Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

INDIVIDUAL ACADEMIC SEMESTRAL REPORT

Noong una ay akala ko magiging mahirap


ang asignaturang ito para sa akin, dahil hindi
naman ako mahilig sa pagtatanim. Pero sa
paglipas ng panahon ay nagbago ang pananaw na
ito, dahil masaya naman pala at marami ka ring
matutuhan at malalaman sa pag-aaral ng
asignaturang ito. Magiging interesado ka sa mga
bagay na may kinalaman sa pagtatanim at mga
halaman. May mga bagay kang matutuklasan at
mga trivia na malalaman, lalo pa't isang magaling na guro ang nagtuturo sa amin dito. Marami
siyang tinurong mga kaalaman at maging mga payo na makatutulong sa aming mga estudyante.

Ang ilan sa aking mga natutuhan ay ang dalawang (2) klase ng pagpupunla ang perfect at
imperfect na kung saan sa perfect ay gumagamit ng seedling tray sa pagpupunla at sa imperfect
naman ay nasa iisang punlaan lamang na may tig - 1 inch ang layo ng mga butong ipupunla.
Nalaman ko rin ang tamang oras ng pagpupunla, ang oras nito ay sa pagitan lamang ng 12 ng
tanghali hanggang 3 ng hapon. Ang tamang oras naman ng pagdidilig ay sa pagitan ng 6
hanggang 8 ng umaga at sa hapon naman ay 4 hanggang 6 ng hapon. May mga trivia ring
binahagi ang aming guro na marahil sa iba ay matagal na nilang alam ang mga ito pero sa akin
ay hindi, tulad ng ang kamatis at sili ay hindi pala isang gulay dahil ito ay mga prutas, ang saging
at talong ay mga berries at ang strawberry ay pamilya ng bulaklak na rose. Iilan lamang ito sa
mga natutuhan namin sa aming guro. Gaya ng aking sinabi hindi lang tungkol sa mismong
subject ang kanyang tinuturo, siya rin ay nagbibigay ng mga payo sa buhay, minsan niya na rin
naikwento ang mga pinagdaanan niya sa buhay. Kahit na maraming dumaan na mga problema na
talagang sumubok sa katatagan niya, sa huli ay nagawa niya pa rin itong masolusyonan. Lagi
niya lang sinasabi sa sarili niya na "That's life and this is ME" na nangangahulugan na ganyan
talaga ang buhay, maraming pagdaraanan na problema pero dapat alam mo sa sarili mo na
kakayanin mo rin ang lahat ng ito.
Sa pag-aaral ng subject na ito ay mas mabubuksan ang iyong kamalayan sa pangangalaga
ng ating kapaligiran at mas mauunawaan mo ang kahalagahan ng bawat pananim o halaman.
Mararanasan mo kung gaano kahirap magtanim, simula pa lamang sa pagpupunla at
mararamdaman mo rin kung gaano kasakit kapag namatayan ka ng tanim. Mahalaga rin na
magkaroon ng ganitong uri ng subject upang ang bawat estudyante ay magkaroon ng kaalaman
tungkol dito lalo na sa panahon ngayon na mayroon nang modernong teknolohiya kaya iilan na
lamang ang nagkakaroon ng interes sa ganitong uri ng mga gawain.

Saclolo, Kacyly M.

SBAC1A

You might also like