CHED Memorandum Order No

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ASPREC, CRISTINE JOYCE F.

June 19, 2023


PAUNANG AKTIBIDAD SA FILIPINO 102

CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013 CMO 20 2013

Isa sa mahalagang pagkakakilanlan ng tao ay ang kanyang wika. Ito rin ang nagsisilbing simbolo
ng isang bansa sa pag-unlad at pagkakaisa, gaya ng bansang Pilipinas na may wikang Filipino. Ang
wikang Filipino ay ang wikang Pambansa ng mga Pilipino, kaya dapat natin itong pakamahalin at gamitin
bilang mamamayan sa ating bansa. Ito ang daan upang magkaintindihan o magkaunawaan ang mga
mamamayang Pilipino.

Subalit, noong Hunyo 28, 2013, naging kontrobersyal ang inilabas ng Commision of Higher
Education o ang CHED na pinamagatang “General Education Curriculum: Holistic Understandings,
Intellectual and Civic Competencies". Ayon sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013 (CMO
20 2013), ang asignaturang Filipino ay hindi na ituturo pagtungtong sa kolehiyo kasabay ng pagpapatupad
ng K-12 na programa. Bagama't sa pag alis nila ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, idadagdag nila ito
sa programa ng K-12 na kabilang sa General Education Courses kasama ng iba pang minor subjects.
Inilihad din na ang Kolehiyo ang bahala kung Ingles o Filipino ang wika na kanilang gagamitin bilang
midyum ng komunikasyon sa kanilang pagtuturo ng mga General Education Curriculum o GEC courses
sa mga mag-aaral. Ang mga asignaturang kabilang sa bagong General Education Curriculum (GEC) na
bumubuo sa 24 core courses ay Philippine History, Art Appreciation, The Contemporary World, Science,
Technology, and Society, Mathematics in the Modern World, at ethics. Tulad ng asignaturang Purposive
Communication ay inaprobahan ito ng CHED na maaaring ituro ito sa mga estudyante gamit ang wikang
Filipino.

Ang nasabing memorandum ay naglalayon na alisin ang ilang asignatura na ituturo sa kolehiyo sa
taong 2016 upang mapaigting ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga major o teknikal na asignatura.
Kabilang sa mga asignaturang tatanggalin ay ang asignaturang Filipino. Bilang isang estudyante na may
kursong Accountacy, tunay ngang mahirap pagsabayin ang mga requirements sa iba’t ibang asignatura.
Kaya naman ang mga ibang mag aaral ay mas prinaprayoridad nila ang ang mga major subjects at
isinasantabi na lang ang mga asignaturang walang kinalaman sa kanilang kurso.

Sinasabi rin sa panukalang ito, kasabay ng patuloy na pag unlad ng mundo dapat din na paunlarin
ang sistema sa ating bansa, lalo na sa larangan ng edukasyon. Hindi lingid sa ating kaalaman na
umuusbong na ang globalisasyon na nagpapahiwatig ng pagbabago. Kaya isa pang layunin ng CHED ay
maging Globally Competitive ang mga mag-aaral. Dahil dito matutulungan ang mga Pilipino
makipagsabayan sa agos ng ating makabagong henerasyon.
ASPREC, CRISTINE JOYCE F. June 19, 2023
PAUNANG AKTIBIDAD SA FILIPINO 102

Ngunit, maraming tao ang nadismaya sa Memorandum na ito lalong lalo na ang mga guro sa
Filipino, sa mga mag-aaral at sa mga linggwista. Gayunpaman, dahil sa ipinatupad na CMO 20 2013,
nabuo ang mga samahan laban sa memorandum na ito. Ito ang samahang "Tanggol Wika at PSLLF
(Pambansang Samahan sa Linggwista at Literaturang Filipino). Ang dalawang organisasyon na ito ay
sumusuporta sa pagkakaroon ng 9 units ang asignaturang Filipino. Ayon sa pangangatwiran ng Tanggol
wika ay kung tatanggalin daw ang asignaturang Filipino, dapat din tanggalin ang asignaturang Ingles,
Math at History na itinuturo din daw sa Senior Highschool. May mga ulat din na mahigit 10,000 na guro
ang maaapektuhan sa nasabing memorandum.

Bilang isang mamamayang Pilipino, ang ating wika ang napakahalagang bagay na ating dapat
matutuhan at patuloy pang pagibayuhin. Sa araw araw kong pagkikisalamuha sa kapwa ko Pilipino, ay
nahihirapan parin ako sa mga ibang termino sa wikang Filipino na nagdudulot ng hindi
pagkakaintindihan. Marami paring Pilipino na hindi alam ang pinagkaiba ng "ng at nang", "rito at dito" at
marami pang iba. Ang pagtanggal sa asignaturang Filipino sa Kolehiyo ay maaring kontra sa ating
pagkamakabayan at dapat natin itong ipagmalaki. Ngunit bago natin maipagmalaki ito, dapat muna natin
itong matutuhan ng husto at maituro ito sa ano mang antas ng edukasyon.

Payag ka ba na mawalan ng interes ang mga kabataan sa sarili nilang wika? Ang mga kabataan
ngayon ay nahuhumaling sa iba’t ibang kulturang banyaga tulad ng Korean drama. At isa pa, ang unang
linggwahe ng ilang mga bata ngayong kasalukayan ay Ingles na impluwensiya ng kanilang pinapanood sa
Youtube at iba pang plataporma online na pwede silang manood. Kaya pagtungtong nila sa elementarya ay
mahihirapan silang matutuhan ang asignaturang ito. Dahil dito, maaring makaapekto sa kanilang
kinabukasan o sa pagtungtong nila sa Highschool. Kaya hindi ako sumasangayon sa pag alis ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Isa pa, ang kolehiyo ang pinakamataas na antas ng edukasyon dito sa Pilipinas, kaya dito’y mas
mauunawaan ng mga mag aaral ang nasabing asignatura. Kung ang wikang Ingles nga na wika ng mga
dayuhan ay pinag aaralan ng mga mag aaral sa kolehiyo, bakit di natin kayang pag aralan ang ating
sariling wika? Unti-unti na ring namamatay ang ating wika’t pagkakakilanlan dahil sa pag-alis pa lamang
sa asignaturang tumatalakay sa wika natin na ito’y magsasanhi ng dagok sa lipunan. Kahit pa pwedeng
magturo ang mga guro gamit ang midyum na Filipino sa mga Ingles na asignatura, ay iba parin ang
hiwalay na yunit para sa asignaturang Filipino.

Ang asignaturang Filipino ay isang daan sa paghulma at pagpapatibay ng kaalaman ng mga mag
aaral. Ito'y hindi lamang sumisimbolo sa ating wika, bagkus sumisimbolo din ito ng pagkakaisa,
pagrespeto, pagpapaibayo ng ating wikang kinagisnan. Kung ating tatanggalin ang asignaturang Filipino
ASPREC, CRISTINE JOYCE F. June 19, 2023
PAUNANG AKTIBIDAD SA FILIPINO 102

ay parang sinasabi narin natin na kakalimutan natin ang mga pinagdaanan ng ating mga bayani na
ipagtanggol ang kalayaan na tinatamasa natin sa kasalukuyan, na ito ay ang ating wikang ating
kinasanayan na hinulma ng nagdaang taon. Hindi natin kailangang tanggalin ang asignaturang Filipino
upang makisabay sa globalisasyon at estado ng edukasyon sa ating bansa. Ang ating kailangang gawin ay
pagtibayin ito upang manatili at lumaganap pa ito sa sususnod na henerasyon.

You might also like