Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

June 10, 2022


I. LAYUNIN:
Pamantayang Pangnilalaman:
 Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ng mga mag – aaral ang pag – unawa sa kahalagaan ng
pakikipag – ugnayan at sama-samang pagkilos sa kontemporaryong daigdig tungo sa
pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa at kaunlaran.

Pamantayan sa Pagganap:
 Ang mga mag – aaral ay aktibong nakikilahok sa mga programa, proyekto at antas ng
komunidad at bansa na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa,
pagtutulungan at kaunlaran.
Kasanayan sa Pagkatuto:
Most Essential Learning Competency
 Natataya ang epekto ng mga ideolohiya, ng Cold War at pamamaraan ng Neokolonyalismo sa
iba’t-ibang bahagi ng daigdig. (AP8AKD-IVi-10)
Tiyak na Layunin:
 Natutukoy ang mga pamamaraan ng neokolonyalismo.
 Nakagagawa ng malikhaing pagtatanghal sa iba’t – ibang pamamaraan ng neokolonyalismo.
 Nabibigyang – halaga ang pagpapanatili ng sariling kultura sa kabila ng impluwensiyang dulot
ng neokolonyalismo.

II NILALAMAN:
A. Paksa: Mga Pamamaraan ng Neokolonyalismo
B. Kagamitan sa pagtuturo: Sangguniang aklat Kasaysayan ng Daigdig, modyul ng mag – aaral
pahina 515 – 516, Laptop (PowerPoint Presentation), Television, Pentel pen, manila paper at aktibiti
kards
III PAMAMARAAN:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral Puna ng Guro


Inaasahang sagot
Panalangin
- Maaari ka bang tumayo  Papangunahan ang panalangin
dito sa harap para
pangunahan ang isang
panalangin.
- Bago kayo magsiupo ay  Pupulutin ang mga kalat at aayusin  Salamat.
maaari bang pakipulot muna ang upuan. Magsiupo na
ang mga kalat sa paligid at ang lahat.
pakiayos na rin ang inyong
mga upuan.
 Wala po Ma’am.  Mabuti.
- May lumiban ba sa klase?
-Tumahimik na ang lahat at
tayo’y magsisimula na.

A. Panimulang Gawain

1. Balik-aral
 Noong nakaraan,  Ang neokolonyalismo ay tumutukoy  Tama!
tinalakay natin ang sa patuloy na impluwensiyang pang –
neokolonyalismo. Ano ekonomiya at panlipunan ng mga
ang kahulugan nito? mananakop sa mga bansang dati
nilang kolonya, bagamat wala silang
tuwirang militar o politikal na control
sa mga ito.
Dahil lubos ninyong
naunawaan ang paksang
tinalakay, dadako na tayo sa
paksang tatalakayin, pero
bago niyan, magkakaroon
muna tayo ng isang gawain.

2. Pagganyak
Picture analysis
May ipapakita akong mga
larawan, tukuyin kung
ano ang ipinapahiwatig
nito.
 Tama
 Nagpapakita po ito ng utang ng ating
gobyerno sa dayuhan na pinapasan
ng mga Pilipino

 Tumpak!
 Ito po ay nagpapakita ng tulong o aid
na ipinadala ng US sa mga nasalanta
ng bagyong Odette

 Mahusay!
 Ang larawan ay tungkol sa iba’t ibang
produktong dala ng mga
namumuhunang dayuhan sa ating
bansa na nakaimpluwensya hindi
lamang sa ating kultura pati na rin sa
ating ekonomiya.  Kahanga –
 Ito naman ay tumutukoy sa mga hanga!
dayuhang bansa na nagkainteres na
agawin ang West Philippine Sea, isa
sa teritoryong pagmamay – ari ng
ating bansa.
Pamprosesong Tanong:
 Tama!
1. Batay sa mga
larawan na inyong  Tungkol po ito sa mga pamamaraan
nakikita, ano kaya ng Neokolonyalismo.
ang ating pag –
aaralan ngayong
umaga?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
 Ngayon ating
tatalakayin ang
tungkol sa
pamamaraan ng
neokolonyalismo.
 Pangkatin ang klase
sa limang pangkat.
Bawat pangkat ay
pipili ng lider.
Inaasahan na ang
bawat miyembro ay
magbabahagi ng
kanilang kaalaman at
ideya hinggil sa
paksa. Bibigyan
lamang ng 10 minuto
sa pag-organisa ng
mga ideya. At 5
minuto sa pag -
uulat.

Pamantayan sa Paggawa ng
Pangkatang Gawain.

Nilalaman 40%
Kaangkupan 30%
sa paksa
 Magaling!
Presentasyon 30%
Kabuuuan 100%  Magtulungan
 Huwag maingay
Bago kaya pumunta sa  Tapusin ang Gawain sa takdang oras
inyong grupo, ano ba ng
dapat tandaan sa paggawa
ng pangkatang Gawain?

Unang Pangkat:
Bumuo ng isang tula
tungkol sa pang –
ekonomiyang pamamaraan
ng neokolonyalismo

Ikalawang pangkat:
Gumawa ng maikling dula
tungkol sa pangkulturang
pamamaraan ng
neokolonyalismo.

Ikatlong Pangkat:
Pagba – vlog tungkol sa
dayuhang tulong o foreign
aid.

Ikaapat na pangkat
Pagbabalita tungkol sa
dayuhang pautang o foreign
debt

Ikalimang pangkat
Gumawa ng isang karikatura  Napakagaling!
ng lihim na pagkilos o Bigyan ng
Covert Operation.  Dayuhang mapagkunwari Wow Clap ang
Sa bawat tulong mo, ang aking unang pangkat
Pagtatanghal……. bansa’y nakatali
Nakatali sa mga patakaran at motibo
Unang Pangkat pagtulong mo ba ay sadyang totoo?
O ito ay mapagkunwaring
neokolonyalismo
At ang aking bansa ay gagamitin sa
pansariling kapakanan mo
 Napakahusay!
Limang bagsak
Sa Paaralan…… para sa
Habang naglalakad si Maria papasok ikalawang
ng paaralan ay nakita niya ang pangkat!
kanyang matalik na kaibigan na si
Ikalawang Pangkat
Bea. Bigla niyang napansin ang bago
nitong bag na agad naman niyang
pinuna.

Maria: Uy, Bea ang ganda ng bag mo


ah.
Bea: Oo naman bes, gawang France
ito binili ng mommy ko. Louis Vuitton,
limited edition malimit mo lang
makikita ang mga gumagamit nito.
Ano ba yang bag mo, barong ba yan
na gawa sa abaca?
Maria: Oo bes, gawang Pinoy ito at
siguradong kalidada at matibay ang
pagkakagawa.
Bea: Oh siya, pasok na tayo sa room.
Sumabay ka na palang kumain saakin
mamaya doon sa Mcdonalds, gusto
kong kumain ng ng fries, burger at  Kahanga –
spaghetti doon. hanga! Bigyan
Marie: Sige bes. ng masigabong
palakpakan
Hi guys! Welcome to my youtube ang Ikatlong
chanel. Nandito tayo ngayon sa pangkat.
Ikatlong Pangkat
Isabela, Negros Occidental upang
magbigay ng tulong sa mga
nasalanta ng bagyo. Nakikita niyo
naman may dala – dala tayong mga
relief goods gaya ng noodles,
sardines, bigas, tubig at cash
assistance at marami pa. Salamat
nga pala sa USAID nanagpadala ng
kanilang tulong para maibahagi sa
bawat pamilyang nasalanta ng
bagyo lalong lalo na ang mga
nawalan ng tirahan, napakalaking
tulong ito para sa mga kapwa ko
Pilipino. Halikayo’t kausapin natin si
Nanay Fely

Nanay kamusta po kayo ditto:


Nanay Fely: Hindi po okay sir, wala
kaming naisalbang gamit, pati ang
aming munting tahanan ay
tinangay ng rumaragasang tubig
mabuti na lamang ay maaga
kaming nailikas.
Ito po nanay may kaunti kaming
tulong sa inyo. Sana po kahit
papaano ay makakatulong ito sa
inyo.  Magaling!
Nanay Fely: Maraming salamat po Bigyan ng
Walang anuman po. congratulations
O guys hanggang sa sususnod. clap ang
Paalam! ikaapat na
pangkat!
Ikaapat na Pangkat
Narito na ang nagbabagang balita sa oras
na ito.
Normal para sa maraming bansa – kabilang
ang Pilipinas – na umutang ng malalaking
halaga sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Habang lumagpak ang ating ekonomiya
nang halos 10% noong 2020, lumagpak din
ang kita ng gobyerno mula sa mga buwis
atbp. Samantala, lumobo naman ang
gastusin ng gobyerno para sa pandemic
response – bagama’t kulang pa rin ang
inilaan nilang pondo para rito. Dahil sa
kakulangan ng pondo ng gobyerno
napabalita kamakailan na umabot na pala
sa P1.15 trilyon ang foreign loans and
grants ng administrasyong Duterte para
tugunan ang pandemya. Katumbas iyon ng  Kahanga -
$22.58 bilyon. Kung isasama mo ang hanga! Bigyan
interes, lolobo lalo ang ating COVID loans sa ng Aling
P1.47 trilyon o $28.91 bilyon. Kaya Dionisia Clap
lumalabas na tayo ang bansang may ang Ikaapat na
pinakamalaking pagkakautang sa World pangkat
Ikalimang Pangkat Bank ngayong 2021. Ako si Daniel Salas,
nakatutok 24 oras!

 Tumpak

6. Pagtatalakay

 Batay sa inyong pag


 Magaling!
– uulat, ano – ano
ang mga
pamamaraan ng  Pang – ekonomiya, pang – kultura,
neokolonyalismo? dayuhang tulong o foreign aid,
dayuhang pautang o foreign debt at
 Ano ang pang – lihim na pagkilos o covert operation.
ekonomiyang
pamamaraan ng
neokolonyalismo?  Ang neokolonyalismo ay naisasagawa  Tama!
sa pamamagitan ng pakunwaring
pagtulong sa pagpapaunlad ng
kalagayang pangkabuhayan ng isang
bansa ngunit sa katotohanan ay
nakatali na ang bansang tinutulungan  Kahanga –
 Ano naman ang sa patakaran at motibo ng bansang hanga!
pang kulturang tumutulong.
pamamaraan ng
neokolonyalismo?  Sa pamamaraang ito, nababago ng
neokolonyalismo ang pananaw ng
 Sa anong paraan tinutulungang bansa sa mga bagay  Mahusay!
maipapakita ang na likas na angkin nito.
pangkulturang
pamamaraan ng  Maipapakita ito sa pamamagitan ng
neokolonyalismo? pagtatangkilik, pagbibili at pagpupuri
sa mga produkto ng mga dayuhan.  Tumpak!
 Ano naman ang
nakapaloob sa
dayuhang tulong o
foreign aid?  Ang dayuhang tulong o foreign aid ay
maaaring pang – ekonomiya,
pangkultura o military ngunit kung
 Sa paanong paraan titingnang mabuti may kapalit ang
maipapakita ang libreng pagtulong nito.
dayuhang tulong o  Magaling!
foreign aid bilang  Halimbawa ang pagbibigay ng mga
isang pamamaraan relief goods at iba pang tulong ng
ng neokolonyalismo? mga bansang tumutulong ngunit ang
kapalit nito ay pagbebenta rin ng  Mahusay!
imported goods sa bansang
tinutulungan kaya nga’t bumabalik
 Ano ang dayuhang parin sa kanya ang malaking tubo ng
pautang o foreign kanyang puhunan.
debt?
 Anumang pautang na ibigay ng  Tumpak!
international Monetary Fund
 Paano maipapakita (IMF/WORLD BANK) ay laging may
ang neokolonyalismo kaakibat na kondisyon.
sa dayuhang pautang
o foreign debt?  Maipapakita ito sa pamamagitan ng
pag – gigipit sa bansang pinauutang.
 Magaling!
Kung hindi nito susundin ang kanilang
 Ano ang lihim na
mga kondisyon ay hindi makauutang
pagkilos o covert ang umuutang na bansa.
operation?
 Sa pamamaraang ito, kung hindi
mapasunod nang mapayapa,
gumagawa ng paraan ang mga
 Paano naapektuhan neokolonyalista upang guluhin ang
ng mga isang pamahalaan o ibagsak ito ng
pamamaraang ito tuluyan.
ang kultura ng mga
 Bunga ng mga kultura at produktong  Kahanga –
bansang kontrolado
dala ng mga dayuhan, nababago ang hanga!
ng mga
makapangyarihang pinapahalagahan ng mga
bansa? mamamayan ng tinutulungang bansa
sa pananamit, babasahin at maging
C. Pangwakas na Gawain: sa pag – uugali.
 Tama!
7. Paglalahat:

 Ano – ano ang mga


pamamaraan ng
neokolonyalismo?  Pang – ekonomkiya
 Pangkultura
 Dayuhang tulong o Foreign Aid
 Sa anong paraan  Dayuhang Pautang o Foreign debt
 Lihim na pagkilos o Covert Operation
naipapakita ang
impluwensiyahan ng  Sa pamamagitan ng pagtangkilik at
makapangyarihang paggamit ng mga produkto ng mga
bansa sa mga dayuhan. Makikita rin ang kanilang
bansang kontrolado impluwensiya sa pananamit ng tao,
nila? sa wika, sa kultura at maging sa pag
– uugali nito.
8. Paglalapat:
 Bilang mga kabataan
sa makabagong
panahon, nakabuti ba  Tutugunan ng mga mag – aaral ang
o nakasama ang katanungan.
neokolonyalismo sa
iyo? Pangatuwiranan.

9. Pagpapahalaga:
 Bilang isang mag –
aaral, paano mo  Tutugunan ng mga mag – aaral ang
maipapakita ang katanungan.
pagpapahalaga sa
sarili mong kultura sa
kabila ng
impluwensiyang dulot
ng neokolonyalismo
sa iyong bansa?

IV. EBALWASYON:
Test I.
Panuto: Tukuyin kung anong pamamaraan ng neokolonyalismo ang tinutukoy sa bawat bilang.
1. Ito ay naisasagawa sa pamamagitan ng pakunwaring pagtulong sa pagpapaunlad ng
kalagayang pangkabuhayan ng isang bansa ngunit sa katotohanan ay nakatali na ang bansang
tinutulungan sa patakaran at motibo ng bansang tumutulong.
a. Foreign debt b. Pang – kultura c. Pang – ekonomiya
2. Sa pamamaraang ito, kung hindi mapasunod nang mapayapa, gumagawa ng paraan ang mga
neokolonyalista upang guluhin ang isang pamahalaan o ibagsak ito ng tuluyan.
a. Foreign Aid b. Pang ekonomiya c. Lihim na pagkilos
3. Sa pamamaraang ito, nababago ng neokolonyalismo ang pananaw ng tinutulungang bansa sa
mga bagay na likas na angkin nito.
a. Pang – kultura b. Pang – ekonomiya c. Foreign Aid
4. Ito ay maaaring pang – ekonomiya, pangkultura o military ngunit kung titingnang mabuti may
kapalit ang libreng pagtulong nito.
a. Foreign aid b. Pang – ekonomiya c. Foreign Debt
5. Anumang pautang na ibigay ng international Monetary Fund (IMF/WORLD BANK) ay laging
may kaakibat na kondisyon.
a. Foreign debt b.Foreign Aid c. Pang - kultura
V. TAKDANG ARALIN:

 Magbigay ng mabuti at masamang epekto ng neokolonyalismo sa bansang mananakop at sa


bansang kontrolado nito. (10 puntos)

VIVIAN P. ESPINOSA
Arpan Teacher

You might also like