Cot Pangalawa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Department of Education

MIMAROPA Region
Schools Divisions of Palawan
Bataraza I District
TARUSAN ELEMENTARY SCHOOL
Tarusan, Bataraza, Palawan

Banghay-Aralin sa EPP 5

I.LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga gawaing pang-


industriya tulad ng gawaing kahoy,metal,kawayan,elektrisidad at iba pa.

B. Pamantayang Pagganap

Naisasagawa ng may kawilihan ng pagbuo ng mga proyekto sa gawaing


kahoy,metal,kawayan,elektrisidad,at iba pa

C. Mga kasanayan sa Pagkatuto

Nakagagawa ng proyekto na ginagamitan ng elektrisidad. EPP5IA-Oc-3

II. NILALAMAN

PAKSA: PAGGAWA NG EXTENSION WIRE/CORD

a. Sanggunian:Mga pahina sa Teksbuk

Kaalaman at kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 pp.192

b. Iba pang Kagamitan: Powerpoint presentation,tunay na bagay


III.PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimulang aralin

Ano ang ating napag-aralan kahapon sa Epp 5?

Ano ang tawag dito? Philips Screwdriver. Paano ito ginagamit?

B.Paghahabi sa layunin ng aralin

Magbibigay ang guro ng isang sitwasyon na siyang magsisilbing pagganyak tungol sa bagong aralin.

C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Sino sa inyo ang mayroong kuryente sa kanilang tahanan?

Ano ang pinanggagalingan ng inyong kuryente?

Magkaroon ng kunting talakayan sa mga pinanggagalingan ng kuryente.


Ngayong araw,ang layunin naten sa ating aralin ay…

Nakagagawa ng proyekto na ginagamitan ng elektrisidad.

D.Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Ang elektrisidad ay isa sa mahalagang yaman na kailangan ng isang pamilya at ng bawat


mamamayan sa isang komunidad. Sa pamamagitan nito ,ang mga pangunahing kagamitan sa
ating tahanan gaya ng radyo,telebisyon,plantsa,bombilya at bentilador ay ating nagagamit.

Ito’y nagbibigay ginhawa sa pamumuhay ng bawat isa at napapagaan ang pang araw-araw
nating mga gawain.

Handa na ba ang lahat na matutong gumawa ng extension wire?

Ipapanuod sa klase ang video, pagkatapos ay talakayin ito.

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Maglaro Tayo ng Treasure Hunting.

Hanapin ang mga bagay na magagamit sa paggawa ng extension wire. Kumuha lamang ng
tag-isa sa bawat kagamitan.

F.Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Assesment #3)

Pangkatang Gawain.

Gagawa ang mga mag aaral ng extension wire.

Pamantayan ng Pangkatang Gawain.

Rubriks para sa Gawain.

(Maglaan ng 20 minuto para sa gawain)

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw araw na buhay

Nagustuhan ba ninyo ang ating gawain?

Nakatulong ba ang gawain naten ngayon sa inyong sariling pag-unlad?Sa papaanong paraan?

Paalala sa paggamit ng kuryente.

*Nakamamatay.

*Siguraduhin na ang bawat kasangkapang gagamitin ay walang sira.

*Gamitin ang mga kagamitan nang maayos at nang may sapat na kaalaman para sa
kaligtasan.

H. Paglalahat ng aralin

Ano ano ang inyong mga natutunan ngayong araw?


I. Pagtataya

(Ang grado sa pangkatang gawain ang basehan para sa pagtataya)

J. Karagdagang Gawain

Subukang gumawa ng inyong sariling extension wire. Magpatulong sa nakatatanda kapag


nahirapan.

Inihanda ni:

MARITES A. TABAN
Teacher III

Observers:

NURBARIA A. JAALAM
Master Teacher I

ANALYN L.CAYAT
Principal I
RUBRIK SA PAGTATAYA NG GAWAIN

Lagyan ng
tsek kung
naobserbahan PAMANTAYAN

10-May kakayahan na isagawa ang gawain nang maayos,hindi humihingi ng


karagdagang tulong.

7-May kakayahan na isagawa ang gawain ng maayos,nangangailangan ng konting


tulong.

4-May kakayahan na isagawa ang gawain ngunit di-gaanong


maayos,nangangailangan ng kunting tulong.

3-Sumubok ngunit nangangailangan ng tulong sa pagsasagawa ng gawain.

Lagda ng Guro

You might also like