Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

ISAGIP ANG PAGSASAKA

Layunin ng batas na ito na matulungan ang mga


magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay nang lupa
sa mga walang sariling lupa, pagbibigay ng
makabagong teknolohiya na makakatulong sa
pagsasaka, at iba pa. Maaari rin tayong magtayo
nang patubig para hindi na sila aasa sa ulan para
madiligan ang mga pananim. Sa pamamagitan ng
batas na ito lalong tataas ang kita ng mga
magsasaka, tataas din ang mga supply ng ating mga
palay,mais,niyog, at iba pa. Dahil dito maaaring
bumaba ang presyo ng mga bilihin.

Paunti nang paunti ang mga magsasaka sa ating


bansa dahil may edad na rin ang iba o dahil na rin sa
kakulangan nang pondo. Isa na ring dahilan ang
pagtaas nang presyo ng mga bilihin hindi na nila kaya
makabili nang mga kagamitan sa pagtatanim
sapagkat hindi rin naman mataas ang kanilang
kinikita. Kaya kadalasan ay umaasa lang tayo sa mga
import na mula sa ibang bansa.

Maganda ang maidudulot ng batas na ito sa ating


bansa tiyak na sa hinaharap ay kaya na nating
tugunan ang pangangailangan nang ating bansa na
hindi umaasa sa mga imports.

You might also like