Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Schools Division of Albay


Sogod National High School
Sogod, Bacacay, Albay

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10


(4rth Quarter)

I. LAYUNIN
1. Natatalakay ang epekto ng pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika
at lipunan
2. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pakikilahok sa mga mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa
kabuhayan, politika at lipunan
3. Napahahalagahan ang papel ng mamamayan sa pamamahala ng isang komunidad
II. NILALAMAN
A. Paksa: Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamayan
B. Konsepto: Politikal na Pakikilahok
C. Balangkas ng Aralin
1. Paglahok sa Civil Society
2. Eleksiyon
D. Babasahin: Kontemporaryong Isyu, Pp. 396-400
E. Kagamitan: Modyul sa Kontemporaryong Isyu, LCD Projector at Laptop

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pang Araw-araw na Gawain
a. Pagdadasal
b. Pagbati
c. Attendance Checking
d. Checking of Assignments
2. Balik-Aral
Sa saliw ng musika, pagpapasa-pasahan ang isang bola ng mga mag-aaral sa klase, ang mag-
aaral na may hawak ng bola sa pagtigil ng tugtog ay sasagot sa katanungan ng guro.
Mga tanong:
a. Ano ang gawaing pansibiko o civic engagement?
b. Anu-ano ang mga karaptang pantao na idineklara sa UDHR?
c. Ano ang Bill of Rights?

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Picture Analysis: Ipakita sa mga mag-aaral ang isang larawan na may kaugnayan sa
paksa.Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod:
a. Ano-ano ang mga nakikita ninyo sa larawan?
b. Ano ang mensahe na nais iparating sa larawan?
2. Paglinang ng Gawain
Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bigyan ng tig-isang task card and bawat pangkat na
may kalakip na panuto kung ano ang kanilang gawin.

I I. Poster Making tungkol sa Eleksiyon


II. Maikling Dula tungkol sa Pakikilahok ng mga mamamayan sa mga politikal na gawain
III. Paggawa ng Sulat sa Pangulo ng Bansa tungkol sa kung anu ang nais ninyong ipahayag sa
kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas.

C. Pangwakas na Gawain
1. Pagpapahalaga
a. Bilang isang mamamayan, Paano mo bigyang halaga ang pakikilahok sa mga panlipunan
at politikal na gawain sa inyong komunidad?

2. Paglalahat
a. Bakit mahalaga sa isang mamamayan ng bansa ang bumoto?

3. Paglalapat
a. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong para umunlad at mapabuti ang pamamalakad
ng pamahalaan sa ating bansa?

IV. PAGTATAYA
Republic of the Philippines
Schools Division of Albay
Sogod National High School
Sogod, Bacacay, Albay

Panuto. Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat isa. Isulat sa patlang bago ang bilang ang iyong
sagot.
Pagboto Civic Engagement

Citizenship Naturalisasyon

Repatriation Aksyon ng Kongreso


_______1. pagtugon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa aplikasyon para maging isang
mamamayang Pilipino.

_______2. ay paraan ng pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa kanya ng karapatang


tinatanggap ng mga mamamayan.
_______3. May responsibilidad at obligasyon ang bawat tao sa komunidad
_______4. ang tawag sa kusang pagbabalik ng isang tao sa kanyang pinanggalingang bansa pagkatapos
na mabawi ang kanilang pagkamamamayan.
_______5. nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa, ayon sa itinatakda ng batas.
_______6. Sa pamamagitan nito nakapipili ka ang mga mamamayan ng mga opisyal ng pamahalaan na
tingin nila makapaglilingkod ng maayos.

V. TAKDANG ARALIN
Bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod:
1. participatory governance
2. Participatory Budgetting
3. Good Governance

Inihanda ni: Ipinasa kay:


ANNALIE D. CELADINA DIANA P. BENASA
Head Teacher I Principal I

You might also like