Pagsusuri. Panuto: Lagyan NG E - Kung Ekonomiya, P - Kung Pulitika, at S/K - Kung Sosyo-Kultural Na

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pangalan: ____________________________________ Baitang at Seksyon: __________________

Asignatura: Arpan 7 Guro: __________________________________ Iskor: ________________


Aralin : Ikatlong Markahan, Ikalawang Linggo, LAS 3
Pamagat ng Aralin : Mga Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya
(ika-16-20 siglo)
Layunin : Nasusuri ang mga Epekto ng kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya (ika-16-20 siglo).
Sanggunian : MELC, LM Araling Panlipunan 7, Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan,
Manunulat : Lino C. Corneja

EPEKTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO


Ang pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya ay nagdulot ng maraming
pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano. Makikita ito sa aspeto ng ekonomiya, pulitika at sosyo –
kultural. Sa pang – ekonomiyang aspeto, pinapakinabangan ng mga kanluranin ang mga likas na
yaman ng mga bansang nasakop at naging pangunahing pinagkukunan ng mga hilaw na sangkap.
Kaugnay nito, ang natural na kapaligiran ng mga bansang Asyano ay unti-unting naubos. Ginawa
ring pamilihan at paglalagyan ng mga yaring produkto ang mga kolonya. Sa pag –unlad ng kalakalan,
nagkaroon ng mga Asyanong naging mangangalakal o middleman ng mga produkto.
Sa larangan ng pulitika, nagtatag ang mga mananakop ng isang pamamahala o
sentralisadong pamahalaan. Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling
bansa. Nagkaroon ng paghahati-hati ng rehiyon sa mga Kanluraning bansa at nagkaroon ng takdang
hangganan ang mga teritoryong sakop. Inayos ang kalusugan ng mga mamamayan kaya nagtayo ng
mga ospital para magamot ang mga maysakit at mabigyan ng lunas ang mga sakit na laganap.
Ang matagal na pananakop ng mga dayuhan ay nagdulot ng pagbabago sa aspetong sosyo –
kultural. Kabilang dito ang pagkakaroon ng paghahalo ng lahi ng mga katutubo. Ang mga kaugalian
ay nahaluan tulad sa pagkain at istilo ng pamumuhay). Nasanay din ang mga Asyano sa paggamit ng
mga produktong dayuhan.
Pagsusuri. Panuto: Lagyan ng E_kung Ekonomiya, P_kung Pulitika, at S/K_kung Sosyo-Kultural na
epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya.
____1. Nagtatag ng isang sentralisadong pamahalaan.
____2. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga katutubo.
____3. Nakatali ang ekonomiya ng mga kolonya sa mga bansang Europeo.
____4. Pinapakinabangan ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap.
____5. Ang mga kaugalian ay nahaluan tulad sa mga pagkain at istilo ng pamumuhay.
Pagpapaliwanag. Panuto: Gamiting gabay ang rubrik sa pagsagot. Maaring gumamit ng
karagdagang papel kung kinakailangan.
1. Naging mabuti ba o hindi mabuti ang epekto ng pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at
Kanlurang Asya? Ipaliwanag ang iyong sagot.
5 Puntos 4 Puntos 3 Puntos 2 puntos
Napakaahusay ang Mahusay ang Medyo mahusay ang Hindi mahusay ang
paglalahad ng paglalahad ng paglalahad ng paglalahad ng
kaalaman sa paksa at kaalaman sa paksa at kaalaman sa paksa at kaalaman sa paksa at
pagpapaliwanag ng pagpapaliwanag ng pagpapaliwanag ng pagpapaliwanag ng
konsepto konsepto konsepto. konsepto

This space is
for the QR
Code

You might also like