Kagitingang Walang Humpay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kagitingang Walang Humpay

Sa lambak ng Caguyod sa baybayin ng Ilog Kirimba sa La Isla Bonita ay may mag-asawang namamahala
sa Palasyong Karalaita. Ang mag-asawa ay kilala sa pangalang Donya Maria at Don Miguel. Si Donya
Maria ay isang taong minamahal ng mga katauhan dahil sa pagkakaroon nito ng busilak at mapagmahal
na puso. Siya rin ay isang matapang na lider at kailanma'y hindi naging hadlang ang kaniyang pagiging
babae sa paggawa ng kanyang obligasyon na protektahan palasyo laban sa mga kalaban. Sa kabila ng
kanyang pagigigng malakas ay may sakit siyang dinadala ngunit hindi niya ipinapakita ang kanyang
kahinaan sa kanyang sinasakupan.
Noon paman ay may dinadala na siyang sakit na hindi na mawawala sa kanyang katawan, alam niyang
hindi na magtatagal ang kanyang buhay kaya lahat ng sakripisyo ay ginagawa niya para sa kanyang
sinasakupan. Lumipas ang iilang buwan, Si Donya Maria ngayon ay nagdadalang-tao, nasa pitong buwan
na at ikinakatakot nito ang araw ng kanyang kapanganakan sapagkat baka hindi niya ito kakayanin at
natatanging hinagpis at pagkalungkot lamang ang tanging nararamdaman nito dahil naisip nito ang
magiging kalagayan kanyang anak kung siya ay wala sa tabi nito upang maging kamay na gumagabay at
ilaw sa madilim na daan. Nakakalungkot din na isipin na hindi niya masususbaybayan ang paglaki ng
anak.
Ang tanging maipapamana nito sa kanyang anak ay ang mabuting kalooban at pagiging matapang. Hindi
naging madali ang pagbubuntis ni Donya Maria sapagkat palaging mayroong kalaban ang sumusulong sa
kanilang palasyo. Hindi na naging matahimik ang kaniyang buhay at unti-unti nang nauubos ang kanyang
mga tao. Gusto man nitong lumaban ngunit hindi pinahihintulutan ng kanyang asawang Don Miguel
dahil sa posibleng mangyari sa kanya. Lumipas ang dalawang buwan ay nanganak na siya. Mula sa
kanyang sinapupunan ay lumabas ang napaka gwapo at mistisong prinsipe. Si Prinsipe Malon. Kanyang
nasilayan ng pangmabilisan ang kanyang anak at nag-iwan ng matamis na ngiti bago ito lumisan. Ilang
minuto lamang ang lumipas ay tuluyan na siyang bumitaw at binawian na nga ng buhay. Ilang taon na
nga ang nakalipas, naging isang huwaran at matapang na ang Prinsipe Malon. Siya ay nasa 21 anyos na
at patuloy pa rin ang pakikipaglaban para ipagpatuloy ang legasiya ng kanyang ina at tuluyang makamit
na ang katahimikan. Galing sa malayong lugar ay may isang palasyong pinamumunuan ng isang
masamang taong nagngangalang Frederiko. Dalawang beses sa isang taon ay sinusugod sila ng mga
kalaban at unti unti rin silang nauubos ngunit hindi nagpapatinag ang nag-iisang prinsipe. Hinang hina na
din ang kanyang ama at kalaunan ay sumunod na rin ito sa kanyang ina.
Naging mainit ang labanan ng dalawang palasyo at naipakita ni Prinsipe Malon ang kanyang kagitingan
sa lahat ng tao. Nahulog mula sa kaitaas taasang parte ang kalaban ni Prinsipe Malon na si Frederiko.
Naging kasunduan nila na kung matatalo ni Frederiko si Prinsipe Malon ay sasakupin nila ang Palasyong
Karalaita at gagawing alipin na lamang ang mga tao dito at ganoon din kung mananalo si Prinsipe Malon.
Naging mainit ang labanan nila, sa hindi inaasahang pagkakataon ay lumabas ang kapangyarihan ni
Prinsipe Malon, nakakalipad at nakakapag buhat ng mga malalaking bagay si Prinsipe Malon at tuluyang
ipinaslang ang kalabang si Frederiko. Tuluyan nang nakamit ng taga Karalaita ang katahimikan, hindi na
rin nagparamdam ang katauhan ng kabilang palasyo at naging alipin ang iilan dito. Hinding hindi
makakalimutan si Prinsipe Malon sa ipinamalas niyang kagitingan at katapangan. Tunay ngang
ipinagpatuloy niya ang legasiya ng kanyang ama. At tuluyan na siyang naging Hari ng kanilang palasyo at
naka ukit na sa puso ng mga tao.

You might also like