PT in Filipino 4 Q4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION Vlll
SCHOOLS DIVISION OF BILIRAN
Cabucgayan District 1
Cabucgayan, Biliran

__________BALAQUID ELEMENTARY SCHOOL_____________

Ikaapat na Markahang Pagsusulit sa Filipino 4

Pangalan:_____________________Grado at Seksyon:________Petsa:________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng salita sa
pamamagitan ng pormal na depinisyon ng salitang may salungguhit. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

1. Malaki ang potensiyal ni Marjorie sa pagsulat.

A. kabutihan C. trabaho
B. kakayahan D. katamaran

2. Ang mga manggagawa ay masipag na ginagawa ang kanilang mga trabaho.

A. empleyado C. tambay
B. kaaway D. utusan

3. Kahit na nasa ikaapat na baitang pa lamang si Josiah ay mithiin na nitong maging isang
doktor upang matulungan ang kaniyang mga magulang na may sakit.

A. gawain C. tingnan
B. ayaw D. pangarap

4. Si Sarah Geronimo ay isa sa mga tanyag na mang-aawit sa bansa.

A. sikat C. hindi kilala


B. laos D. magaling

5. Balisa ang ina dahil hindi pa umuuwi ang kaniyang anak galingsa bahay ng kaibigan.

A. panatag C. hindi mapakali


B. kalmado D. Malungkot
Panuto: Basahin nang mabuti patalastas. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.Piliin ang
letra ng tamang sagot.

Panatilihing malusog ang pangangatawan at malakas ang ating resisitensya sa


pamamagitan ng MJ3 Plus. Maging bata at matanda puwedeng gumamit nito. Tatlong
sachet sa isang araw ang iyong kailangan upang mapanatili ang malakas, malusog at puno ng
enerhiya ang iyong katawan.Ito ay may limang sangkap na gulay na kailangan ng ating
katawan.

6.Anong produkto ang pinapakilala?

A. MX3 B. MJ3 Plus C. Nutroplex D. Ceelin Plus

7.Ano ang maibibigay nito sa ating katawan?

A. Nagpapatibay ng buto
B. Nagpapalinaw ng ating mga mata.
C. Nagpapatibay ng ating kalamnan
D. Nagpapanatili ng malakas,malusog at puno ng enerhiya na katawan

8.Ilang sachet sa isang araw ang ating kailangan?

A. 2. B. 5 C. 3 D. 4

9. Anong uri ng pangugusap ang ginamit sa patalastas?

“Maging bata at matanda puwedeng gumamit nito. Panatiling malusog ang


pangangatawan at malakas ang ating resisitensya sa pamamagitan ng MJ3 Plus.”Ito ay may
limang sangkap na gulay na kailangan ng ating katawan.

A. Padamdam C. Pakiusap
B. Pasalaysay D. Patanong

10. Anong bantas ang ginamit sa mga pangungusap sa patalastas?


A. Tuldok (.) C. Tandang pananong(?)
B. Tandang padamdam (!) D. Wala sa nabanggit
Panuto: Basahin at unawain ang teksto. Kunin at itala ang mahahalagang impormasyon sa
patlang.

Ang Bumubuo ng Araw ni Florence


Ni: Judith L. Osea
Si Florence ay nakagawiang tumulong sa kaniyang nanay tuwing umaga.
Winawalisan niya ang buong bahay at pinapalitan ng bagong punda ang unan, kumot, at sapin
sa kama. Mahilig din siyang maglagay ng makukulay na kurtina upang magbigay ng kaaya-
ayang paligid. Pagsapit nang tanghali, siya ay tumutulong sa paghahanda ng hapag-kainan at
pagkatapos siya rin ang naghuhugas ng mga pinggan. Tuwing hapon, dinidiligan niya ang
kanilang halaman at hilig din niyang magtanim ng iba’t ibang uri ng gulay sa kanilang
bakuran. Ang gabi naman ay inilalaan niya sa oras ng pag-aaral at kadalasang pag-aayos ng
gamit niya sa eskuwela. Kasunod nito ay manonood na siya ng balita sa telebisyon.

I. Ang Libangan ni Florence


A. Umaga.
a. winawalisan ang buong bahay
11.______________________________
B. Tanghali
12._________________________________
13. ________________________________
C. Hapon
a. dinidiligan ang halaman
14. ___________________________
D. Gabi
a. naglalaan ng oras sa pag-aaral
15. _______________________________
16. ______________________________
PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang isinasaad ng bawat pananaw o
opinyon. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

_______17. Ganyan din ang palagay ko, maaari ko bang sundin ito?
_______18. Huwag kang mag-alala, kunin mo na ang gusto mong bilhin.
_______19. Naku! Ikinalulungkot kong sabihin na hindi ako sang-ayon sa sinabi mo sa
pulong.
_______20. Iyan ay nararapat, pakibahagi mo nalang sa lahat.

Panuto : Basahin ng maigi ang mga pangungusap . Isulat ang uri ng pangungusap na
ginamit sa pagkilala ng ating mga produkto.

_________21. Magaganda ang mga native na bag at sapatos sa Marikina.


________ 22. Wow! Kay gandang tingnan ang hinabing kumot ng mga Ifugao.
_______23. Saan ba natin makikita ang Hagdan -hagdang palayan?
Panuto: Basahin at unawain ang di pormal na pagpupulong,sagutin ang mga tanong.
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

Pagpupulong ng MAPEH CLUB

Ang pamunuan ng Mapeh Club sa Paaralang Zeferino Arroyo ay naghahanda para


sa darating na School Intramurals. Tumawag agad ng pulong ang pangulo kaugnay nito.

Tagapangulo : Magandang hapon. Tumahimik na ang lahat at magsisimula na


tayo.
Liza : Nais ko na magkaroon tayo ng Zumba Dance. Upang makalikom
ng pondo.
Paula : Sang-ayon ako besh sa mungkahi mo. Sigurado marami ang sasali
rito.
Raul : Tagapangulo, tutol ako sa mungkahi ni Liza. Mas maganda kung
magkaroon na lamang tayo ng Basketball Tournament.
Tagapangulo : Mga besh magaganda ang inyong mga mungkahi. Puwede
namang gawin natin ito pareho. Sang-ayon ba kayo?
Lahat : Sang-ayon ang lahat.
Sonny : Maaasahan ninyo ang aking pakikiisa, puwedeng
tapusin na natin ang pulong, hinahanap na ako ni erpat.

24. Sino ang nagpatawag ng pagpupulong?

A. Paula C. tagapangulo
B. Sonny D. Raul

25. Ano ang pinag-usapan sa pagpupulong?


A. mga paaran upang maiwasan ang pagkalat ng COVID
B. paghahanda sa darating na School Intramurals
C. pagtatanim ng gulay sa bakuran
D. pagbabawal ng paggamit ng plastic

26. Kaninong mungkahi ang tinutulan ni Raul?

A. tagapangulo C. Liza
B. Paula D. Sonny

27. Ano-anong mga gawain ang iminungkahi upang makalikom ng pondo?


A. magkaroon ng Zumba at Folk Dance
B. magkakaroon ng Zumba at Basketball Tournament
C. magbebenta ng mga tanim na gulay
D. magtatayo ng eksibit sa paaralan
Panuto: Tulungan si Maricar sa pagbibigay ng panuto gamit ang pangunahin at pangalawang
direksiyon sa tulong ng isang mapa sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

28. Si Maricar ay bibili ng kape at bigas sa tindahan. Ibigay ang panuto.


________________________________________________________________ ______________
29. Siya naman ay magtutungo sa simbahan. Ibigay ang panuto.
________________________________________________________________
30. Gusto rin niyang dumaan sa aklatan upang humiram ng aklat. Ibigay ang panuto.
________________________________________________________________

Prepared by: Checked & Noted by:

ELVIRA G. ILOLA SIMFOROSO O.CORDETA


Teacher lll Master Teacher ll
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION Vlll
SCHOOLS DIVISION OF BILIRAN
Cabucgayan District 1
Cabucgayan, Biliran
__________BALAQUID ELEMENTARY SCHOOL_____________

TALAAN NG ISPESIPIKASYON
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4
Bilang ng Aytem

Pagpapahalaga

Kinalalagyan
Pag - unawa

Mga Kasanayan
Paglalapat
Kaalaman

Pagsusuri

Pagbuo
20% 10%
70% (Easy) (Average) (Difficult)

Naibibigay ang kahulugan ng salita sa


pamamagitan ng pormal na depinisyon 5 / 1-5
ng salita/gamit nito sa pangungusap.
F4PT-IV-c-1.10

Nasasagot ang mga tanong sa


napanood /nabasa na patalastas. 3 / 6-8
F4PD-IVf-89

Nagagmit sa pagpapakilala ng 9-10


5 /
produkto ang uri ng pangungusap 21-23

Nakakuha ng tala buhat sa binasang


teksto 6 / 11-16
F4EP-IVb-e-10

Nagagamit ang uri ng pangungusap sa 17-20


pagsasabi ng pananaw.
F4WG-Ivh-j-13.6
Nasasagot ang mga tanong sa nabasa o
napakinggang pagpupulong(pormal at
di pormal),katitkan(minutes)ng /
4 24-27
pagpupulong
F4PN-1Vd-g-3.3
F4PB-Ivg-j-100

Nakapagbibigay ng panuto na may


tatlo hanggang apat na hakbang gamit
ang pangunahin at pangalawang 3 28-30
direksyon.
F4PS-IVa-8.7 /
3 18 6 3
Kabuuan 30

Prepared by: Checked & Noted by:

ELVIRA G. ILOLA SIMFOROSO O.CORDETA


Teacher lll Master Teacher ll

You might also like