Panginoong Dyos Amang makapangyarihan sa lahat, pinupuri ka namin at
pinasasalamatan sa makabuluhang araw na ito na tinipon mo ang bawat isa sa
amin kasama ang mga guro, mga kawani, mga magulang, mga tagpag taguyod ng aming paaralan , lalo’t higit ang mga magsisipagtapos sa araw na ito. Hinihiling po namin na inyong basbasan ang pagdiriwang naming sa hapong ito. Ipadala po Ninyo ang Banal na Espiritu upang gumabay sa bawat isa . Kami po ay nagpapasalamat sa isang taong nakalipas na puno ng kaalaman at mga pagpapala. Salamat po sa pagbibigay sa amin ng pagkakataon upang maparangalan ang mga natatanging mag- aaral na nagpakita ng kanilang natatanging kahusayan, katalinuhan at pagsisikap sa kabila ng mga pagsubok na kanilang naranasan sa personal nilang buhay at sa kanilang pag- aaral. Panginoon, ipinagpapasalamat din po namin sa iyo ang aming mga buhay, lalo’t higit ang kanilang guro na si Gng. Martinez sa kanyang kakayahan, mga talento at karunungan na kanyang ibinahagi at naging susi upang mapagtagumpayan ng mga kabataang ito ang hamon ng pag-aaral sa ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM (ALS) Patuloy Ninyo silang gabayan sa pagtahak sa mga susunod pang yugto ng kanilang buhay. Kayo po nawa ang manguna sa kanilang mga naiisin at mga pangarap. Ang lahat ng ito ay hinihiling namin sa makapangyarihang pangalan ng iyong bugtong na anak na si Jesus , amen…