Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 10

I. LAYUNIN:
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang dalawang antas ng wika (pormal at di-pormal) sa
pamamagitan ng iba’t ibang paraan at halimbawa.
B. Nakapaglalahad ng sariling halimbawa ng mga salita na bahagi ng
pormal at di-pormal na antas ng wika.
C. Nauunawaan ang antas ng wika; naibabagay ito sa katayuan, hinihingi
ng panahon at pook, at okasyon.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa: Antas ng Wika Batay sa Pormalidad (Pormal at Di-Pormal)
B. Sanggunian: Quipper at
https//www.slideshare.net/lovebordamonte/pormal-at-di-pormal-na-salita
C. Kagamitan: Laptop, Power Point Presentation at IM’s
D. Pagpapahalaga: Natutukoy ang kaibahan ng pormal at di-pormal na antas
ng wika na magagamit nila sa araw-araw na pakikipagkomunikasyon sa
iba’t ibang uri ng tao.
E. Pamamaraang Ginamit: Ugnayang tanong-sagot, Malayang Talakayan

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


I. ALAMIN/TUKLASIN
A. Panimulang Gawain)

Magandang Umaga! Magandang Umaga rin po, Ma’am!

Bago tayo magsimula ay nais ko munang


pormal na magpakilala, ako sa BB. Alyssa
Joy R. Daproza at nais ko sana na tawagin
niya akong Ma’am Alyssa o kung
nahahabaan kayo ay maari namang tawagin
niyo na lamang akong Ma’am Ali.

Okay lang ba? Opo, ma’am!

Okay yan.

Maaari bang pulutin lahat ng kalat na at


ilagay na muna sa bag para sa minsanang
pagtatapon mamaya. Pakiayos na rin ang
inyong mga upuan at siguraduhing
nakatapat kayo sa linya. Huwag rin sana
tayong maingay.

Mayroon bang lumiban sa klase? Wala po, ma’am!

Mabuti.

Mayroon muna akong ituturo sainyong


pakulo para mapanatili natin ang maayos at
interaktibong klase. Kapag sinabi kong “Isa”
ay kailangan niyong itaas ang isang kamay,
kapag sinabi kong “Dalawa” kailangan niyo
itong i-shake at kapag sinabi kong tatlo ay
gawin niyo itong takip sa bibig.

Nakuha ba? Opo, ma’am!

Isa…Dalawa.. Tatlo…

Maging alisto dahil bigla-bigla nalang


susulpot ang mga numero na ‘yan mamaya
habang nagkaklase.

B. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating aralin ay
mayroon akong maikling palaro para sa inyo
at ang larong ito ay tatawaging “’Ipasa Mo,
Isasalin Ko”. tatlong grupo ang maglalaban-
laban at kung sino ang may pinakamataas
na iskor ay magkakaroon ng dagdag puntos
sa aktibidad mamaya. Dito masusukat ang
kaalaman niyo sa mga bagong usbong na
mga salita sa sosyal medya.

Handa na ba ang lahat? Opo, ma’am! Handang handa na


po!

Gawain 1. “Ipasa Mo, Isasalin Ko!”


Panuto: Unawain ang nais sabihin ng
pangungusap at isalin ito gamit ang pormal
na wika. Kapag hindi alam ang sagot ay
ipasa na lamang ito sa kaklase at susubukan
rin nitong sumagot. Tatlong grupo lamang
ang maglalaban-laban at tig-limang mga
salita ang dapat maisalin sa pormal na wika.

Naiintindihan ba o kailangan niyo ng Halimbawa po, ma’am!


halimbawa?
I. TAKDANG-ARALIN

“Magsaliksik”
Panuto: Magsaliksik ng limang (5) salitang di-pormal at gamitin ito sa
pangungusap. Salungguhitan ang salitang di-pormal na ginamit.

Inihanda ni: Alyssa Joy R. Daproza Iniwasto ni: Gng. Simbre F. Alabag
Gurong Nagsasanay Suring Guro

You might also like