang pagbuo ng social capital o ang pagbuo ng tiwala sa pagitan ng
pamahalaan,civil societyat mga mamamayan.

You might also like