Week 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EdukasyongPantahanan at Pangkabuhayan(EPP) IV

(Asignatura)
IKALIMANG LINGGO(WEEK 5)
Pangalan:____________________________ Lebel:_______________________________
Seksyon:____________________________ Petsa:______________________________

Wastong Paraan ng Paglilinis ng Bahay at Bakuran


Pamagat

Panimulang Konsepto
(Brief Discussion of the lesson,if possible cite examples)

Upang makamit ang mga nabanggit na katangian ng malinis at maayos na bahay at


bakuran, sundin ang mga sumusunod naWastong Paaran sa paglilinis ng Bahay at
Bakuran.
1. Paglilinis ng kisame - Gumamit ng walis na may mahabang tangkay sapag-aalis
ng alikabok at agiw.

2. Magwalis –Gumamit ng walis tambo sa pagwawalis sa sahig saloob ng bahay.


Dahan-dahan itong gawin mula sa sulok patungo sa gitna at agad itong dakutin gamit
ang dustpan. Gumamit ng walis tingting sa pagwawalis sa bakuran. Simulan ito sa
sulok hanggang sa gitna, dakutin ito at itapon sa angkop na basurahan.

3. Pag-alis ng mga alikabok– Gumamit ng malinis na basahan o lumang damit s


apagpunas ng mga kasangkapan maalikabok. Simulan ito sa mataas na bahagi
hanggang sa pinakamababa. Punasan din ang mga pandekorasyon.

4. Maglampaso ng sahig gamit ang mop, tubig, timba, at sabon. Lampasuhin ang
sahig matapos itong walisan upang masigurado na maalis ang mga nakadikit na
dumi. Lampasuhin din ang iba’t ibang bahagi maging ang bahagi ng sahig sa ilalim ng
malaking kasangkapan. Kung marumi na ang mop head, banlawan ito sa malinis na
tubig at iyugyog upang mas mabilis maalis ang dumi. Pigain ito at muling lagyan ng
sabon bago muling ilampaso.
5. Pagbubunot-Matapos i-mop ang sahig, lagyan ito ng floorwax. Siguraduhing sapat
lamang ang ilalagay na floorwax at pantay ang pagkakalagay nito. Matapos ito, maari
nang bunutin ang sahig gamit ang bunot.
 6. Paglilinis ng kusina – Siguraduhing palaging tuyo ang mga kasangkapang ginagamit sa
kusina. Gumamit ng sabon, bleach, at brush sa paglilinis ng lababo. Patuyuin ito.
7. Paglilinis ng banyo – Kuskusing magi ang inidoro, tiles, at sahig sa banyo gamit
ang iskoba at mga produktong panlinis na angkop dito. Banlawan ito ng maigigamit
ang malinis na sabon.
8.Ang mga bote at lata sa bakuran– Itaob ang mga bote at lata upang hindi ito
maimbakan ng tubig na maaaring pagmulan ng mga kiti-kiti. Ito ay pinagmumulan
 ng mga lamok na maaaring makaapekto sa ating kalusugan.
        
Kasanayang Pagkatuto at koda
Learning Competency with Code
Nagagamit ang mga wastong paraan sa paglilinis ng bahay at bakuran.(EPP4HE-Of-9)
Panuto
Directions/Instruction
Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa ibaba. Piliin at bilogan ang titik ng
tamangsagot.

1. Ano ang ginagamit sa paglilinis ng kisame?


      A. Basahangbasa      B. Walis na tingting  C.Floorwax  D. Pandakot
2. Paano aalisin ang alikabok sa pigurin?
     A. Lagyan ng floorwax                       C. Punasan ng basahang 
     B. Walisin ang pigurin                      D. Lampasuhan ang pigurin
3. Ano ang ginagamit sa pagpakintab ng sahig?
        A. Bunot            B. Walis           C. Basahan           D. Pang-agiw
4. Aling bahagi ng bahay ang karaniwang lagging nililinis?
       A. Sahig              B. Dingding     C. Kisame             D. Bintana
5. Alin ang mainam na pampakintab ng sahig?
      A. Tubig               B. Asin            C. Floorwax           D.Barnis
6. Ano ang pinaka mainam na itanim sa palibot ng bahay upang masangga ang 
    Maruming hangin?
     A. Mgagulay                                C. Mgahalamang gamut      
     B.Mgapunongkahoy                   D. Namumulaklaknahalaman
7. Kailan dapat linisin ang bakuran?
     A. Araw-araw                               C. Minsansaisang lingo
     B. Paminsan-minsan                   D. Minsansaisangbuwan 
8. Paano Lilinisin ang sahig upang hindi madulas ang dumaraan?
     A. Walisan, punsan ng basangbasahan, pakintabin
     B. Walisan at lagyan ng floorwax
     C. Punasan ng basangbasahan at walisan 
     D. Pakintabin at walisan 
 9. Ano ang pinakamabuting gawin sa basurang di-nabubulok?
     A. Sunugin                                 C. Ibaonsalupa
     B. Itaponsakanal                      D. Ipagbilisajunkshop
10. Saan dapat ilalagay ang mgabasurang nabubulok?
     A. Sa daan                                  C. Sa Compost Pit    
     B. Sa kanal                                 D. Sa sapa

Gabay na Tanong (kung kailangan)


Guide Question(if necessary)
Rubriks sa Pagpupuntos(kung kailangan)
Rubrics for Scoring(if necessary)
Pangwakas
Reflection
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

MgaSanggunian
References for Learners
EdukasyongPantahanan at PangkabuhayanKagamitan ng mag-aaral Pages 280- 290
EPP/TLE Grade 4 K TO 12 Curriculum 2018 Edition Pages 504-507
Most Essential Learning Competencies (MELC’s) pp 542 of 581

Susi ng Pagwawasto
Key Answer

1.B. 4. A. 7. A. 10.C.
2.C. 5. C. 8. C.
3.A. 6. B. 9. D.

Prepared by
BONNA C. SAPALO
Master Teacher I

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times. Please include this in All Learning Activity Sheets.

You might also like