Noli Me Tangere Script

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Maria Clara at Crisostomo Ibarra

Narrator: Sa tahanan ng Kapitan, ang mahahalagang tao ay nagtipon-tipon. Ang anak ng nasawi’y sa
wakas ay umuwi sa bayan ng San Diego. Sa pagpasok sa loob, nakasabay pa ng binata ang Kapitan.

Kapitan Tiyago: Magandang hapon sa inyong lahat! Ikinalulugod kong makita kayo.

Kapitan Tiyago to Damaso: Salamat at napasadya ka rito. *hinalikan ang kamay*

Kapitan Tiyago sa lahat: Malugod kong ipinapakilala sa inyo, si Crisostomo na unico hijo ng aking
kaibigan na si Don Rafael.

Crisostomo: Ikinatutuwa kong makilala kayong lahat! *kinamayan at nag-bow sa mga bisita*
*huling kinamayan si Padre Damaso at tinalikuran sya nito.*

Narrator: Nagsitungo na ang lahat sa hapag-kainan para sa salo-salo.


Makikita sa mukha ni Padre Sibyla ang kasiyahan at si Padre Damaso na nababanas.
*Nagtatalo kung sino ang uupo sa kabilang dulo ng lamesa*

PAGLALAKBAY NI IBARRA SA BUNDOK NG LIMASAWA

Narrator: Naglalakad si Ibarra habang pinagmamasdan ang kanilang lugar na kanyang kinalakihan. Nang
biglang pinaalalahanan sya ni Tinyente Guevarra.

Tinyente Guevarra: Binabalaan kita na mag-ingat at baka ika’y matulad sa iyong ama.

Crisostomo Ibarra: Maaari mo bang maisalaysay sa akin kung ano ang tunay na nangyari sa aking ama?

Tinyente Guevarra: Alam mo, ang iyong ama kahit sya’y mayaman at iginagalang, mayroon pa ring
naiinggit sa kanya. Nabilanggo ang iyong ama sa kamay ng mga mapagmalupit dahil sya’y
napagbintangan na pumatay sa isang mangmang at malupit na maniningil.

ANG SUYUAN SA ASOTEA

Narrator: Aligaga at hindi mapakali si Maria sa paghihintay sa kasintahang si Crisostomo na halos pitong
taon na nyang hindi nakikita.

Maria Clara: Habang ika’y nakikipagsapalaran, iginugol ko ang aking oras sa beateryo.

Crisostomo Ibarra: Ako’y humihingi ng kapatawaran sa aking pagkalisan sa mahabang panahon. Nais ko
lang mapag-aralan ang kinabukasan para sa ating bayan. Marahil ako’y matagal na lumisan, nanatali ka
pa rin sa aking puso at isipan.

Narrator: Matapos ang kanilang suyuan, namaalam na si Ibarra upang sya ay umuwi.
Narrator: Napagdesisyonan ni Maria Clara at ni Tiya Isabel na pumunta ng Beateryo upang kunin ang
naiwang gamit ni Maria Clara. Ngunit sa hindi inaasahan, naabutan sila ni Padre Damaso.

Padre Damaso: Sa aking palagay, dapat na matigil ang pag-iisang dibdib nila Maria Clara at Crisostomo
Ibarra. Hindi kayo maaaring tumutol sa akin dahil ako ang tumatayong pangalawang ama ni Maria.

MGA KARANASAN NG GURO

Guro: Ako’y humihingi ng tawad sa inyo, aaminin ko na isa ako sa mga nagtapon ng bangkay ni Don
Rafael sa lawa.

Narrator: Hindi nagtangis ang binata at sa halip ay naging interesado sya sa buhay ng guro.
Kaya naman isinalaysay ng guro ang sinapit ng mga mag-aaral.

Crisostomo: Wala akong anumang sama ng loob sa inyo o sa iyo. Hiling ko sana’y ipaalam mo sa akin
ang tunay na nangyari.

Guro: Ang katotohanan, nabigo ako sa pagbabago sa paraan ng pagtuturo sa mga kabataan.
Tulad na lamang nang malupit na pagmamaltrato sa mga estudyanteng mag-aaral sa maliliit na
pagkakamali.

ANG PANGINGISDA

Narrator: Magkasamang namamangka ang magkasintahan na pinipiloto ni Elias. Nang biglang nahagilap
ng buwaya si Elias. Tinulungan ni Crisostomo si Elias [ara puksain ang buwaya.

Elias: Maraming salamat sa pagtulong, Crisostomo. Kung wala ay malamang ako’y nadakmal na ng
malaking buwaya. Malaki ang utang na loob ko sa iyo.

SA BAHAY NI PILOSOPO TASYO

Narrator: Nagtungo si Ibarra sa tahanan ni Pilosopo Tasyo. Nais nya kasing isangguni ang binabalak
nyang pagtatayo ng paaralan sa kanilang bayan.

Pilosopo Tasyo: Hindi ako ang tamang taong pagsabihan mo tungkol dyan, ang maipapayo ko sa iyo,
lumapit ka sa mas nakakataas sa akin tulad na lamang ng pari.

Crisostomo: Hindi ko nais ilapit ito sa kanila dahil ayaw kong mabahiran ng kabuktutan. Mas
mauunawaan ako ng mga taumbayan at pamahalaan sa aking hangarin.

Pilosopo Tasyo: Ngunit mas makapangyarihan ang simabahan kaysa sa pamahalaan.

Crisostomo: Ako ay naniniwala sa kaisipang liberal.

Pilosopo Tasyo: Hindi angkop ang iyong pananaw sa ating bansa. Kung hindi ka man w magtatagumpay
sa planong ito, ay may uusbong na sino man na magpapatuloy nito.
ANG UMAGA

Narrator: Sa mismong araw ng kapistahan, abala ang mga tao sa San Diego. Lahat ay naggagayak sa
darating na kapistahan. Ang mga may kaya ay may suot na magagarbong kadamitan at mga mamahaling
alahas.

Tinyente: Kamusta, Pilosopo Tasyo! Bakit hindi ka nakasuot ng magarbong kasuotan tulad ng
nakararami?

Pilosopo Tasyo:: Hindi ko na kinakailangan pa na mag palit ng aking kasuotan subalit isa lamang itong
paglulustay ng pera at ang lahat ay nagpapakitang tao lamang.

Don Filipo: Ako ay sumasang ayon sa iyo, Pilosopo Tasyo.

SA SIMBAHAN

Narrator: Dahil sa kapistahan, puno at siksikan ng mga taong nag babayad ng dalawang daan at
limampung piso ang loob ng simbahan.
(Mag sisigawan yung mga tao / mag rereklamo)

Babae 1 : Kanina pa ako nag hihintay rito! Wala na bang ibibilis ang pag usad ng pila!
Lalaki 1 : Maari niyo bang bilisan diyaan!

(Sasang-ayon ang mga tao)


Mga tao : "oo nga!" “tama kayo!"

Narrator: Sadyang nagpahuli ang alkalde at dumating na suot suot ang mga medalya.

Alkalde: Ako ay naririto na kaya’y maaari nang mag-umpisa.

ANG USAP-USAPAN

Narrator: Matapos maganap ang pagbabasbas, naghanda si Kapitan Tiago ng pananghalian at


inimbitahan ang ilang mahahalagang tao sa kanilang bayan. Mababakas sa paligid ang labis na kasiyahan
ng bawat tao na nag-uusap sa bawat sulok ng silid. Bawat isa ay may taglay na sigla.

Kapitan Tiago: Kamusta ang naging buhay mo sa Europa, Crisostomo? Tila hindi natin ito napag-usapan
dahil nagkaroon ako ng biglaang gawain noong nakaraan.

Crisostomo Ibarra: Naging maayos naman ang aking pamumuhay doon. Nag-aral ako nang may buong
husay, Kapitan Tiago.

Narrator: Dahil sa narinig mula sa binata ay lalong nagkaroon ng sigla ang silid. Puno ng ngiti ang kaniya
kaniyang mga labi. Ngunit sa pagdating ng bagong panauhin ay naglaho bigla ang masaganang paligid.
Sa pagdating ng Padre ay nagsibatian ang lahat maliban kay Crisostomo. Agad iyon napansin ni Padre
Damaso kaya’t ito’y dumiretso sa binata at pinaulanan ng kung ano ano.
Padre Damaso: Napakataas ng iyong tingin sa iyong sarili! Kalapastanganan ang iyong ginawang hindi
pagbati sa isang katulad ko! Ako ay mas nakatataas sa’yo kaya matuto kang gumalang! Ikinahihiya ka ng
Dios!

Narrator: Tahimik lamang si Crisostomo habang tinatanggap ang bawat salita na lumalabas sa bibig ng
Padre. Hanggang sa…

Padre Damaso: Hindi na nakapagtataka na naging ganiyan ka! Ikaw ay anak ng isang lapastangang
mamamatay tao!

Narrator: Dahil sa narinig mula sa Padre, naubos na ang pagtitimpi na mayroon si Crisostomo. Ang
nakaupong binata ay ngayo’y nakaamba na sa Padre na may hawak na kutsilyo. Napatayo ang kasintahan
ng binata dahil sa pagkabigla.

Maria Clara: Crisostomo! Ika’y kumalma!

Narrator: Dahil sa pag-awat ni Maria Clara sa kasintahan, unti-unting kumalma si Crisostomo. Inayos niya
ang kaniyang sarili at umalis na lamang.

Narrator: Naging usap usapan ang naganap na alitan sa pagitan ni Crisostomo at Padre Damaso. Ang
karamihan ay pumanig kay Padre Damaso dahil kung hindi nagtimpi ang binata ay hindi ito mangyayari.
Natatakot naman ang mga matatandang babae na hindi panigan ang Padre sa kadahilanang sila ay baka
mapunta sa impyerno. Ngunit nasa panig naman ni Crisostomo sina Kapitan Martin at Kapitana Maria, sa
kasamaang palad ay nawalan ng pag-asa ang mga magsasaka na maipagpatuloy ang ginagawang
paaralan. Dahil sa nagawa ni Crisostomo sa Padre, siya ay naging ekskumunikado.

ANG UNANG ULAP

Narrator: Nagkaroon ng biglaang pagbisita ang heneral sa bayan ni Kapitan Tiyago kaya’t ang paligid ay
abala. Sa silid ni Maria Clara ay maririnig ang walang tigil na pag-iyak ng dalaga. Halos magunaw ang
kaniyang mundo nang si Crisostomo ay patawan ng pagiging ekskomuglado.

Tiya Isabel: Ika’y tumahan na, Maria Clara. Ayusin mo ang iyong sarili at subukang sumulat sa Papa at
humingi ng kapatawaran.

Narrator: Lumabos sandali ang Tiya at naiwan ang kaniyang kaibigan na si Andeng.

Andeng: Tahan na, binibini. Kung iyong naisin ay maari ko kayong tulungan na magkita nang patago.

You might also like