Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

CLASS PROPHECY

JS PROM 2023
February 24, 2023
Caramoran Municipal Covered Court

Distinguished guests, to our teachers, friends and loved one’s good evening.

Kalmahin po muna natin ang ating mga sarili bago ko po kayo dalhin sa ika dalawamput tatlo ng Pebrero taong
2038.

“That’s all for today class, see you all tomorrow!”

Matapos ang klase ko sa araw na iyon ay dumiretso na ako sa aking clinic para puntahan ang aking mga naka
iskedyul na pasyente. Sa table ng aking office nasulyapan ko ang aking nameplate na palaging nagpapa-alala sa akin kung
gaano na kalayo ang narating ko. DEXIE ALEAH S. SABENIANO, Licensed OB-GYN Sonologist also teaching as a
professor sa Unibersidad ng Santo Tomas. Nang matapos ang mga consultations, ay saktong tumunog ang cellphone ko,
galing iyon sa Wisdom, ang gc namin na matagal ng tahimik. Sabay-sabay na ang mention sa akin nina Lornghie, Erika at
Zyra tungkol sa pagpaplano at pagtatanungan kung kailan na ang flight namin pabalik ng Caramoran City para sa Grand
Alumni Homecoming. Napangiti ako ng ma-realize ko na uuwi nga pala ulit ako ng Caramoran, na ngayon ay isa ng
siyudad.
Paroot parito ang mga tao sa NAIA. Marami ang mga tao pero ika nga “in the midst of the crowds” nakita ko nga
agad ang mga kaibagan kong pare-pareho na ring propesyunal. Topnotcher sa licensure exam si Erika Mae Domingo at
isa na siyang lisensiyadong Pharmacist, si Zyra Yuga naman kahit stressed ay nag-eenjoy sa trabaho niya bilang Medtech,
si Lornghie Anne Idanan naman wait teka nasan si Lornghie, nako late na naman. Si Marisol Alpon at Amor De Quiroz
naman ay sabay na dumating. Si Marisol ay isa ng registered nurse sa St. Lukes samantalang si Amor ay isa ng Certified
Public Accountant. Nakita ko sa gilid ng mata ko si Police Lieutenant Lester Jan Sabalas na nagpapa alam sa kaniyang
fiancee, At sa wakas dumating na si Lornghie Ann na isang Licensed Physical Therapist. Ayon sa kaniya ay matraffic daw
kaya siya na late.
Sa loob ng eroplano , binati kami nina Julie Ann De Leon, Pauline Jane Mamauag, Chynna Nakpil at Natasha Mae
De Quiroz na ilang taon na rin palang mga flight attendants. Bago mag take off ang eroplano ay pamilyar ang boses ng
nag-a-announce, yon pala ay sina First Class Officer Mikefer Icamen at Mark Francisco, ang mga piloto namin. Total
naman ay malayo pa ang biyahe ay binuksan ko ang aking ipad. Nagulat ako ng bumungad sa aking Newsfeed ang balita,
isang pelikula na naman ni Jay Patrick Tilo ang nominated sa Asian Academy Creative Awards sa Singapore. Chinika ko ito
sa mga kasama ko at napag-usapan namin kung gaano kagaling na director si Jay Patrick. Naalala namin na isinapelikula
niya ang mga libro nina Marvic Anthony D. Isuga at Ronel Victor Saldua parehong mararangal na author ng aming batch.
Nalaman ko din na ang musical score sa mga pelikula ni Jay ay mula kina Hendrick Vince Asanza at Jake Henly Itallo
kapwa sikat na musikero at guro ng Music sa Unibersidad ng Pilipinas. Na feature rin sa sa pelikula sina Debbie Yuga,
Negine De Leon, Angela Abainza at Mae Ann Martirez na pare-parehong sought after actress ng bansa. Ang mga
idinesinyong damit nina Daniela Sapanta at Quisa Tumanlao, mga sikat na fashion designer at celebrity make up artist na
si Gwin Jewel Ann Yuga at Angelo Abainza ay naipakita rin sa pelikula. Naka collab na rin ni Jay sa pelikula sina Mark
Lourence Baldrez, Edward Russell De Quiroz, Ronel Salazar, at Gerard Seña na pare-parehong animator
Sa pag swipe ko ng newsfeed ay nabasa ko na ikakasal na ang respetado at tinitingalang politiko na si Honorable
Emjay Dela Rosa, Alkalde ng Caramoran. Kilala siyang boses ng masa at serbidor ng bayan. Ikakasal na si Emjay kay Rica
Aguirre, Head Teacher ngayon ng CRDHS ang aking alma mater. Hay tadhana nga naman! Naalala ko rin mula sa
parehong paaralan din pala nagtuturo bilang mga Master Teachers sina Louise Samosa, Seirine May Lim, Lea Mae
Mercado, Mary Lyn De Quiroz, Norilyn Balidoy, Alona Pongan, Nica Mae Auguis at Hanna Fernandez. Mga masterando
mula sa iba’t ibang asignatura. Nang mabagot ako sa facebook ay pumunta ako sa youtube at agad bumungad sa akin ang
trending baking videos nina Donita Rose Santillan, Jenny Mae Yusores, magkapatid na Sheryl Ann at Sheryl Mae Ereso ,
sila ang mga sikat na baker at chef ng bansa. Umaabot sa 2 million views ang kanilang mga recipe sa loob lamang ng isang
araw. Sa kabilang dako ng youtube ay makikita mo rin ang mga videos nina Sofia Mae Rubio, Nicah Jean Yusores,
Loriemar Yutan, Michaela Faye Andaya at Francesca May Navia, isa ng sikat na girl group na gumagawa ng pangalan sa
Korea. May Asian tour din ang grupo at naka iskedyul silang pumunta sa Pilipinas sa susunod na buwan. Ngumiti ako ng
makita ang mga pamilyar na mukha at pangalan ng aking kaklase.Malayo na talaga ang narating namin.
Nang magland ang eroplano, sinundo kami nina Maica Shaila Rubio at Althea Delos Reyes, ang aming mga
kaibigang architect. Kasama nila sina Maria Lady Ciel Nieras at Jean Hazel Perdigon, kapwa mga registered nurse at
kauuwi lang mula sa Canada. Kahit pare-pareho silang busy ay nagawa nila kaming sunduin at ihatid door-to-door sa mga
bahay namin kung saan naghihintay ang aming mga magulang at kapatid.
Ang buong hapon ko ay ginugol ko sa paglilibot ng Caramoran kung saan makikita ang naglalakihang imprastaktura
at gusali na binuo ng mga engineers at architects namin tulad nina Rusheed Edrielle Colambo, Oliver De Quiroz, Mark
Angelo Capistrano, Sandy Pamplona, Sherwin Sarmiento, Christian Paul Rubio, John Albert Vegim, Joey Villamor, Darel
Yuga, Jay Reyster Trilles, Arjay Atondo at Mark Jonar Zape. Kahit saan ka lumingon sa Caramoran at sa iba pang siyudad
ng Catanduanes ay makikita mo ang mga negosyo nina Ma. Loren Pabia, Melissa I. De Leon, Ma. Shernel Maglalang,
Jheramine Pongan, Jhel Ann Zuniga, Jerand Trinidad at JR Frias. Napansin ko na ang iilan sa mga negosyo na ito ay mula
pa sa Start-Up business nila noong Senior High sa klase namin sa Entrepreneurship. Sa may munisipyo ng Caramoran
makikita ang isang modernong bus terminal. Ang Big M Bus Line ay pagmamay-ari ng magkakasosoyo na sina John Rey
Del Barrio, Nel Mark Torreda, Jomari Guererro, Roy Aguirre, Jerald Aldave, Kean Olarve, Aldrian Dela Rosa at Danilo
Arandia. Napangiti naman ako ng mabaling ang tingin ko sa malaking billboard. Ang mga mukha ng ating beauty queen na
sina Alexa De Quiroz, Bernadette Castillo, Sanecel Sales, Jenny Ann Clores, Grace Bola ños at Eunice Idusora ang
makikita. Nalalapit na pala ang kanilang mga national at international competition. Dahil sa aking pamamasyal ay bigla
akong nagutom kaya naman tumigil ako sa The Brew Box, isang kilalang cake and coffee shop na pagmamay-ari nina
Jonalyn Sapanta, Mary Joy Pongan, Nadine Sales, Hazel Mae Vergara at Maricris Bello. Nasilayan ko rin malapit sa coffee
shop ang El Hambra condominium building na pagmamay-ari nina Rudgin Palmes, Mark Francis Pamplona, Russell
Rodriguez, John Chavez, Justin at Jomar Villareal.

Kinagabihan ng araw na iyon makatapos ang labinlimang taon ay muling magkakasama-sama ang aming
batch. Pinangunahan ni Rev. Father Julius Dominguez, isang pari na ngayon ang pagsisimula ng aming selebrasyon
kasama niya si Sister Evangeline Castor, Sister Diana Arandia at Sister Khyll Ann Corcelles, mga madre ng aming Parokya.
Lumawak ang ngiti ko nang makita ang mga kapwa ko kaklase na nasa medical field. Nairaos din namin against all odds
ang aming napiling propesyon. Doktor na sina Danna Mae Bongalos, Bridgette De Leon, Mary Joy Sales, Jamiliah
Noraysah Tasarra at Samantha Sales. Tulad ni Marisol ay nurse na rin sina Diana Rica De Quiroz, Jaybee
Icamen,Andrianne Marie Versoza at Joan Sierte. Si Erika kakwentuhan sina Marilyn Atancio,Ma. Lyka De Leon, Cyra Jane
Bayobo, Lilibeth Idanan at Danica Buenaobra na pare-pareho ng pharmacist tulad niya. Sina Cheska Nicole Asanza, Mia
Andrea Sabeniano, Dianne Lopez, Glaiza Tumanlao, Hannah Rianne Sarmiento at John Llyod Villareal naman ay nag-
uusap tungkol sa mga dental clinics nila at mga conventions ng kapwa nila dentist na dinaluhan nilang anim. Kausap
naman ni Lornghie sina Aaron Salazar, Francis Baldrez, Arnel Refugio, Jay Balmores, Selwyn Benz Israel at Franz Edrielle
T. Castilla na pare-parehong Seafarers sa isang kilalang Cruise Ship. Pinag-uusapan nila kung anong proyekto ang maaari
nilang maiambag at maibigay sa dating paaralan. Nakipag beso-beso naman si Zyra kay Caren Sapanta na isa ng mahusay
na Psychologist at si Avril Jhazmine Sapico na isa ng mahusay na historian. Si Amor at ayon pinangunahan ang usapang
CPA kasama sina Rian Salazar, John Laurence Pongan, Kimberly Nicole Eustaquio, Ryan Delos Reyes, Joana Rafael,
Mary Ann Calapuan, Justin Paul Perdigon, Jessica Dela Cruz, Mac Janden Trilles at Daniel Torreda. Nakikinig din sa
kanilang usapang mga attorney na sina John Frias, John Kenneth De Leon, Benedict Salazar, John Rey Sualivio, Shyrel
Cadiz, Shiela Mae Rodriguez, Jona Mae Zuniga, John Greg Yuga at Anamarie De Luna. Habang lumalalim ang gabi, kung
saan-saan na rin napapadako ang usapan namin. Nag throwback kami sa mga alaala namin noong high school life sa
CRDHS. Nang sinundo na ang iba ng kanilang mga asawa at anak, naisipan naming bisitahin ang isa pa naming kaibigan.
Sa tahimik na gabi ay pumunta kaming magbabarkada sa Bayside, isang sikat na Resort na pagmamay-ari ni Jeric S.
Pagaling. Naglabas na si Jeric ng mga inumin at nagsimula na ang kuwentuhan, rant, sumbungan, iyakan at tawanan
habang nirerecall ang mga panahon at memories. Kumbaga ay catching up of all the things that have come to us.
In 15 years time, kahit lampas trenta na tayo tandaan natin na naging mga high school students tayo na may mga
pangarap. Nawa’y gawin natin itong compass upang makamit ang mga hinahangad nating mithiin at pangarap.

Graduating batch of 2023, ikinararangal ko po kayong lahat. We have come this far yet we have still a long way to
go. At dahil diyan ipinagdarasal ko na ang lahat ng ating pangarap ay matupad.
Lastly, sana po ang huwag tayong makalimot saan man tayo makarating. Palaging balikan kung paano at saan tayo
nagsimula. Magandang gabi po muli sa lahat.

You might also like