Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MGA GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 9

IKATLONG MARKAHAN – LINGGO 4 at 5


ARALIN 4: MAIKLING KUWENTO

Pangalan: ____________________________________________________ 9 - _______________________


BASAHIN NATIN!
MAIKLING KUWENTO
Ang maikling kuwento ay isang salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Si Deogracias A.
Rosario ang itinuturing na ama ng maikling kuwento. Ang maikling kuwento ay isang prosa o akdang
tuluyan sa kadahilanang ang pagkakasulat niyo ay tuloy – tuloy. Simula, gitna at wakas ang bahagi ng
isang maikling kuwento. Ang banghay ay kung saan makikita ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari ng maikling kuwento.
Bukod pa riyan ang ilang elemento ng maikling kuwento ay panimula, saglit na kasiglahan,
suliranin, tunggalian, kasukdulan, kakalasan, wakas, tagpuan, paksang-diwa at kaisipan.

GAWAIN 1: Isulat sa linya ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng patungkol sa kahulugan ng
maikling kuwento at isulat ang MALI kung ang pahayag ay hindi nagsasaad ng kahulugan ng maikling
kuwento.
__________1. Ang maikling kwentong ay nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng bagay-bagay sa daigdig.
__________2. Ang ama ng maikling kuwento ay si Deogracias A. Rosario.
__________3. Ang maikling kuwento ay isang patula.
__________4. Ang bahagi ng maikling kuwento ay simula, gitna at wakas.
__________5. Isa sa mga elemento ng maikling kuwento ang banghay kung saan makikita ang
pagkakasunod – sunod ng mga pangyayari ng maikling kuwento.

BASAHIN NATIN!
SINO ANG NAGKALOOB?
(Panitikan ng Pakistan)
Sa isang kaharian may isang hari na may pitong anak. Lahat mababait pero mas pinapapaboran
ang bunsong anak dahil marunong ito mag luto at siya ang pinaka masarap mag luto sa buong
kaharian kaya lahat napapaibig sa kanya. Bago kumain ay nagtitipon ang lahat ang hari at ang mga
prinsesa. Tinanong sila kung sino ang nag bigay ng pagkain nila ang lahat ng anak ay sumagot na ang
ama ang nagbigay maliban sa huling anak na sumagot na ang Diyos ang nagbigay ng pagkain. Kaya ito
pinalayas.
Pumunta siya sa kabundukan at mayroon siyang nakitang binata na tumutogtog ng plawta. Sila
ay naglakbay hanggang makarating sila sa isang pader na sa kabila nito ay isang palasyo. Inutosan ng
prinsesa ang binata na dalhin ang pinakamayamang mag-aalahas sa labas. Dali daling lumabas ang
binata kasama ang mag aalahas. Binigay niya ang kanyang mga alahas at binigyan siya nito ng kapalit.
Binigyan siya ng kabayo at ng bahay na matitirhan para sa binata. Sila ay tumigil dahil nauuhaw ang
prinsesa. Kumuha ng tubig ang binata sa batis ngunit may nakita itong rubi sa ilalim ng batis dahil
kaakit akit ang bato kinuha niya ito.
Pinaglalaruan niya itong rubi pero may naalala siya na, kung saan galing ang rubi sinundan niya
kung saang direksyon ito dumeretsyo siya at nakita niya ang isang pader pumasok siya nagulat ito
dahil may nakita siyang ulong sumusuka ng dugo na naging rubi natamaan niya ang kahoy kung saan
nakapatong aang ulo bumalik siya sa kanyang katawan.
Ang babae ay nagpakilala bilang isang diwata. Naramdaman niya na parating na ang genie na
nagaalaga sa kanya tuwing umaga raw siya pinapatay at sa gabi siya binubuhay. Inutosan siya na
ibalik siya sa kahoy dahil galit ito ngayon. Nang dumating na ang genie nakaamoy ito ng tao agad .
Binuhay niya ang diwata at tinanong kung may nakita siyang tao sa paligid ngunit bale wala niya itong
hinidian. Gutom ang genie kaya bumalik ito sa kagubatan. Padapa siyang lumabas sa kanyang
pinagtataguan. Ang diwata ay may sinabing sikreto na kung makukuha niya ang lampara ng genie
kung saan nakatago ang espirito ng genie mamamatay siya. Ginawa rin to ng binata ngunit hinabol sila
ng genie pero sila parin ay nagtagumpay.
Bumalik sila sa prinsesa gumawa sila ng sarili nilang palasyo. Nang matapos nila ang kaharian
inimbitahan nila ang mga engradeng mga bisita. Pati ang ama ng prinsesa. Nag luto ang prinsesa ng
kanyang mga handa na sobrang sarap. Tinanong ng diwata ang hari kung gusyo niyang makita ang
bunsing anak, kaya sumagot ang hari ng oo. Nagpakita ang prinsesa sa ama, silang dalawa ay umiyak
ng labis. Nagsisi ang ama na pinalayas niya ang anak. Sinabi ng prinsesa sa ama na ang Diyos ang
nagkaloob sa lahat. Sumangayon siya na binigay ng diyos ang lahat.

GAWAIN II: Ang mga pangyayari at transpormasyong naganap sa tauhan na natunghayan natin sa
kuwentong binasa ay sadyang nangyayari sa tunay na buhay. Pumili ng isang pangyayari sa kuwento
na nararanasan mo o ng isa pang kakilala at isulat ito sa kahon sa ibaba, sa sumunod na kahon naman
ay isulat ang transpormasyong naganap sa tauhan na naranasan mo o ng iyong kakilala. Pagkatapos ay
sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Pangyayari sa Kuwento: ______________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________
Karanasan Ko o Karanasan ng Isang Kakilala: ___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________________________

Transpormasyong Naganap sa Tauhan:_____________________________________________________________________________________


_____________________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________
Transpormasyong Naganap sa Akin o sa Kakilala: _______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________________________________

GAWAIN III: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Bakit kahanga-hanga ang isang taong may matibay na pananalig sa Diyos?
______________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay? Bakit kaya nakakayang balikatin ng isang taong nananampalataya ang lahat
ng suliraning kaniyang nararanasan? __________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________________________

You might also like