4TH QTR COT WEEK 4 MATH

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

logo MANILA ELEMENTARY SCHOOL

logo
Tondo, Manila

Banghay Aralin sa Matematika


Ikaapat na Markahan
Ikaapat na linggo
May 23, 2022

I. Layunin:
Pagkatapos ng 50- minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. nakababasa at nakauunawa ng suliraning may kaugnayan sa oras

B. nakalulutas ng mga suliranin na may kaugnayann sa oras

C. nakagagawa nang may kasiyahan

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Paglutas sa mga suliraning may kinalaman sa oras

B. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide p. 24 - M1ME-IVb-4

C. Kagamitan: tsart, worksheets, drill board, orasan


D. Pagpapahalaga: Pagiging Maagap

E. Integrasiyon sa Edukasiyon sa pagpapakatao

III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Magdasal
3. Pagtsek ng liban
4. Banggitin ang mga alituntunin sa ODL

2. Balik-aral
Sabihin kung ito ay isang buo, kalahati o sangkapat na oras? isulat sa drill board.

1.
2.

3.

4.

5.

3. Paghawan ng Balakid
proseso
unawain
suliranin

4. Pagganyak
Mahalaga bang maging maagap sa mga gawain? Bakit?

B. Panlinang na Gawain
1. Panimula
Kuwento/Suliranin

Binigyan ni nanay ng 15-


minuto ang kanyang mga anak upang
makapaglaro bago mag-aral ng
leksyon.
Kung 6:30 sila nagsimulang
maglaro, anong oras sila dapat
huminto?

Itanong:
1. Ano ang tinatanong sa suliranin?
2. Ilang minuto ang ibinigay ni nanay para sa kanyang mga anak upang maglaro?
3. Anong oras sila nagsimulang maglaro?
4. Anong oras sila dapat huminto?
1. Pagmomodelo
a. Gawain ng Guro
1. Concrete
 Ipakita ang orasan .
 Ilagay ang kamay ng orasan sa 6:30. Ipakita ang pagbilang ng 15-minuto at
sabihin na ang oras na dapat huminto ang magkakapatid sa paglalaro ay 6:45.
 Sabihin: Ang 15- minuto pagkatapos ng 6:30 ay 6:45.

2. Pictorial
 Ipakita ang dalawang larawan ng orasan.

 Ang orasang ito ay nagpapakita ng oras ng pagsisimula ng mga anak na maglaro.

 Ang orasang ito ay nagpapakita ng oras na dapat huminto ang mga batang maglaro
dahil mag- aaral na sila ng kanilang leksyon.
 Sabihin: Ang 15- minuto mula 6:30 ay 6:45.

3. Abstract
Isulat sa ibaba ng dalawang orasan ang oras na tumutukoy sa itinuturo ng kamay ng
orasan.

6:30 6:45
b. Karagdagang Gawain
Bigyan ng isa pang suliranin ang mga bata at gabayan sila sa paglutas nito . Sundin ang
tamang proseso.

Naghugas ng mga pinggan si


Kuya. Nagsimula siya ng 5:45 at natapos
ng 6:00.

Ilang minuto ang kaniyang


ginugol sa paghuhugas?
3. Pinatnubayang Pagsasanay

Unawain ang suliranin at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

Nagsimulang magtanim sa
bukid si tatay ng 3:45. Kung 15-
minuto lang ang gugugulin niya sa
pagtatanim, anong oras siya
matatapos?

1. Sino ang nagtatanim sa bukid?

A. nanay B. tatay

2. Anong oras siya nagsimulang


magtanim?
A. 3:45 B. 3:30

3. Ilang minuto siya magtatanim?


A. 15-minuto B. 30 minuto

4. Ano ang tinatanong sa suliranin?


A. oras ng pagsisimula ni tatay B. oras na matatapos si tatay
sa pagtatanim

5. Ano ang tamang sagot?


Isulat sanakalaang guhit. ____________

4. Paglalahat

5. Malayang Pagsasanay
Tandaan: Unawain ang suliranin.
Ang wastong paraan ng Isulat ang tamang sagot sa mga
paglutas ng suliranin ay tanong.
ang mga sumusunod:
1. Unawain ang
6:00 magsisimula ang klase. Ang
suliranin. Alamin kung
mga mag-aaral ay dapat nasa paaralan na
ano ang tinatanong.
15- minuto bago magsimula ang klase.
2. Alamin o kunin ang
Anong oras dapat nasa paaralan ang
mga datus.
mga bata?
3. Isipin kung paano ito
masasagot ang tanong.
4. Ibigay ang tamang
sagot.
Mga Tanong:

1. Ano ang tinatanong sa suliranin?


________________________________
2. Ano ang mga datos na binanggit?
________________________________

3. Ilang minuto bago 6:00 dapat nasa paaralan ang mga mag- aaral?
_________________________________

4. Anong oras sila dapat nasa


paaralan?
________________________________

5. Iguhit ang kamay ng orasan upang ipakita nag iyong sagot.

IV. Pagtataya

A. Ano ang tamang oras? Iguhit ang kamay ng orasan.

1. 15 – minuto bago 10:00.

2. 15- minuto pagkatapos ng 6:45.

3. 15- minuto pagkatapos ng 1:15.


4. 15- minuto bago 12:00.

5. 15- minuto pagkatapos ng 2:00.

B.

V. Takdang Aralin

Basahin at unawaing mabuti ang suliranin sa ibaba. Sagutin ang mga tanong sa ibaba at isulat
ang iyong sagot sa kuwaderno.

Nagtungo si Lito sa bayan ng Sta. Cruz noong ika-12 ng Agosto. Magsisimula siya sa kaniyang
pag-eensayo kasama ang iba pang manlalaro para sa darating na laban sa ika-8 ng Setyembre.
Ilang araw ang itatagal ng kaniyang pag-eensayo?

Mga tanong:

1. Sino ang manlalaro na nabanggit sa suliranin?

A.manlalaro B. Bata C. Lito

2. Ano ang itinatanong sa suliranin?

A.Araw ng itatagal ng pag-eensayo ni Lito B. Ang araw ng laban ni Lito C. Araw ng pag-alis ni
Lito D.Kailan uuwi si Lito

3. Ano ang operasyong gagamitin?


A.Pagbabawas B. Pagdaragdag C. Pagpaparami D. Paghahati

4. Ilang araw ang itatagal ng pag-eensayo ni Lito?

A.26 B. 27 c. 28 D. 29

Inihanda ni: Inobserbahan ni:


Juan Dela Cruz Juan Dela Cruz
Guro MT in charge

You might also like