Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ANG BANAL NA MISA

Marso 4, 2023 (Sabado)


Sabado sa Unang Linggo ng
Apatnapung Araw na Paghahanda

PAMBUNGAD NA AWIT (Koro/Choir)

Pari:    Sa ngalan ng Ama, at ng anak, at ng Espiritu Santo.


Bayan:  Amen
Pari: Ang pagpapala ng ating Panginoong HesuKristo, ang pag-ibig ng Diyos
Ama at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat.
Pari:      Sumainyo ang Panginoon.
Bayan:        At sumainyo rin.

Pari: Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging
marapat gumanap sa banal na pagdiriwang:

Pari: Inaamin ko…


Mr. Romy Cacao/
Bayan: Inaamin ko sa Makapangyarihang Diyos, at sa inyo mga kapatid na
lubha akong nagkasala sa isip, sa salita, at sa gawa, at sa aking
pagkukulang. kaya't isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa
lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo mga kapatid na ako
ay ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Pari: Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa


ating mga kasalanan at patnubayan tayo sa buhay na walang
hanggan.

Bayan: Amen

Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.


Mr. Romy Cacao: Panginoon, kaawaan mo kami.
Pari: Kristo, kaawaan mo kami.
Mr. Romy Cacao: Kristo, kaawaan mo kami.
Pari: Panginoon, kaawaan mo kami.

~1~
Mr. Romy Cacao: Panginoon, kaawaan mo kami.
PANALANGING PAMBUNGAD

Pari: Manalangin tayo.


Ama naming makapangyarihan……
sa pamamagitan ni HesuKristo, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen.

Mr. Romy Cacao: Tayo po ay magsi upo.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS


UNANG PAGBASA
Deuteronomio 26, 16-19

Ms. Charisse D.: Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio


Sinabi ni Moises sa mga tao: “Ngayon ay ibinigay nga sa inyo ng
Panginoon ang mga tuntuning ito; sundin ninyo ito nang buong
puso’t kaluluwa. Ipinahayag ninyo ngayon na ang Panginoon ang
inyong Diyos, lalakad kayo ayon sa kanyang daan, susundin ang
kanyang mga tuntunin at didinggin ang kanyang tinig. Ipinahayag
naman niya sa inyo na kayo ay kanyang bayan, tulad ng kanyang
pangako, at dapat ninyong sundin ang kanyang mga tuntunin.
Palalakihin niya kayo higit sa ibang bansa upang maging kapurihan
niya, karangalan at kadakilaan. At tulad ng sabi niya, kayo ay isang
bansa na nakatalaga sa kanya.”

Ang Salita ng Diyos.

Bayan: Salamat sa Diyos

SALMONG TUGUNAN
(Salmo 118, 1-2. 4-5. 7-8)

Mr. Romy Cacao: Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos.

Mr. Eric Guerra: Mapalad ang mga taong malinis ang pamumuhay, ayon sa utos ng
Poon ang Gawain araw-araw. Mapalad ang sumusunod sa
kaniyang kautusan, buong puso ang pagsunod sa utos na ibinigay.

Mr. Romy Cacao: Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos.

~2~
Mr. Eric Guerra: Ibinigay mo sa amin iyang iyong mga utos, upang aming talimahin
at sundin nang buong lugod. Gayon ako umaasa, umaasang
magiging tapat, susundin ang iyong utos, susundin nang buong
ingat.

Mr. Romy Cacao: Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos.

Mr. Eric Guerra: Ang matuwid mong tuntunin habang aking tinatarok, buong pusong
magpupuri, pupurihin kitang lubos. Ang lahat ng iyong utos ay
sisikapin kong sundin, huwag mo akong iiwanan, huwag mo akong
lilisanin.

Mr. Romy Cacao: Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos.

Mr. Romy Cacao: Magsi tayo po tayo.

AWIT–PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA


2 Corinto 6, 2b

KORO/Choir: Ngayo’y panahong marapat, panahon ng pagliligtas, araw ngayon


ng pagtawag upang makamit ang habag ng Panginoong matapat.

MABUTING BALITA
Mateo 5, 43-48

Pari: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Bayan: Papuri sa Iyo Panginong HesuKristo

Pari: Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad,


“Narinig na ninyong sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kaibigan at
kapootan mo ang iyong kaaway.’ Ngunit ito naman sabi ko: ibigin
ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga
umuusig sa inyo, upang kayo’y maging tunay na anak ng inyong
Amang nasa langit. Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa
masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga
banal at sa mga makasalanan. Kung ang mga umiibig sa inyo ang
siya lamang ninyong iibigin, ano pang gantimpala ang inyong
hihintayin? Hindi ba’t ginagawa rin ito ng mga publikano? At kung
ang binabati lamang ninyo’y ang inyong mga kapatid, ano ang
nagawa ninyong higit kaysa iba? Ginagawa rin iyon ng mga Hentil!
Kaya, dapat kayong maging ganap, gaya ng inyong Amang nasa
langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

~3~
Bayan: Pinupuri ka naming Panginoong Hesukristo
Mr. Romy Cacao: Tayo po ay magsi upo.

* * * HOMILYA * * *

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma (Sabado)

Pari: Taglay ang pagtitiwala, lumapit tayo sa mapagpatawad na Ama na ang


habag sa atin ay walang hangganan at walang katapusan.

“Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.”


o kaya
“Panginoon, gawin Mo kaming ganap sa Iyong pag-ibig.”

Ms. Alma Gapunuan:


1. Ang Simbahan nawa’y maging buhay na halimbawa ng pagpapatawad at
habag na ipinakita ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon. Manalangin
tayo.

2. Atin nawang kaawaan ang mga taong nakasakit, nakapinsala o nagdulot


ng mga paghihirap sa atin, manalangin tayo sa Panginoon. Manalangin
tayo.

3. Sa tulong ng biyaya ng Diyos, nawa’y mapatawad natin ang ating mga


kaaway, manalangin tayo sa Panginoon. Manalangin tayo.

4. Sa mga maysakit, matatanda, at mga pinabayaan nawa’y ating


maipadama ang ating pagmamahal at habag, manalangin tayo sa
Panginoon. Manalangin tayo.

5. Ang mga yumao nawa’y biyayaan at gantimpalaan ng buhay na walang


hanggan, manalangin tayo sa Panginoon. Manalangin tayo.

Pari: Makapangyarihan at mahabaging Ama, pinasasalamatan ka namin sa


pagpapatawad na inihandog mo sa pamamagitan ng iyong Anak.
Tulungan mo kaming ipahayag sa iba ang iyong pagpapatawad. Hinihiling
namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Mr. Romy Cacao: Tayo po ay magsi upo para po sa pag-aalay.

~4~
LITURHIYA NG EUKARISTIYA
Awit Sa Pag-Aalay

KORO/Choir: (*) Sa ‘Yo Ama aming handog ang tinapay at alak na ito. Handog
ng ‘Yong bayang sumasamo’t humihingi ng patawad Mo.

1. Sa pagsunod sa utos Mo nalulugod akong labis ‘Di masukat ang


galak kopagkat aking iniibig. (*)
2. Sa gitna ng kahirapan ang nadama ko ay aliw! ‘Pagkat buhay
ang natamo sa pangako mo sa akin. (*)

Mr. Romy Cacao: Tayo po ay magsi tayo.

Pari: Manalangin kayo mga kapatid, upang itong ating paghahain ay


kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

Bayan: Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga


kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at
sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN SA MGA ALAY

Pari: Ama naming lumikha maging kalugod lugod nawa sa Iyo ang aming
paghahain upang sa iyong pagtataguyod ay pabanalin nito ang
aming pamumuhay at ipagkamit kami nito ng iyong awa at
kapatawaran sa pamamagitan ni HesuKristo, kasama ng Espiritu
Santo magpasawalang hanggan.

Bayan: Amen

PAGBUBUNYI O PREPASYO

Pari: Sumainyo ang Panginoon

Bayan: At sumainyo rin.

Pari: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Bayan: Itinaas na naming sa Panginoon.

Pari: Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

~5~
Bayan:         Marapat na siya ay pasalamatan.

Pari: Ama naming makapangyarihan tunay ngang marapat na ikaw ay


aming pasalamatan sa pamamagitan ni HesuKristo na aming
Panginoon binibigyan mo kami ng bagong pagkakatoan upang
ganapin ang paghahanda ngayon para sa pagdiriwang ng muling
pagkabuhay, kaisa ng iyong anak na minamahal aming inilalaan
ang panahon, talino’t yaman para ganapin ang iyong kalooban na
ang kapwa tao ay lubos na damayan sa pagdiriwang namin sa
aming pasgilang bilang mga kaanib ng iyong sambayanan. Kami’y
iyong pinagkakamit ng katayuan ganap sa pagtatangkilik. Kaya
kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang
humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:

KORO/Choir: Santo, santo, santo…..

Mr. Romy Cacao: Kung hindi po kayang lumuhod, manatili pong nakatayo ng may
pag galang.

PANALANGING EUKARISTIKO II

Pari: Ama naming banal, Ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.


Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu, gawin mong banal ang
mga kaloob na ito, upang para sa amin ay maging Katawan at
Dugo + ng aming Panginoong Hesukristo.
           
             Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging handog,
Hinawakan niya ang tinapay, Pinasalamatan ka niya,
         Pinaghati – hati niya iyon, Iniabot sa kanyang mga alagad st sinabi:
           
Tanggapin ninyong lahat ito at kanin: ito ang aking katawan na
ihahandog para sa inyo.

Pari: Gayun din naman, noong matapos ang hapunan, hinawakan niya
ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya ang kalis sa
kanyang mga alagad at sinabi:
           
Tanggapin ninyong lahat ito at inumin: ito ang kalis ng aking dugo
ng bago at walang hanggang tipan, ang aking dugo na ibubuhos
para sa inyo at para sa lahat sa ikapagpapatawad ng mga
kasalanan.gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin.
           
            Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

KORO/Choir: Aming ipinahahayag na namatay ang 'yong anak

~6~
Nabuhay bilang mesiyas at magbabalik sa wakas para mahayag sa
lahat

Pari: Ama, ginagawa namin ngayon ang pag – alala sa pagkamatay at


muling pagkabuhay ng iyong Anak. Kaya’t iniaalay naming sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay at ang kalis na nagkakaloob ng
kaligtasan. Kami’y nagpapasalamat dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo para maglingkod sa iyo. Isinasamo naming
kaming magsasalu-salo sa Katawan at Dugo ni Kristo sa
pamamagitan ng Espiritu Santo.

Pari: Ama, lingapin mo ang iyong Simbahang laganap sa buong daigdig.


             Puspusin mo kami sa pag-ibig kaisa ni N.,na aming Papa,
             at ni N., na aming Obispo at ng tanang kaparian.
Alalahanin mo si N., na tinawag mo mula sa daigdig na ito. Noong
siya’y binyagan, siya’y nakaisa ni Kristo sa pagkamatay. Ngayong
siya’y pumanaw, nawa’y makaisa siya ni Kristo sa pagkabuhay.
Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay nang may
pag-asang sila’y muling mabubuhay gayun din ang lahat ng mga
pumanaw. Kaawaan mo sila ay patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat na makasalo sa iyong
buhay na walang wakas. Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina
ng Diyos, kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal. Na
namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo, maipagdiwang
nawa naming ang pagpupuri sa ikararangal mo, sa pamamagitan
ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo.
           
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya, at sa kanya ang lahat ng
parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan,
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
            
Bayan: Amen.

ANG PAKIKINABANG

Pari: Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na


Panginoon natin at Diyos. Ipahayag natin nang lakas-loob:
Bayan/Koro: Ama namin, sumasalangit ka……
Pari: Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban
ng kapayapaan araw – araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat
ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang
araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

~7~
Bayan/Koro: Sapagka’t sa’yo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang
kapurihan magpakailan man! Amen.

Pari: Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol:


“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang
ibinibigay ko sa inyo.” Tunghayan mo ang aming
pananampalataya at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong
kalooban.kasama ng Espiritu Santo magpasawalang – hanggan.

Bayan: Amen.
Pari:          Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.
Bayan:         At Sumainyo rin.
Pari: Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

KORO/Choir: Kordero ng Diyos….

Mr. Romy Cacao: Kung hindi po kayang lumuhod, manatili pong nakatayo ng may
pag galang.

Pari: Mga kapatid, na ito ang ating Panginoong Hesus ang kordero ng
Diyos na nag aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan mapapalad
ang inaanyayahan sa kanyang piging.

Mr. Romy Cacao/


Bayan: Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni’t
sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

PAKIKINABANG (Komunyon)
KORO/Choir:

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG

Mr. Romy Cacao: Tayo po ay magsi tayo.

Pari: Manalangin tayo.


Ama naming mapagmahal….
sa pamamagitan ni HesuKristo kasama ng Espiritu Santo,
magpasawalang hanggan.

Mr. Romy Cacao/

~8~
Bayan: Amen.

PAGBABASBAS

Pari: Sumainyo ang Panginoon

Bayan: At sumainyo rin.

Pari: Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos (+) Ama, Anak at


Espiritu Santo

Bayan:         Amen.

Pari: Tapos na ang Banal na Misa. Humayo kayo sa kapayapaan.

Bayan: Salamat sa Diyos.

AWITING PANG WAKAS (Koro/Choir)…

~9~

You might also like