Mensahe 2023

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mensahe

Ako bilang inyong gurong tagapayo. Ang aking


munting hiling para sa inyo na nawa’y makita ninyo
ang liwanag sa mundong ito, sa inyong sarili, at sa
inyong kapwa. Nais kong kayong lahat ay umunlad
sa anumang pagsisikap na inyong pipiliin. Punuin
ang inyong puso ng tuwa at ngiti sa tuwina. Kayong
lahat ay natatangi, espesyal at kamangha-manghang
bata. Pinahahalagahan ko kayong lahat.
Sa mga magulang, salamat sa inyong walang
sawang pagsuporta. Sa paglalaan ng oras upang
makibahagi sa mga gawaing pampaaralan at sa
patuloy na pagtuwang sa akin upang maibigay ang
de-kalidad na edukasyon para sa ating mga anak.
Salamat sa pagbibigay ng iyong makakaya upang
gabayan ang ating mga anak sa kanilang paglalakbay
bilang indibidwal. Darating ang panahon na sila ay
mamumuhay ng mag-isa, ngunit bago mangyari ang
panahon iyon; tayong mga magulang ay dapat na
nagpabaon ng magagandang aral na kanilang
gagamitin sa hinaharap.
Sa ngalan ng lahat ng mga guro at kawani ng
paaralan, isang mainit na pagbati ang aking
ipinaaabot sa inyong lahat!

You might also like