Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Wakas

Repleksyong Papel

Sa loob ng buong semestre ay marami akong nakalap na impormasyon na makatutulong


upang mas lumawak pa ang aking pananaw sa mundong aking kinagagalawan. Ang kahalagan
ng GEFIL para sa akin ay natutulungan nitong mapabuti ang aking wika sa mga tuntunin ng
komunikasyon, pakikinig, pagsasalita, at pagsulat. Ang Filipino ay parte ng ating buhay simula
pa lamang at sa aking opinyon ay mabuti na ating nababalikan ang mga ganitong bagay upang
tayo ay paalalahanan. Idagdag pa rito, ang kahalagan nito ay buoin ang ating pagkatao upang
magamit natin ang ating kritikal na pag-iisip sa pag-gawa ng mga desisyon sa buhay hindi lang
para sa ating pang-sarili, ito rin ay para sa ating bayan.
Ang aking natutunan sa buong semester, una ang komunikasyon ay mula sa salitang
Latin na communis (komon) na ang kahulugan ay pagkakatulad at may dalawang uri ito, berbal
at di-berbal. May anim proseso rin ito katualad ng nagpadala ng menhase, mensahe, tsanel ng
mensahe, tagatanggap ng mensahe, tugon, at potensyal na sagabal. Pangalawa, ang mga uri ng
pakikinig, katulad ng sleeper, tiger, bewildered, frowner, relaxed, busy bee, at two-earned
listerner. Idagdag pa rito ang mga sabagal sa pakikinig. Pangatlo, ang pagsasalita ay pag-
babahagi ng mensahe sa pamamagitan ng berbal na paraan na ginagamitan ng wastong wika at
tunog. Pangapat, ang pagbasa ay may dalawang paraan katulad ng tahimik at malakas. Idagdag
pa rito, ang tatlong salik at iba’t-ibang uri ng pag-basa. Ang huli ay pag-sulat ay isang pisikal at
mental na aktibidad na ginagawa sa iba’t-ibang layunin katulad ng pagsulat ng liham na pormal
o di-pormal.
Aking gagamitin ang aking mga natutunan sa aking pang araw-araw na buhay upang
mapaunlad ang kaalaman at kasanayan sa mabisang pakikipagtalastasan, magagamit ang wika
bilang kasangkapan sa mabisang komunikasyon, at malilinang ang kasanayan sa pakikinig,
pagsasalita, pagbabasa at pagsusulat. Ang mga impormasyon na nakalap ko ay mabisa ko itong
magagamit hanggang sa aking pag tanda dahil kailanman ay hindi ito mananakaw ng kung sino
man. Ang mga asignaturang Filipino sa kolehiyo ay higit pa sa wika at panitikan, nakakahubog
ito ng ating pananaw dahil ang wika ang nag-uugnay sa ating lipunan.

You might also like