Professional Documents
Culture Documents
Modyul 1-ANG PROSESO NG PAGBASA 1
Modyul 1-ANG PROSESO NG PAGBASA 1
TALAAN NG NILALAMAN
i. Panimula
Layunin
Nakalaang oras
II. Yugto ng Pagkatuto
A. Paglinang ng Gawain
B. Pagpapalalim
C. Pag-alam
D. Pagsasanay
E. Paglalapad
Panimula
Itinuturing na ang pagbasa ai isa sa pinakakomplikado o masalimuot na proseso sa kadahilanang
marami itong dapat isaalang-alang na mga kasanayang dapat linangin upang maging epektibo
ang pagbabasa. Masasabing ang tao ay mahusay sa pagbabasa at epektibo ang kanyang
pagbabasa kung natutukoy nito ang layunin, nagagamit nito ang mga estratehiyang kinakailangan
sa pagbabasa at taglay nito ang tamang teknik sa pagbabasa. Masasabi ring mahusay ang tao sa
pagbabasa kung nakabubuo sya ng mga hinuha o hula sa mga susunod na mga pangyayari at
napag-uugnay-ugnay ang dating kaalaman at karanasan upang mas lalong maunawaan ang
kahulugan ng tekstong kanyang binbasa.
Mula sa modyul na ito, maghahasa pa ang isipan ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng iba’t
ibang uri ng teksto na magagamit na unang hakbang sa gawaing pananaliksik.
Oras na Nakalaan
Ang modyul na ito ay nakadisenyo para sa dalawang Linggong
pampagkatuto at pagsasagawa ng mga gawain na inihanda mula sa
modyul na ito.
Pangkalahatang Panuto
Nakadisenyo ang
pampagkatuto na
Paglinang ng G
at sa kasanayang pampagkatuto na dapat malinang.
Matutunghayan naman sa bahaging Pagpapalalim ang mga
konseptong pangwika. Makikita naman sa bahaging pag-alam
ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa konseptong
pangwika na lilinangin sa aralin na ito.Magkakaron din ng mga
pagsasanay upang maitanim sa puso at isipan ang aralinin ng mga mag-aaral. Tinatasa sa
paglalapat na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin at
kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing
magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang
pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa bawat aralin. Sa kabuuan, bigyang
kasagutan ang panghuling gawain. Sa iyong isasagawang paglalapat masususkat kung gaano
kalalim ang iyong naunawaan sa bawat aralin. Huwag kaliligtang maibalik (TURN IN) ang
iyong gawain sa classwork ng ating virtual classroom.
Yugto ng Pagkatuto
A. Paglinang ng Gawain
Panuto: Kung ikaw ay magbabasa ng isang teksto, ano ang prosesong susundin mo upang
maunawaan ang iyong babasahin? Lagyan ng bilang ang patlang ayon san ais na
pagkakasunod-sunod.
__________ Pagtatalakayan
Pagbasa
(Ang Kahulugan, Kahalagahan, Mga Teorya, Layunin, Hakbang,
Salik at Iba’t Ibang Paraan ng Pagbasa)
B. Pagpapalalim
Kahulugan ng Pagbasa
Rubin at Bernhardt - Ang pagbasa ay kompleks, daynamikong proseso
ng pagdadala ng mensahe sa teksto at pagkuha ng kahulugan mula sa teksto. Ito ay
integratibong proseso ng pagsasanaib ng apektibo, perseptwal at kognatibong domeyn.
Kahalagahan ng Pagbabasa
Ang isang estudyanteng palabasa ay mas may malaking posibilidad na maipasa niya ang mga
pagsusulit na ibibigay ng guro kumpara sa isang hindi palabasa sapagkat sa kanyang pagbabasa
mas nadaragdagan ang kanyang kaalaman, lumalawak ang talasalitaan at mga karanasan.
Mas nahahasa ang kaisipan ng estudyanteng palabasa na umunawa nang mas malalalim na
ideya, mga argumentong pangangatwiran at nababatid ang implikasyon ng kanyang
binabasa.
C. Pag-alam
Mga Teorya sa Pagbasa
Katulad ng ibang metodo sa pagtuturo. ang pagbasa ay dumaraan din sa
proseso ng pagbabago sa paglipas ng panahon. Mula sa tradisyunal na
pagkilala sa mga nakalimbag na salita hanggang sa pag-unawa sa mga ito.
Dito, ang mga magaaral ay nagkakaroon ng kontrol at manipulasyon sa kanyang binasa.
Utak
teksto
Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas patungo sa ibaba na ang ibig
sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto. Ang impormasyon ay
nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994).
Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman
(schema) na nabubuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa
paligid. Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na
inilahad ng may-akda sa teksto.
1. ISKANING
Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na
hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles. Dito, ang
mahalagang salita ay di binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang
mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa
diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board Examination, pagtingin ng winning number
ng lotto. Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang partikular
na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng isang bumabasa sa
pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at pag-uukol
ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga mata sa partikular na
impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit ang ganitong pamamaraan sa
pagbasa ng mga nilalaman (table of contents), index, classified ads at sa paghahanap ng numero
ng isang taong nais makausap.
2. ISKIMING
Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o
kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang
impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong
papel, riserts at iba pa. Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at
pinakamabilis na pagbasang magagwa ng isang tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito ay
pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang
pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga
hindi kawili-wili sa kanya sa sandaling iyon.
3. PREVIEWING
Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at
ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na
pagbasa at pag-unawa sa babasa. May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing
gaya ng mga sumusunod:
a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na karaniwang nakasulat ng italik.
b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
c. Pagbasa sa una at huling talata.
d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.
e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay binibigyan
suri o basa.
f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.
4. KASWAL
Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang may
inaantay o pampalipas ng oras.
5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa
pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang
pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na
mapalawak ang kaalaman.
6. MATIIM NA PAGBASA
Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang binabasa
para matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba pa.
8. PAGTATALA
Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak
ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan ng pansin o highlight ang
bahaging mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.
D.
Ilapat ang natutunan sa. Gamitin ang natutunan sa tamang paraan ng
pagbabasa. Basahin ang tekstong “Salamat Doc.: Teenage
Depression “ ni Dr. Blessie Javier sa link na http://news.abs-
cbn.com/current-affairs-programs/10/12/12/salamat-dok-teenage-depression. Pagkatapos ay
sagutin ang sumusunod na mga katanungan.
2. Gaano karami ang apektado ng depresyon ayon sa World Health Organization (WHO)?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________.
E. Paglalapat
Gumawa ng isang pabalat ng isang akalat patungkol sa PAGBASA.
Lakipa ng isang Islogan ang iyong pabalat na naangkop sa paksang
pagbasa.
SANGGUNIAN AKLAT
Briones, K.K. R., San Juan, D.M.M. (2016). Salimbay: Mga Teorya at Praktika ng
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Antonio Arnaizcor. Chino Roces
Avenues, Makati City: Don Bosco Press
Reyes, Alvin Ringgo C. at Reyes, Marvin R (2019). Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik. 120 Thailand corner Legazpi Streets, Legaspi Village, Makati City,
Philippines: Diwa Learning Systems INC.