FILPAN 030 Midterm Exam Reviewer

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

FILPAN 030

MIDTERM EXAMINATION REVIEWER

Kabanata IV – Literaturang Pilipino sa Panahon ng Kilusang Propaganda


-Paniniil, pagsasamantala at paghamak sa mga Pilipino
-Mga suliranin sa sekularisasyon at maling pamamalakad ng pamahalaan at simbahan ang naging sanhi ng paglaganap ng damdaming
Makabayan
-pakikipagkalakalang pandaigdig ng Pilipinas
-pagkabuo ng “middle class” o gitnang uri
-pagpasok ng diwang liberal
-pagkakaroon ng liberal na gobernadora
-pag-alsa ng mga kawal at manggagawa sa arsenal sa Cavite at ang pagbitay sa tatlong paring martir.
-nagkaroon ng mga bagong kilusan sa pulitika at sa panitikan sa Pilipinas, at maging sa ibang bansa
-Napalitan ang diwang makarelihiyon ng diwang makabayan tungo sa paghingi ng pagbabago sa pamamagitan ng pamahalaan at
simbahan.
- Naitatag ang Kilusang Propaganda. (Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban,
Pedro Paterno at iba pa)
- Itinatag ang pahayagang La Solidaridad

Kabanata V – Literaturang Pilipino sa Panahon ng Himagsikan


-nagkaroon ng pagkakataong magkita-kita ang mga Pilipinong may mga damdaming makabayan at naitatag ang Katipunan.
-Sina Bonifacio, E. Jacinto, P. Valenzuela at iba pang mga kabilang sa mga nagsipag-ambag ng diwang makabayan sa panitikan
-Ang wikang malimit gamitin sa panahong ito ay ang wikang Tagalog at iba pang mga wikang katutubo
-Ang kanilang mga akda ay nalathala sa Kalayaan, ang pahayagang tagapamansag ng Katipunan.
-Pambansang damdaming makabayan ang nangibabaw sa lahat ng akda.
-Panunuligsang pampulitika ang nakararami sa mga akda upang mamulat at magising sa katotohanan.
- Nagsasaad ng paghingi ng kasarinlan para sa Pilipinas.
-Mapag-uyam (sarkastiko) at mapanuligsa
-Walang atubili sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin
-Lumaganap ang mga akdang may masining na paglalarawan ng marangal na damdamin at matayog na kaisipan.

Kabanata VI – Literaturang Pilipino sa Panahon ng Amerikano


- Ang panahon ng Amerikano sa Pilipinas ay nagsimula sa taong 1900 kung saan pormal na inilipat ng mga Kastila ang pamamahala ng
bansa sa mga Amerikano. Ito ay bilang pagtupad sa kasunduang naganap sa Paris (Treaty of Paris).
-dumating ang mga “Thomasites” upang magturo
-Nagpatayo sila ng “normal schools” upang hubugin ang mga kasanayan ng mga guro
-Naging masigasig ang mga Amerikano sa pagbibigay ng libreng pag-aaral sa High School
-Sa aspekto naman ng pamamahala, inihiwalay ang mga bagong mananakop ang estado at simbahan.
-Ang mga akdang pampanitikan na naisulat at nalimbag nang panahong ito ay binigyang layang magpahayag ng tunay na pangyayari
hinggil sa iba’t ibang paksa at nagkaroon sila ng pagkakataon makabasa ng iba’t ibang uri ng aklast na gumising pang lalo sa nag-aalab
na nilang Damdaming Makabayan.
-Noong 1900, ang wikang Ingles ay naging wikang opisyal at wikang panturo sa mga paaralan
-Ang mga akda ay kasasalamin ng romantisismo at ng mga gawi, ugali at simulain
- Ang sarsuwela ay isang melodramang binubuo ng tatlong yugto at tungkol sa damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, galit, paghihiganti,
kalupitan, paghihimagsik o kaya’y suliraning pampulitika noong panahong iyon.

Kabanata VII – Literaturang Pilipino sa Panahon ng Hapon


Disyembre 7, 1941 - Unang atake ng mga Hapon: Nagsimula ng away ang mga Amerikano noong pinasabog ng mga Hapon ang Pearl
Harbor sa US, Hawaii. Pagkatapos ng 10 oras ay inatake nila ang Pilipinas.
Disyembre 26, 1941 - Ito ang araw na dineklara ni General Mccarthur at President Manuel L. Quezon na Open City ang Maynila.
Pebrero 22, 1942 – Pag-alis ni MacArthur: Pinaalis ng Presidente ng Estados Unidos na si Franklin D. Roosevelt si General MacArthur
sa Pilipinas.
Abril 9, 1942 - Death March, Bataan: Napakadilim at katakot-takot ang araw na ito. Ang mga Pilipino, mas lalo na ang mga Pilipina, ay
ginagahasa ng mga sundalong Hapones
Oktubre 14, 1943 - Pangalawang Republika: Ito ay araw ng Pangalawang Republika ng Pilipinas. Na pinahungahan na ni Presidente
Jose P. Laurel.
Hulyo 4, 1946 – Kalayaan: Ang araw na ito ang opisyal na araw na natanggap na ng Pilipinas ang kanyang kalayaan. Kinikilala na ng US
ang malayang Pilipinas na may sariling watawat, gobyerno at iba pa.
-Sa panahong ito umunlad ang panitikang Filipino dahil ang mga dating sumusulat sa Ingles ay bumaling sa pagsulat sa Tagalog.
-Ang panitikang Filipino ay pinaturo sa mga paaralan
-Marami ang nagsalin ng mga akda sa Ingles sa Filipino lalong-lalo na ang mga dula na nawala nung lumabas ang mga pelikula sa
Panahon ng Amerikano
-Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang
Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa.
-Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang
nililikha.
-Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-
Matute dahil sa mga makintal na maka- feministang maikling kuwento.
-Jose P. Laurel- Siya ay binigyan ng pagkakataon na maging pangulo sa bayan sa patnubay ng mga Hapones. (Puppet Government)
-Sa panahon ng hapon ay nabigyang siglang muli ang wikang Pambansa.
-Nakasulat muli ang mga Pilipino ng mga tulang tagalog at natuto silang magsulat mga Haiku na may malalim na taglay na talinghaga.
-Sa panahong ito, ipinag-utos ng mga Hapones na gamitin ang wikang Nihonggo at Tagalog sa buong bansa. Noong 1942, Inihayag ng
komisyong tagapagpaganap ng Pilipinas ang Ordinansa Militar Blg 13 na nagtakda na ang wikang Nihonggo at Tagalog ang gagawing
wikang Pambansa.

MGA MANUNULAT

MANUNULAT SAGISAG- TAGURI AKDA


PANULAT
1. Jose Rizal Dimas-alang, Laong Pambansang bayani ng Pilipinas Noli Me Tángere (Inang bayan), El
Laan filibusterismo (GOMBURZA)
2. Marcelo del Pilar Plaridel, Dolores Dakilang Propagandista Pag-ibigsa Tinubuang Lupa,Dasalan
Manapat, Piping Dilat at Tocsohan
3. Emilio Jacinto Dimas-ilaw, Pingkian Utak ng Katipunan Kartilya ng Katipunan
4. Antonio Luna Taga-ilog Heneral Luna Noche Buena
5. Andres Bonifacio Agapito Bagumbayan Ama ng Katipunan Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Ama ng Demokrasyang Pilipino
Sigaw sa Balintawak
6. Alejandro Abadilla Aga Ama ng Malayang Taludturan Ako ang Daigdig
7. Jose Corazon de Jesus Huseng Batute Hari ng Balagtasan Ang Isang Punong Kahoy
8. Severino Reyes Lola Basyang, Don Binoy Ama ng Sarsuwelang Tagalog Walang Sugat
9. Jose Dela Cruz Huseng Sisiw Hari ng mga Makata Singsing ng Pag-ibig
10. Graciano Lopez Jaena Bolivar, Diego Laura Prinsepe ng mga Orador La Solaridad
Demosthenes ng Pilipinas
11. Francisco Baltazar Balagtas Ama ng Balagtasan Florante at Laura
12. Florentino Collantes Kutil-butil Ikalawang Hari ng Balagtasan Lumang Simbahan
13. Inigo ED. Regalado Odalager Makata ng Pag-ibig Sampaguitang Walang Bango
14. Julian Cruz Balmaceda Balmaseda Haligi ng Panitikang Pilipino Sa Bunganga ng Pating
15. Aurelio Tolentino Quijano de Manila Ama ng Dulang Kapampangan Kahapon, Ngayon at Bukas
16. Genoveva Edroza Aling Bebang Guro ng Kwentistang Pilipino Bangkang Papel
Matute
17. Lope K. Santos Ama ng Balarilang Pilipino Walang Sugat, RIP, KALUPI
Ama ng Nobelang Pilipino
18. Apolinario Mabini Utak ng Himagsikan “El Verdadero Decalogo.” (Ang
Dakilang Lumpo Tunay na Sampung Utos)
19. Pascual Poblete Anak-bayan Ama ng Pahayagang Pilipino
20. Marianao Ponce Kalipulako, Tikbalang, Ang Pagpugot Kay Longinos
Nanding Ang mga Alamat ng Bulakan
21. Jose Palma Pambansang Awit ng Pilipinas
22. Amado V. Hernandez Jr. Makata ng mga Manggagawa Bonifacio
Guro ng Lahi
23. Gregorio del Pilar Pinakabatang Heneral
24. Gregoria de Jesus Lakambini ng Katipunan

AMAIN NAMIN

Amain Namin sumasakumbento ca, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, kitlin ang leeg mo dito
sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon ng aming kaning iyong ninakaw at patawarin mo cami sa iyong pag-
uungal para nang tawad mo kung kami ay nakukuwaltahan, at huwag mo kaming ipahintulot sa iyong panunukso at iadya
mo kami sa masama mong dila. Siya nawa.

MGA BABAE NI FRAY BOTOD AT KANILANG MGA TUNGKULIN

Mga Babae Tungkulin


Kikay Mamamaypay
Arang Naghihila ng daliri
Paula at Manay Nangingiliti sa paa
Biray (pinakamaganda) Nanghihimas ng tiyan
Loleng Naghihilot sa ulo
Calay Bumubulong ng mga istorya sa tainga
Titay Nag-aalis ng kuto
Ansay Nag-aalis ng putting buhok sa tainga

A. Walang Panginoon
1. Ang kahulugan ng akdang “Walang Panginoon” ay ginamit ang isang hayop upang makapaghiganti sa mga taong mapang-
alipusta.
2. Ang kalabaw ay sumisimbolo sa mga Pilipino sa akdang isinulat ni Deogracias Rosario sa Walang Panginoon.
3. Ang Walang Panginoon ay kuwentong umiikot sa isang maralitang pamilya at sa kanilang pakikipagtunggali sa mga
mayayaman.
4. Ang El Filibusterismo ay alay para sa tatlong paring martir, GOMBURZA
lipunan
5. Gabi-gabing sinasaktan ni Marcos ang kaniyang alagang kalabaw habang nakasuot nang pang-haciendero dahil
kinokondisyon niya ang kalabaw na magalit sa sinumang magsuot tulad niya
6. Ang simbolismo ng matinding paglalatigo ni Marcos sa kaniyang kalabaw ay dahil ipinapasa niya ang galit niya kay Don
Teong sa kalabaw.
7. Ang mga sumusunod ay dahilan ng matinding galit ni Marcos kay Don Teong;
a. Inaangkin ni Don Teong ang lupain ng pamilya ni Marcos
b. Namatay ang kaniyang ama dahil sa sama ng loob kay Don Teong

B. Walang Sugat
1. Batay sa naging wakas ng “Walang Sugat”, nagkatuluyan sina Julia at Tenyong dahil sila ang kinasal sa huli at ito’y sagrado
2. Ang katangian mayroon si Tenyong na siyang tumulong sa kanya na makamit ang tagumpay sa larangan ng pag-ibig ay
ang pagiging matiyaga
3. Ang babaeng pinag-aagawan nina Tenyong at Lucas ay si Julia
4. Si Tenyongay nagpanggap na nag-aagaw buhay upang maikasal sa kaniyang minamahal.
C. Nena at Neneng
1. Sa dulang “Kahapon, Ngayon at Bukas”, ang simbolismo ng Bagong Sibol ay Amerika
2. Ayaw ni Neneng kay Miguel para sa kanyang matalik na kaibigang si Nena dahil si Miguel ay may bisyo, sugarol at
babaero.

D. Banaag at Sikat
1. Ang dalawang dalagang anak ni Don Ramon ay sina Meni at Tentay
2. Ang manliligaw ni Meni ay si Delfin

You might also like