Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

CENTRAL MINDANAO UNIVERSITY LABORATORY HIGH SCHOOL

University Town, Musuan, Maramag, Bukidnon

Modyul 2: Ang Proseso ng Pagbasa


TALAAN NG NILALAMAN
i. Panimula
Layunin
Nakalaang oras
II. Yugto ng Pagkatuto
A. Paglinang ng Gawain
B. Pagpapalalim
C. Pag-alam
D. Pagsasanay
E. Paglalapat
Panimula
Itinuturing na ang pagbasa ai isa sa pinakakomplikado o masalimuot na proseso sa kadahilanang
marami itong dapat isaalang-alang na mga kasanayang dapat linangin upang maging epektibo
ang pagbabasa. Masasabing ang tao ay mahusay sa pagbabasa at epektibo ang kanyang
pagbabasa kung natutukoy nito ang layunin, nagagamit nito ang mga estratehiyang kinakailangan
sa pagbabasa at taglay nito ang tamang teknik sa pagbabasa. Masasabi ring mahusay ang tao sa
pagbabasa kung nakabubuo sya ng mga hinuha o hula sa mga susunod na mga pangyayari at
napag-uugnay-ugnay ang dating kaalaman at karanasan upang mas lalong maunawaan ang
kahulugan ng tekstong kanyang binbasa.

Mula sa modyul na ito, maghahasa pa ang isipan ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng iba’t
ibang uri ng teksto na magagamit na unang hakbang sa gawaing pananaliksik.

Mga Tiyak na Layunin


Inaasahan sa katapusan ng araling ito ay matatamo ng mga mag-aaral ang
mga sumusunod:

1. Natutukoy ang mga katangian hinggil sa proseso ng pagbasa.


2. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang
ginamit ng iba’t ibang uri ng tekstong binasa.
3. Naisasagawa nang naaayon ang mga gabay sa masining na pagbasa.

Oras na Nakalaan
Ang modyul na ito ay nakadisenyo para sa dalawang Linggong
pampagkatuto at pagsasagawa ng mga gawain na inihanda mula sa
modyul na ito.

Pangkalahatang Panuto
Nakadisenyo ang
pampagkatuto na
Paglinang ng G
at sa kasanayang pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan
naman sa bahaging Pagpapalalim ang mga konseptong pangwika.
Makikita naman sa bahaging pag-alam ang mga mahahalagang
kaisipan na napapaloob sa konseptong pangwika na lilinangin sa aralin na ito.Magkakaron din ng
mga pagsasanay upang maitanim sa puso at isipan ang aralinin ng mga mag-aaral. Tinatasa sa
paglalapat na bahagi kung natamo ba ang mga kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin at
kung sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang gawaing
magpapaigting sa mga natutunan sa araling tinalakay. Higit na maayos at kapaki-pakinabang ang
pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa bawat aralin. Sa kabuuan, bigyang
kasagutan ang panghuling gawain. Sa iyong isasagawang paglalapat masususkat kung gaano
kalalim ang iyong naunawaan sa bawat aralin. Huwag kaliligtang maibalik (TURN IN) ang
iyong gawain sa classwork ng ating virtual classroom.

Yugto ng Pagkatuto
A. Paglinang ng Gawain
Panuto: Sa iyong pansariling repleksiyon, ano-ano ang masasabing kahinaan mo sa
pagbabasa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________.

B. Pagpapalalim
Mga Teorya sa Pagbasa
Katulad ng ibang metodo sa pagtuturo. ang pagbasa ay dumaraan din sa proseso
ng pagbabago sa paglipas ng panahon. Mula sa tradisyunal na pagkilala sa mga nakalimbag na
salita hanggang sa pag-unawa sa mga ito. Dito, ang mga magaaral ay nagkakaroon ng kontrol at
manipulasyon sa kanyang binasa.

Teoryang Bottom- up -Batay sa "Teoryang stimulus response" ang sentro


ng pagbasa ay ang teksto na kailangan munang maunawaan ng mambabasa bago siya
makapagbigay ng kaukulang reaksyon o interpretasyon.

Utak

teksto
Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas patungo sa ibaba na ang ibig
sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto. Ang impormasyon ay
nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994).

Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman
(schema) na nabubuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa
paligid. Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na
inilahad ng may-akda sa teksto.

Teoryang Interaktiv - Learning is a two-way process. Hindi monopolyo ng


mga mambabasa ang pag-unawa sa tekso. Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top
down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon (McCormick, 1998).
Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan
ng teksto at ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa
pag-unawa sa teksto. Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag
ginagamit ng isang mambabasa ang kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa bokabularyo
kasabay ang paggamit ng dating kaalaman (schema) at mga pananaw.

Teoryang Iskema - Tumutukoy sa teoryang ito sa kalayaan ng mambabasa na


magbigay ng kahulugan sa teksto. Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa
ating isipan o memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y
nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng
mambabasa. Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang
maunawaan ang binasang teksto.

Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad. Ayon sa dating pananaw, ang
pagbasa ay ang pagbibigay ng ideya o kaisipang nasa teksto.Sa kasalukuyang pananaw naman,
ang mambabasa ay may ideya nang nalalaman batay sa dati niyang kaalaman (iskema) sa paksa o
tekstong babasahin. Binabasa ang teksto upang patunayan kung ang mga
hinuha o palagay ng mambabasa ay tama, wato, kulang o may dapat baguhin. Samakatuwid, ang
tekstong nabubuo sa isipan ng mambabasa ang sentrong iniikutan ng pang-unawa at hindi ang
teksto mismo. Dahil dito, dapat bigyang pansin ang interaksyon ng mambabasa sapagkat ito ang
nilalaman ng kanyang isipan.
Pag-unawa at Pag-uuri ng mga Ideya at Detalye
Isa sa mga katangiang taglay ng ing matalinng mambabasa ang pagkakaroon niya ng kakayahang
mauri ang mga ideya at detalye na ginagamit sa isang teksto.
Ang Pagbasa at Pag-unawa
Kailangan ang pag-unawa sa anumang binabasa. Ang mga mambabasa ay kailangang
makadebelop ng mga kasanayan na makatutulong sa kanila upang maunawaan ang kanilang
binabasa.

C. Pag-alam
IBA’T IBANG PATERN O URI NG PAGBASA

1. ISKANING
Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na
hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles. Dito, ang
mahalagang salita ay di binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong pagbasa ang
mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitingnan, halimbawa nito ay pagtingin sa
diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board Examination, pagtingin ng winning number
ng lotto. Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang partikular
na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng isang bumabasa sa
pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at pag-uukol
ng mabilisang pagsulyap sa mga ito. Nakatuon ang kanyang mga mata sa partikular na
impormasyon sa isang tiyak na pahina ng materyal. Nagagamit ang ganitong pamamaraan sa
pagbasa ng mga nilalaman (table of contents), index, classified ads at sa paghahanap ng numero
ng isang taong nais makausap.

2. ISKIMING
Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o impresyon, o
kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o paghanap sa mahalagang
impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong
papel, riserts at iba pa. Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at
pinakamabilis na pagbasang magagwa ng isang tao. Ang gumagamit ng kasanayang ito ay
pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa seleksyon katulad ng pamagat at paksang
pangungusap. Binabasa niya nang pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga
hindi kawili-wili sa kanya sa sandaling iyon.

3. PREVIEWING
Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter. Sinusuri muna ang kabuuan at
ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na
pagbasa at pag-unawa sa babasa. May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing
gaya ng mga sumusunod:
a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na karaniwang nakasulat ng italik.
b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
c. Pagbasa sa una at huling talata.
d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.
e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay binibigyan
suri o basa.
f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.

4. KASWAL
Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa habang may
inaantay o pampalipas ng oras.

5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng pagbasa sa
pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o wala. Maaari rin ang
pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin ay pagbasa na may hangarin na
mapalawak ang kaalaman.

6. MATIIM NA PAGBASA
Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap ang binabasa
para matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba pa.

7. RE-READING O MULING PAGBASA


Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na talasalitaan o
pagkakabuo ng pahayag. Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o
masakyan ang kabuuang diwa ng materyal na binasa.

8. PAGTATALA
Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya bilang pag-imbak
ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para bigyan ng pansin o highlight ang
bahaging mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y sariling pag-aari.

Gabay o Dimensiyon sa Masining na Pagbasa

1. Pag-unawang literal

Mga gawaing nakasaad


1. Pagpuna sa detalye
2. Pagbubuod o paglalagom
3. Pagkuha ng pangunahing diwa
4. Paghahanap ng kasagutan sa tiyak na katanungan
5. Paghahanap ng kasagutan nsa tiyak na kongklunsyon

2. Pag-unawang ganap sa mga kaisipan ng may akda lakip ang mga


karagdagang kahulugaan

Mga gawaing nakasaad


1. Pagkilatis o pagdama sa katangian ng tauhan
2. Pagbibigay ng sariling kuro-kuro o opinion
3. Pagbibigay ng solusyon o kalutasan
4. Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan
5. Pagbubugay ng iba pang pamagat na akma sa kuwento o talata

3. Pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad

Mga gawaing nakasaad


1. Pagbibigay ng reaksiyon
2. Pagpapalawak ng sariling kaisipan
3. Paghahambing at pagbibigay ng pagkakaiba
4. Pagdama sa pananaw at kaisipan ng may-akda
5. Pagtalakay ukol sa iba pang katangian o kapintasan ng kuwento

4. Pagsanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot


ng bagong pananaw at pagkaunawa.

Mga gawaing nakasaad


1. Pagbibigay ng sariling pananaw
2. Pag-uugnay ng sariling karanasan sa totoong buhay
3. Pagbibigay ng katotohanan upang dagdagan ang kaisipan at kaalaman sa
bagong pananaw at pag-unawa

5. Paglikha ng sariling kaisipang ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa


binasang seleksyon.

Mga gawaing nakasaad


1. Pagbibigay ng pokus ng paniniwala sa talata, sanaysay, at kuwento
2. Pagbabago ng pamagat ng sanaysay o kuwento
3. Pagbabago ng tunggalian at katangian ng tauhan
4. Pagbabago ng kasukdulan at wakas
5. Paglikha o pagsulat ng sariling kuwento

D. Paglalapat
Humanap ng sipi (kopya) ng maikling kuwentong “Sandaang Damit” ni
Fanny Garcia. Basahing mabuti at pagkatapos ay gumawa ng isa sa mga
gawaing isinasaad sa bawat dimensiyon o panukatan sa makabuluhang
pagbasa. (Pumili lamang ng isang Dimensiyon)

Halimbawa:

5. Paglikha ng sariling kaisipang ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa


binasang seleksyon.

Ang Kalupi
Benjamin P. Pascual

1. Pagbibigay ng pokus ng paniniwala sa talata, sanaysay, at kuwento


Naniniwala ang aling Marta na wala nang mas mahalaga ang …….
2. Pagbabago ng pamagat ng sanaysay o kuwento
Mas nararapat na ang pamagat ng maikling kuwento at, “ang Pagtatapos”
3,.
4. …….

5. ;;;;;;;

ANALITIKAL NA PAMANTAYAN
Napakahusay 30 Mahusay 20 Mahusay-husay Umuunlad 5 KABUUAN
PAMANTAYAN puntos puntos 10 puntos puntos 60 puntos
Nilalaman- May higit na May kaalaman sa May kaunting Hindi angkop
Kaangkupan kaalaman sa paksa paksa at angkop kaalaman at di- ang kaalaman
ng paksa (30) at angkop ang ang teksto gaanong angkop teksto
teksto ang teksto

Gamit ng Wasto lahat ang Nakapagsulat ng Nakapagsulat ng Nakapagsulat ng


Gramatika at pagkakabaybay at teksto ngunit may teksto ngunit teksto ngunit
Bantas- pagbabantas ng isa hanggang may anim may labing isa o
Pagkabaybay mga salita sa limang mali sa hanggang higit pang mali
Pagbabantas pangungusap. pagkakabaybay o sa pagkakabayba
sampung mali sa
y o pagbabantas
(30) pagbabantas ng pagkakabaybay o
ng mga salita sa
mga salita sa pagbabantas ng
pangungusap
pangungusap mga salita sa
pangungusap

SANGGUNIAN AKLAT

Briones, K.K. R., San Juan, D.M.M. (2016). Salimbay: Mga Teorya at Praktika ng
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Antonio Arnaizcor. Chino Roces
Avenues, Makati City: Don Bosco Press

Marquez, Servillano Jr T. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik. 927 Quezon Ave. Quezon City: Sibs Publishing House, Inc.

Reyes, Alvin Ringgo C. at Reyes, Marvin R (2019). Pagbasa at Pagsusuri sa Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik. 120 Thailand corner Legazpi Streets, Legaspi Village, Makati City,
Philippines: Diwa Learning Systems INC.

IBA PANG SANGGUNIAN

Badayos, Paquito B., et al (2011).

Molina, Glory Ann. (2014)

You might also like