Professional Documents
Culture Documents
Esp Q4W4-D2
Esp Q4W4-D2
Esp Q4W4-D2
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
BALAGTAS ELEMENTARY SCHOOL
Ikaapat na Markahan
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 1
I. Layunin:
Nakapagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng kapwa.
Pagtahimik sa loob at labas ng pook-sambahan
EsP1PD-IVd-e – 2
III. Pamamaraan :
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Sagutin ang tanong.
Paano mo maipapakita ang paggalang sa pook dalanginan ng iba?
2. Pagganyak
Madalas ba kayong magsimba?
Ano ang mga gawain sa loob ng simbahan?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Basahin ang kwento.
Tuwing araw ng Linggo, sumisimba ang pamilya ni Lisa. Madaming mga
bata ang tahimik na nakikinig sa pari at may ilan din naman na nakikipaglaro at nag-
uusap. Alam ni Lisa na mali itong gawi sa loob st labas ng simbahan, kung kaya
nilapitan niya ang mga ito at pinagsabihan ng maayos.
2. Pagtalakay:
Tungkol saan ang binasang kwento?
Ano-ano ang ginagawa ng mga bata sa kwento?
Alin ang tama sa kanilang ginawa? Alin ang mali?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Bakit dapat na tumahimik sa loob at labas ng simbahan?
Tandaan:
Ang batang tahimik sa loob at labas ng simbahan ay kinalulugdan ng Diyos. Ito
rin ay tanda ng paggalang at paniniwala sa iyong kapwa.
2. Paglalapat
Sa tulong ng iyong guro, isadula ang mga mabuting gawi sa loob at labas ng
simbahan.
IV. Pagtataya:
Isulat ang TAMA kung nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng kapwa at MALI
naman kung hindi.
1. Tahimik na naglakad ang magkaibigang Joy at Celia ng makitang nagdarasal
ang kanilang kaklaseng Muslim.
2. Nakikipagkwentuhan si Arman sa kanyang kaibigan habang nagmimisa ang
pari.
3. Nakinig ng mabuti si Rea sa pangangaral ng Pastor kahit siya ay Katoliko.
4. Tahimik na pumasok sa loob ng simbahan ng Mosque si Lia kasama nag
kanyang kaibigan na Muslim.
5. Maingay na dumaan ang iyong mga kaklase sa harap ng simbahan.
V. Kasunduan:
Pag-aralan ang mga wastong gawain sa loob at labas ng simbahan.