Paco - Ang Aking Tapat Na Kaibigan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Paco: Ang aking tapat na kaibigan

Sa isang simple at maliit na tahanan sa Smyrna Tennessee, ay mayroong nakatirang matandang


mag-asawa na sina Mark at Pat. Sila ay mga nagretiro sa Hukbong Himpapawid ng America at
kasal na ng sampung taon ngunit wala silang anak dahil nagkaroon ng sakit si Pat noon at
kinailangan siyang operahan sa kanyang matris. Wala mang anak ang dalawa, masaya sila dahil
sa kanilang pagmamahalan at sa saya na ibinigay ng kanilang asong si Seal. Ngunit pumanaw na
ito pagkalipas ng dalawang taon, kaya silang dalawa nalang ang muling magkasama sa kanilang
tahanan.

Isang araw, nakipagkita sina Mark at Pat sa kanilang mga kaibigan sa para sa kanilang taun-
taong reunion. Sa kaganapang ito, sila ay nagkukwentuhan, kumakain, nagsisiyahan, at nakikinig
sa musika. Sa gitna ng kasiyahan, nilapitan ni Pat ang kanyang kaibigan na si Anita para
magtanong. “Anita, sa tingin mo ba ay panahon na para umampon kami ng bagong aso?” Dahil
walang anak ang mag-asawa, hindi naiiwasan nina Mark at Pat na mangulila sa pag-aalaga ng
anak. Pinag-iisipan na rin ito ng mag-asawa noong mga nakaraang linggo. Ngumiti lang si Anita
kay Pat at nag salita, “Maghintay ka lang Pat, at may aso na hahanap sayo.”

Makalipas ang dalawang linggo, dinala nina Mark at Pat ang kanilang trak sa isang palaruan ng
futbol sa kanilang siyudad para panoorin ang mga kakilala nilang mga bata na maglaro. Nang
papaalis na sila ay may nakita silang aso na kulay itim at kayumanggi sa kalsada. Mukhang hindi
nito binibigyang atensyon ang mga sasakyan, at mula sa paningin ni Pat ay mukhang tuta pa
lamang ito. Pagkakita nila ay agad itinigil ni Mark ang kanilang trak sa paradahan malapit sa aso.
Naglakad ang aso palapit sa kanila na humihingal. Tirik na tirik ang araw kaya nama’y uhaw na
uhaw ito, kaya binigyan ni Pat ang aso ng tubig. Habang umiinom ito ay pinagmamasdan ito ni
Pat ng maigi, at napagtanto niya mula sa ngipin nito na hindi na ito tuta, kundi isang malusog na
matandang aso. Nakuha agad ng aso ang loob ni Pat, at sakto dahil pinag-iisipan na rin nilang
magkaroon muli ng maaalagan sa kanilang tahanan. Kaya nama’y binuksan ni Pat ang pinto sa
kanilang trak para makausap ang asawa niyang si Mark.
“Ano sa tingin mo ang dapat nating..” Napatigil sa pagsalita si Pat nang tumalon na ang aso sa
upuan ng kanilang trak, na para bang handa na siyang magpaampon at parang ninanais niya
talagang sumama sa mag-asawa. Masayang masaya ang aso, ngumingiti ito sa mag-asawa .
Napangiti na lamang si Mark at Pat sa isa’t isa nang masagot agad ang tanong ni Pat, kahit hindi
pa natatapos ang kaniyang sasabihin. Sumakay na ulit sila sa kanilang trak at iniuwi ang aso.
Hindi sila makapaniwala at parang himala, may nakahanap nga naman na aso sa mag-asawa,
gaya ng sinabi ni Anita.

Nang makauwi sila, sinubukan parin nilang alamin kung saan galing ang aso, kung bakit nasa
kalsada lang ito, ngunit wala silang mahanap na mga sagot, kaya kinupkop na nila ito sa kanilang
tahanan upang maalagaan ito. Pinangalanan nila itong Paco. Sa mga sumunod na linggo ay
nagsimula na ang paglabas ng tunay na personalidad ni Paco at nag pakita na ito ng kanyang
galing. Dahil sa ang mag asawa ay mga retiro, isa sa pinakamalaking hilig nila ay ang mga
pisikal na mga gawain at mga libangan sa labas ng bahay. Kasama na dito ang pagka-kayak, ang
pagbabangka sa ilog, ang paglalangoy, at napakarami pa. Unang isinama ng mag asawa si Paco
sa isang kamping. Kung saan dala-dala nila ang kanilang sasakyan at iniwan nila itong naka-
parada malapit sa lawa. Nang makita ni Paco ang lawa, napagtanto agad nila Mark at Pat na ito
ang pinakaunang beses na makakita si Paco ng lawa, dahil takot pa siya at tinahol-taholan niya
pa ito. Ilang minuto ang nakalipas at nasanay nalang rin ito dito.

Mula nang naging parte si Paco sa buhay nina Mark at Pat, mas naging maliwanag ang buhay
nila at nabigyan pa sila ng kasiyahan sa buhay. Si Paco ay napakamalambing, nagpapasaya at
nag papalakas sa mag asawa. Sumasama siya sa kahit saan pumunta sina Mark at Pat. Unti-unti
siyang naging parte ng pag araw araw na gawain ng mag-asawa na binubuo ng pag-eehersisyo,
pagkain ng sabay, at paglilinis, at paggawa ng mga gawaing panlibangan kagaya ng pagbabasa
ng libro, pag-uusap, panonood ng Telebisyon pagpapasyal sa mga bundok at ilog, at
pakikipagsama sa mga kaibigan. Dahil dito ay mabilis agad na nakasanayan ni Paco ang bago
niyang kapaligiran at tahanan, at na tuwang tuwa ito sa kanyang mga bagong gawain .Tuwang
tuwa si Mark dahil nakakasabay si Paco sa kaniyang araw-araw na paglalakad sa umaga, at sa
tingin niya ay napakalakas nito. Si Pat naman ay natutuwa dahil habang nagbabasa siya ng libro
ay tahimik na binabantayan ni Paco ang kanyang mga amo habang nananatiling tahimik para
hindi sila maistorbo. Habang gumagawa si Pat ng isang sining ng kinulayang salamin ay
sinisigurado rin ni Paco na hindi siya papasok sa garahe kung nasaan ginagawa ni Pat ang
kanyang mga piyesa, upang hindi niya maistorbo si Pat at upang hindi rin siya masaktan.
Tinuturuan rin si Paco ni Mark ng mga kasanayan kagaya ng pag-salo, pagtatayo, pag-iikot, at
pag-uupo. Napakadali lamang turuan si Paco at napakamasunurin kaya naman hindi nahirapan
ang mag-asawa sa pag-alaga sa kanya.

Maliban sa kanyang bagong buhay kasama ang mag-asawa, madalas na nagsasamahan ang mga
kaibigan nina Pat at Mark at ito ay nag bukas ng nagkaroon rin si Paco ng napakaraming
kaibigan, mapa-tao o hayop man - maliban lang sa mga ardilya, dahil nang makita ni Paco ang
mga iyon ay hindi na natigil ang kanyang libangan na habul-habulin ito kahit mas mabilis naman
sila kaysa sa kanya. Kagaya nina Mark at Pat, nahulog rin ang loob ng bawat isang kaibigan nila
kay Paco dahil napakabait nito, kahit sa mga estranghero. Naging natural si Paco sa pakikisama
sa mga bago niyang mga kaibigan, at mas lalo na nang ipinakilala ng mga kaibigan ng mag-
asawa ang kani-kanilang mga alagang hayop. Nakipagkilala si Paco sa mga kaibigang hayop ng
mga kaibigan ni Mark at Pat, at mula noon ay lagi na silang naglalaro ng magkakasama.
Napakasaya ng buhay ni Paco at ng mag-asawa dahil isa na silang pamilya.

Nang dumating ang mga maraming okasyon ay mas lalong rumami ang mga kaibigan ni Paco.
Nakilala ni Paco ang pamilya ni Pat sa Araw ng Pasasalamat at nakilala naman niya ang pamilya
ni Mark pagkarating ng Pasko. Bukod sa mga matatandang nakilala niya, napakabait niya rin sa
mga bata sa paligid niya, kaya naman ay nilalapitan siya lagi ng mga bata para mahawakan at
malambing.

Habang tumagal ay mas lalo pang dumami ang kanyang mga masasayang araw kasama ang mag
asawa. Natuto na si Paco sumakay sa kayak ni Mark, kaya naman ay naisama na nila siya
habang nagkakayak. Sumasama si Paco sa pamumundok malapit sa mga ilog kung saan siya ay
lumalangoy. Naisama na rin siya sa taun-taong pag-kakamping ng mag-asawa, kung saan
magbabiyahe sila sa loob ng limang araw para makarating sa Florida, dahil masyadong malamig
sa Smyrna sa panahong Nobyembre hanggang Pebrero. Doon ay nanonood sila ng paglubog ng
araw dahil napakaganda pagmasdan ito mula dito, at kumakain sila kasama ang mga kaibigan
nila na dumadalo rin sa Florida dahil hindi masyadong malamig ang panahon. Bukod diyan ay
naisasama rin nila si Paco sa iilang mga konsiyerto, kung saan makikinig sila ng mga musika na
tinutugtog. Mahilig rin matulog si Paco habang nagpipiknik sina Mark at Pat sa labas ng
sasakyan nila, at pag natutulog ang mag-asawa, kahit saan sila pumunta, ay lagi nilang katabi si
Paco sa kama.

Kahit saan pumunta si Mark at Pat, hindi nawawalan ng mga kaibigan si Paco dahil hilig nitong
makipagkaibigan kahit kaninuman. Mula nang sumakay siya sa trak ng mag-asawa ay naging
parte na talaga siya ng pamilya. Mas namapamahal at naging malapit ang mag-asawa kay Paco
habang tumatagal.

Pero sabi nga nila, “ Ang buhay ay hindi parang kama ng mga rosas” Habang dumarami ang mga
masasayang araw ni Paco sa mga lumilipas na taon, mas lalong tumatanda siya, at mas nagiging
mahina rin siya. Nang makuha nina Mark at Pat si Paco ay matanda na siya, kaya naman hindi
nakakagulat na pahina na ng pahina si Paco sa pagdaan ng panahon. Nahirapan itong maglakad.
Kaya habang tumagal ay mas pinili na lamang nina Mark at Pat na manatili sa loob ng bahay at
ng kanilang kapitbahayan dahil hindi nila masyadong maisasama si Paco sa kanilang mga mas
nakakapagod na paglalakbay. Naglalakad parin naman sina Paco at Mark tuwing umaga, ngunit
dumating na sa punto na hindi na nakakasakay si Paco sa kayak.Hindi na siya naisasama sa
pamumundok, sa kamping sa Florida, at sa mga konsyerto. Naisasama na lamang si Paco sa mga
lokal na kaganapan ng mga kaibigan, ngunit madalas ay natutulog lamang siya o nagpapahinga,
habang yung mga nakababatang mga aso ay naglalaro ng magkakasama.

Ibinigay ni Mark at Pat ang lahat na nutrisyon at ehersisyo na kailangan ni Paco para lumakas,
ngunit hindi talaga maiiwasan ang pagtanda ng aso at pagkakaroon ng sakit nito. Isang araw ay
mukhang nahihirapan na si Paco, kaya idinala na agad ni Mark at Pat si Paco sa isang Doktor ng
mga hayop. Ipinaliwanag nito sa mag-asawa na si Paco ay nakakaramdam ngayon ng sobrang
sakit dahil sa sakit sa kidney. Habang umiiyak, nag-usap sina Mark at Pat. “Ano sa tingin mo ang
dapat nating gawin?” Hikbi ni Pat sa kaniyang asawa. Tumingin sila pareho sa mga mata ni
Paco, na parang nagsasabi na ‘magiging ok lang ang lahat.’ Nang magtinginan muli sina Mark at
Pat ay tumango na lamang sila sa isa’t isa, alam agad ang sagot kahit hindi pa nagsasabi sa isa’t
isa kung ano ang kanilang desisyon. Kinausap ni Mark ang doktor, at kinausap muna ng doktor
ang mag-asawa upang bigyan sila ng simpatiya.”Dumating na ang panahon na kailangan niya ng
mamahinga”, ani ng Doktor. Niyakap ni Mark ang kanyang asawa. Ito ang araw na napakasakit
para sa kanila. Ngunit wala silang magawa. Pagkatapos nito ay namaalam na ang mag-asawa kay
Paco, bago ito turukan. Bago makatulog ng tuluyan si Paco ay binigyan niya ng isang ngiti ang
kanyang mga amo kahit siya ay nanghihina na - ang ngiti na kasing tamis ng unang pagngiti niya
nang sumakay siya sa kanilang trak noong nakaraang walong taon.
______________________________________________________________________________

Isinarado ni Pat ang album ng mga larawan ni Paco, at napabuntong hininga siya, hindi dahil
malungkot siya, ngunit dahil masaya niyang inalala ang mga masasayang araw na kapiling nila si
Paco. Kulay bughaw ang pabalat ng album, at sa pinakataas ay may nakasulat na “Paco: Aking
tapat sa Kaibigan” Tumayo ang batang lalaki mula sa kanyang pagkakaupo sa damuhan at
binigyan siya ng mahigpit na yakap. Niyakap ito pabalik ni Pat at ngumiti siya.

“Hindi naman ako malungkot. Masaya ako para kay Paco. Napakarami naming natutuhan ng
Tiyo Mark mo mula sa kanya. Sapat na ang walong taong kasama siya kaysa sa hindi namin siya
nakilala,” ani ni Pat. Narinig ito ni Mark mula sa sasakyan at bumaba siya para tumulong sa
pagliligpit ng mga inilatag na gamit sa damuhan. Ang batang pamangkin nila ay tutulong rin,
hangang sa tinawag na ito ng kanyang ina, kaya naman ay kinailangan na nitong mamaalam sa
mag-asawa.

“Salamat po sa kwento niyo Tiya Pat. Sigurado po ako na masayang masaya na si Paco saan
man siya ngayon.” Sabi ng bata, sabay ngiti “At salamat rin po sa apple pie! Paalam po, Tiyo
Mark at Tiya Pat! Ingat po kayo pauwi sa Smyrna!” Namaalam na ang bata at tumakbo na
pabalik sa kanyang
ina habang kumakaway, at kinawayan rin siya ng mag-asawa bago sila magpatuloy ng pagligpit
para makauwi na sakanilang tahanan.

Kahit wala na si Paco sa mundo ngayon, siya ay mananatili parin sa puso ni Mark, Pat, at ng
kanilang mga kaibigan at mga kapamilya. Ang katangian na nakapagpa-espesyal kay Paco ay
ang kanyang pakikisama, ang pagpakita niya na nasisiyahan siya sa mga bagong gawain, at ang
kanyang pagiging masayahin. Mga aral sa buhay na ang pagtulong sa iba ay may kapalit na
biyaya na saya. Pagiging matapat na kaibigan at maging mabuti sa kapwa. Ang mga hayop na
katulad ni Paco ay nag hahangad din ng pagmamahal at pagaaruga. At higit sa lahat, ang
kasiyahan ay makukuha kahit sa napakasimpling pagbibigay ng saya at pagmamahal sa iba.

You might also like