Nagbibigay gabay sa mga taong sakop nito. Dugo’t pawis ang kailangan dito, Upang mapaglingkuran ang mga dukha’t pribado.
Pamumuno, ang isang bagay na ipinagkait sa mga kababaihan,
Isang bagay na naging rason ng hindi pagkakakilanlan. Naging dahilan ng paglugmok nila’t pagkalapastangan, Isang bagay na pinaranas sa kanila ng sariling bayan.
Malaking epekto ang pamumuno noong unang panahon
Na naging sanhi ng hindi pag-ahon. Sapagka’t kalalakihan lang ang binigyan ng pagkakataon, Na maipamalas ang lakas upang sarili’y mai-ahon.
Kababaihan! Ipagpatuloy ang kalakasan at katibayan,
Sapagkat may mga taong gusto kayong tularan. Magsilbing inspirasyon sa mga kabataan, Upang maiangat ang bandera ng mga kababaihan.
Sila ang magsisilbing boses ng karamihan
Sa pag sigaw mo ng “tulong”, sila ay ‘yong maaasahan. Kababaihan ang magsisilbing mata sa kawalan, Ang magiging ilaw tungo sa katotohanan.
Kababaihan, kailangan ka ng Bayan!
Ipakita, taas noo ang inyong kakayahan, Upang tingalain at handugan Ng taos pusong paghanga at paggalang. Ngayon at magpakailan man Kababaihan huwag husgahan Dahil hindi lamang ilaw ng tahanan Ang kanilang kayang gampanan.
Mga kababaihan, ipagsigawan
Buong mundo ay mapakinggan Kayo ay mapagkatiwalaan Mga adhikain ay magampanan.
MGA KABABAIHAN, TINIG AY IPAGSIGAWAN DAHIL KAILANGAN KAYO NG BAYAN!