Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Quarter 3

AP 9
Summative 2 (Module 2)
Pangalan: ____________________________________ Petsa:__/__/___ Nakuha:_________
Test I. Multiple Choice
Panuto: Basahin at Unawaing mabuti ang mga tanong o pahayag at hanapin sa kahon ang mga sagot.
Piliin ang titik ng tamang sagot.
_____1. Ayon kay Villegas at Abola (1992), may tatlong paraan sa pagsukat sa Gross National Income.?
Alin ang HINDI kabilang dito?
A.Income Approach B.Economic Approach C.Expenditure A pproach D.Value Added
Approach
_____2. May mga piling sektor panlipunan na kung minsan ay nakatatanggap ng tulong sa pamahalaan
ng walang kapalit. Ano ang tawag sa salaping binabalikat at binabayaran ng pamahalaan nang hindi
tumatanggap ng kapalit na produkto o serbisyo?
A. Buwis B.Depresasyon C.Puhunan D.Subsidiya
_____3. Alin sa sumusunod ang HINDI kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita?
A.Nakapagbibigay ng ideya tungkol sa laki ng subsidiya na ibibigay sa mga taga ibang bansa.
B.Masusubaybayan natin ang direksiyon na tinatahak ng ekonomiya at malalaman kung may
nagaganap na pag-unlad. Sukatin 11
C.Gabay ng mga nagpaplano sa ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran na magpatataas ng
economic performance ng bansa
D.Sa pamamagitan ng National Income Accounting, masusukat ang kalusugan ng ating
ekonomiya
_____4. Tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga
mamamayan ng isang bansa?
A.Gross National Income B.Gross Domestic Income
C.Net Factor Income D.Net National Income
_____5. May mga ibat-ibang paraan para masukat ang Gross National Income ng ating bansa. Alin sa
mga sumusunod ang HINDI kabilang sa paraan batay sa kita o Income Approach?
A.Di-tuwirang buwis B.Net Operating Surplus
C.Gastusing Panlabas D.Sahod ng mga manggagawa
_____6. Bakit hindi isinasama sa pagkuwenta ng Gross National Income ang mga produktong nabuo
mula sa impormal na sektor o underground economy? Dahil___________
A. kasali ito sa Gross Domestic Product
B. napakahalaga nito sa daloy ng ekonomiya
C. walang dokumentong mapagkukunan ng datos upang masukat
D. maliit lang ang kinikita dito hindi katulad ng pormal na sektor
_____7. Ano ang tawag sa pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma na bunga ng tuloy
tuloy na paggamit at paglipas ng panahon?
A.Depresasyon B.Statistical discrepancy C.National product D.Value added
tax
_____8. Ang Pilipinas ay unti-unti nang nakababangon mula sa mga pinsalang naranasan bunga ng mga
malalakas na bagyong dumaan sa bansa? Kailan makikita na positibo ang economic performance ng
bansa? Kapag______
A.lumaki ang utang panlabas ng bansa
B.malaking bilang ng lakas paggawa ay walang trabaho
C.may pag-angat sa Gross Domestic Product ng bansa
D.gumagamit ng makabagong teknolohiya sa mga pagawaan
_____9. Kung mabagal ang pagsulong ng ekonomiya ng bansa, dapat bang gumawa ng hakbang ang
pamahalaan upang mapataas ito?
A.Oo, dahil maging maunlad ang bansa kung mabagal ang pagsulong
B.Oo, dahil apektado lahat hindi lang ang aspetong pangkabuhayan
C.Hindi, dahil maraming suliranin na mabigyan ng lunas
D.Hindi, dahil wala namang epekto sa mga mamamayan

_____10. Kaarawan ni Ahyen bukas kaya bumili siya ng mga rekado para sa lulutuin niyang espesyal na
pancit guisado. Anong uri ng gastusin ang ipinapakita sa sitwasyon ni Edwin?
A.Gastusing personal B.Gastusin ng pamahalaan
C.Gastusing panlabas D.Gastusin ng namumuhunan
_____11. Si Dexteray isang masipag na Overseas Filipino Worker sa bansang Taiwan. Saan kaya dapat
ibilang ang kinikita ni Dexter?
A.Sa Gross National Income ng Taiwan B.Sa Gross National Income ng Pilipinas
C.Sa Gross National Income ng Pilipinas at Taiwan D.Hindi dapat ibilang sa dalawang bansa
_____12. Si Arjie ay mahilig magtanim ng kamote sa kanilang bakuran bilang pansarili nilang
pagkonsumo? Dapat bang isali sa pagkuwenta ng Gross National Income ang kamoteng itinanim ni
James?
A.Hindi, dahil hindi kasali sa mga gawaing pampamilihan
B.Hindi, dahil pag-aari nila ang mga kamote
C.Oo, dahil may nakukuha siyang pakinabang
D.Oo, dahil sayang ang kikitain ng bansa
_____13. Si Mica, ay isang Brazilian National na nagtatrabaho sa isang kompanya na nasa Pilipinas. Saan
dapat isinasama ang kanyang kinita?
A.Sa Gross Domestic Product ng Brazil dahil mamamayan siya nito.
B.Sa Gross Domestic Product ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita
C.Sa Gross National Income ng Pilipinas dahil dito nagmula ang kanyang kita
D.Parehong sa Gross Domestic Product ng Pilipinas at Brazil
_____14. Maraming pampamilihang mga gawain ang isinasama sa pagkuwenta ng Gross National
Income. Alin sa mga sumusunod ang ibinibilang sa pakuwenta ng Gross National Income?
A.Produktong pansarili lamang B.Kita ng mga naglalako sa kalsada
C.Kita ng malalaking kompanya D.Sinulid na ginamit sa paggawa ng damit
_____15. Si Christian ay nagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa mga bahaybahay dahil wala
siyang sariling shop o puwesto para magkumpuni. Ang kinikita ba ni Enrique ay kasali sa pagkuwenta ng
Gross National Income? A.Hindi, dahil ang kanyang kita ay kabilang sa underground economy
B.Hindi, dahil maliit lang ang kanyang kinikita
C.Oo, dahil kumikita siya sa kanyang ginagawa
D.Oo, dahil nakikinabang siya sa pondo ng bansa

Test II. Essay


Panuto: sagutin ang tanong sa anyong patalata, na naglalaman ng 3-5 pangungusap.

Bakit Mahalaga ang pagsukat ng Pambansang Kita?


Rubrics Puntos Skor

Nilalaman 5 pts
Grammar 3 pts

Kalinisan 2 Pts

Total 10 pts.

 Gamitin ang likod para sa sagot.

You might also like