Long Quiz Fil 9 Elehiya, Maikling Kuwento, Panandang Pandiskurso at Pang-Abay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

ELEHIYA, MAIKLING KUWENTO, PANANDANG PANDISKURSO AT PANG-ABAY

Pangalan: _______________________________ 9 - ______________


I. Ibigay ang tinutukoy na kasagutan sa bawat bilang, isulat ang mga ito sa patlang
bago ang bawat bilang.
_______________1. Ang ___________ ay kung saan makikita ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari ng maikling kuwento.
_______________2. Ang ___________ ay isang salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang.
_______________3. Ang __________ ay isa sa mga bahagi ng pananalita na naglalarawan sa
tao, bagay, pook, at pangyayari.
_______________4. Ang salitang elihiya ay nagmula sa salitang Griyego na __________,
nangangahulugang hagulgol o pananangis.
_______________5. Bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa pang-uri, pandiwa o
kapwa pang-abay.
_______________6. Ito ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil
kinikilala, tinatatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral
ng wika.
_______________7. Ito ay ang paggamit ng mga simbolo para magpahiwatag ng isang ideya
o kaisipan.
_______________8. Mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw
na pakikipag-usap.
_______________9. Nakatutulong sa pagbibigay-linaw at ayos ng pahayag ay ginagamit
kapag pinagsunod-sunod ang mga pangyayari.
_______________10. Si _____________ ang itinuturing na ama ng maikling kuwento.

II. Panandang Pandiskurso. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap/


pahayag. Ibigay ang sagot na hinihiling ng bawat bilang.
_____1. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar, ________,
karapat-dapat lamang siya na mahalal bilang susunod na punong barangay.
A. tiyak B. tuloy C. dahil sa D. kung gayon
_____2. Masyadong dinamdam ni Don Mariano ang ginawang pagtatanan ng anak kaya’t
nagawa niya itong itakwil. Palibhasa’y ama, __________ napatawad niya rin ito.
A. sa wakas B. sa dakong huli’y C. pagkaraa’y D. pagdating ng
panaho’y
_____3. Dahil dito’y sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules,
________ naging makata at manunulat naman si Emman, at nahilig sa musikang rock n roll
si Jason. Si Gani naman ay malayang pinasok ang pagiging US Navy bagaman taliwas ito
sa paniniwala ng mga kapatid.
A. sa madaling sabi B. bukod sa C. saka D. kung
_____4. “Hayun! Dahil sa kalokohan mo’y babagsak ka.” Ang pangungusap ay nagpapakita
ng halimbawa ng relasyong _______________.
A. layunin at resulta C. paraan at resulta
B. paraan at layunin D. sanhi at bunga
_____5. “Hayun! ____________ kalokohan mo’y babagsak ka. Ba, maliban na lang kung mag-
aaral kang mabuti, tiyak na maipapasa mo ang kahit anong pagsusulit.”
A. dahil sa B. bukod sa C. saka D. kung
III. PAGTUKOY NG URI NG PANG-ABAY. Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay
na may salungguhit ay pang-abay na pamaraan, PN kung ito ay pang-abay na pamanahon, o
PL kung ito ay pang-abay na panlunan.
_____1. Tuwing alas singko ng umaga gumigising si Aling Dina.
_____2. Naglalaba ng mga damit si Aling Dina araw-araw.
_____3. Nakita ko siyang bumili ng sabong panlaba sa tindahan.
_____4. Matiyagang pinapaputi niya ang mga uniporme ng kanyang mga anak.
_____5. Si Ate Lorna ay naghahanda ng almusal sa kusina.
_____6. Masarap magluto ng tapsilog si Ate Lorna.
_____7. Tumungo sa hapag-kainan ang buong mag-anak.
_____8. Darating na maya-maya ang mga bata mula sa paaralan.
_____9. Naglakad nang matulin ang magkapatid.
_____10. Dali-daling tumakbo si Alicia sa kanyang inay.
_____11. Niyakap ni Aling Dina nang mahigpit si Alicia.
_____12. Nahalata ni Alicia ang merienda sa ibabaw ng mesa.
_____13. “Nagkaroon kami ng maikling pagsusulit kanina,” sabi ni Alicia.
_____14. “Naunawaan mo ba nang mabuti ang leksiyon?” tanong ni Aling Dina.
_____15. Pumunta muna si Allen kina Jack dahil may hihiramin siyang aklat.
_____16. Nagsisimba ang buong pamilya tuwing Linggo.
_____17. Binibisita nila ang kanilang lolo at lola buwan-buwan.
_____18. Nakatira ang lolo at lola nila sa isang subdibisyon sa Barangay ng San
Martin.
_____19. Masayang nakipagkuwentuhan si Lolo Pedring sa kanyang mga apo.
_____20. Nangako ang mga bata na tatawag sila sa telepono bukas.
_____21. “Sanay ang anak ko na nakahiga nang patagilid,” sambit ni Aling Minda.
_____22. “Halina kayo, maraming masasarap na pagkain sa kantina,” yaya ni Ana sa
kaniyang mga kaklase.
_____23. “Inay, bakit gabi-gabi, ikaw ay nakikita kong umiiyak?”, tanong ni Nene sa
ina.
_____24. “Sa Lunes ka na magsisimula sa iyong bagong trabaho,” sabi ng manedyer kay
Roland.
_____25. “Doon tayo mamamasyal sa plasa ng Panay dahil balita ko nagagandahan ang mga
parol doon,” sabi ni Robert.
_____26. “Nakita kong mahigpit na hinawakan niya ang kamay ng aking kapatid,” kuwento
ni Rose.
_____27. “Mag-eehersisyo tayo tuwing umaga para lalo pa tayong lalakas!” yaya ni Nida
sa kaibigang si Liza.
_____28. “Inay, bakit patayo kang nagdarasal?”, tanong ni Lynlyn sa ina.
_____29. “Narinig kong sa bagong resort idaraos ang kaarawan ni Kristine.”
_____30. “Kailangan, araw-araw ay nagsisipilyo ka ng ngipin mo anak,” paalaala ni
Aling Martha sa bunsong anak.

You might also like