Professional Documents
Culture Documents
Heroes of San Pablo
Heroes of San Pablo
Isang may kabataang pang abogado ang minsan ay nagtanong sa may akda ng ulat
na ito, kung bakit ang gusaling panghukuman na ipinatayo ng Pangasiwaang Lunsod ng
San Pablo ay tinatawag ngayong Don Tomas D. Dizon Hall of Justice?
Sang-ayon kay Bb. Cresenciana de Luna, isang retiradong guro, si Tomas Diones
Dizon, ay isa sa mga anak ng Bayan ng San Pablo noon na nagkaroon ng
pagkakataong makapag-aral ng batas at naging isang abogado. Siya ay isinilang noong
Setyembre 18, 1887 sa noon ay Baryo ng San Nicolas na unang naluklok sa
katungkulang pampamahalaan nang siya ay mahalal na Punonglalawigan ng Laguna
na nanungkulan noong mga Taong 1928 - 1932. At pagkatapos nito, siya ay nahalal na
Kinatawan ng Unang Distrito ng Laguna sa Philippine National Assembly sa apat na
sunod-sunod na panahon
Bilang kagawad ng Asemblyang Pambansa ng Pilipinas (Philippine National
Assembly) na pinanguluhan noon ni Speaker Jose Y. Yulo, si Tomas Dizon ang
umakda ng Batas Komonwelt Bilang 520 na nagkakaloob ng Karta ng Pagkalunsod sa
Bayan ng San Pablo.
Magugunitang ng ipagdiwang ng Lunsod ng San Pablo ang 53 rd Charter Anniversary
noong Mayo 7, 1993 ay itinatag ni Alkalde Vicente B. Amante ang Don Tomas D. Dizon
Statemanship Award sa karangalan ng namayapang mambabatas na ang
pinagkalooban ng karangalan ay si RTC Executive Judge Bienvenido V. Reyes, at Merit
awards ang ipinagkaloob kina Dr. Juan B. Hernandez para sa hometown history, Dr.
Vidal Raymundo para sa medical practice; at Lion Eduardo Lim para sa community
services and entrepreneurship.
Para sa maraming nakasubaybay sa buhay ni Tomas Dizon, ang kanyang
kadakilaan bilang lingkod bayan ay kanyang ipinadama sa kanyang pagtanggap ng
pananagutang Talagang Punonglunsod sa panahon ng kagipitan, una ay noong mga
Taong 1943 hanggang 1946 sa panahon ng pananakop ng mga Hapon ng walang
tumanggap ng tungkulin dahil sa ang talagang punonglunsod noon, si Dr. Manuel A.
Quisumbing, ay kinailangang magtago matapos mapag-alaman ng mga
tagapangasiwaang Hapon na siya ay lihim na tumutulong sa kilusan ng mga gerilya sa
Lunsod ng San Pablo at Lalawigan ng Laguna.
Ang kamalayan ni Tomas Dizon sa batas, at tamang pakikipag-ugnayan sa mga
tagapangasiwaang Hapon ang nakatulong upang maraming anak ng lunsod ang
nailigtas ang buhay sa hinalang sila ay tagapagtaguyod kung hindi man tuwirang kaanib
ng alin mang kilusan o pangkatin ng gerilya sa lalawigan.
Maituturing ding kadakilaan ni Tomas Dizon na noong mga Taong 1954 hangang
1955, ng kaigtingan ng pagkilos ng kinikilala noong Hukbong Magpapalaya sa Bayan
(HMB) na mahigpit na kumakaaway sa pamahalaan, ay muli niyang inako ang pagiging
“appointed City Mayor” na ang humirang sa kanya ay mismong si Pangulong Ramon
Magsaysay noon, at sa ilalim ng kanyang pangangasiwa naisagawa ang unang
paghalal ng punonglunsod. Siya ay namayapa noong Enero 27, 1966.
Tomas Diones Dizon. Isang Mason, Isang Mambabatas, Isang Punong
Tagapagpaganap, at higit sa lahat, Isang Tunay na Makabayan.
Tomas Diones Dizon, isang Taas Noong San Pableño, isang Namumukod Tanging
Lagunense. (Ruben E. Taningco)
DOÑA LEONILA (MINI-FOREST) PARK
During the incumbency of elected Mayor Lauro D. Dizon Sr., with the help of the
Rotary Club of San Pablo, and under the supervision of Dr. Juan B. Hernandez, then
club secretary of the local Rotary Club and Chairman of the City Beautification
Committee, constructed some park structures at the park, with the fountain featuring
the country lass with agriculture harvest as centerpiece.
Probably, Hernandez and then City Engineer Perfecto Reyes were inspired by
the figures affixed on the façade of the City Hall Building which symbolizes progress.
Sometimes on April of 1961 when then President Carlos Garcia made an official
visit to San Pablo, when the party dropped-by the park to breath some fresh air, City
Mayor Lauro D. Dizon Sr. proclaimed that the garden by the city hall overlooking the
lake are being named “Doña Leonila Park” in honor of then First Lady, Mrs. Leonila D.
Garcia.
During the first term in office of Mayor Cesar P. Dizon, the City Beautification
Committee headed by Architect Gilda G. Dizon, the City’s First Lady, and City Schools
Superintendent Concepcion D. Licsi introduces massive improvement on the park with
the construction of promenaders’ lane, which is actually a view deck, put-up park
lightings system, and other park fixtures. In 1975 to 1977, San Pableños were not
aware that slide photos of the park taken by then Public Information Officer Ruben E.
Taningco for the Department of Public Information-Region IV were being flashed on
television screen by Manila television stations to accompany good weather reports.
Toilet were added during the incumbency of OIC Mayor Zacarias A. Ticzon,
when the park was declared a mini-forest park by then Bureau of Forest Development
Director Delfin Ganapin Sr. on June 7, 1987 under the Urban Reforestation Program of
President Corazon C. Aquino. Massive landscaping were undertaken in 2003-2004 by
the City Tourism and Cultural Office headed by the City’s First Lady, Mrs. Leila A.
Aquino. The stage constructed at the park routinary serve as venue for receiving and
entertaining official guests of the city during the incumbency of Mayor Florante L.
Aquino.
PRESIDENTE MARCIAL ALIMARIO,
MABUTING LIDER NG KANYANG PANAHON