Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pagbasa at Pagsulat

Tungo sa Pananaliksik

GEC 11

AB Political Science 1 A

Midterm Output

Ipinasa ni:

Steeve Rey Famarato

Ipinasa kay:

Ms. Lovely Joy Luces


Akademik na Pagsulat – Kritikal na Sanaysay

KRITIKAL NA SANAYSAY“BABAE KASI”

Ang mga babae ay itinuturing na mas mababa o “inferior” kung


ikukumpara sa mga lalaki. Hindi nabibigyan ng pantay na trato o oportunidad
ang mga babae sa iba’t-ibang larangan dahil ito ang hinubog ng kagawian sa
lipunan noon. Ang mga babae ay dapat mahinhin at hindi nagpapakita ng
kakisigan at mas strikto sa kanila ang lipunan sa paghuhusga sa mga dapat at
hindi dapat gawin. Sa paglipas ng panahon ay patuloy na winawakasan ang
pagkakaroon ng diskriminasyon pagdating sa kasarian. Ayon sa artikulo,
angwikang Filipino ay “gender-neutral” o walang pinipiling kasarian ang
paggamit nito kaysa sa wikang Inglesvna mas naipapakita ang pagkakaiba ng
kasarian. Ngunit sa mas malawak na isyu sa kasalukuyang panahon ay hindi
parin nawawala ang diskriminasyon sa mga babae o “sexism”. Marami paring
mga kaugalian nainuugnay sa mga babae bagamat kapag sa lalaki kahit mali
ay normal na gawain ito sa mata ng lipunan. Pati kabataan ay nagkakaroon ng
kaisipan na hindi magandang pananalita sa kababaihan kaya’t dapat sila ay
mabigyan ng kalinawan sa murang edad. Marami na ang napatunayan ang
kababaihan kaya’t sila dapat ay bigyang pantay na karapatan sa iba’t-
ibang larangan ng lipunan. Nang sa gayon, sila’y patuloy
namagpapakita ng kahusayan tungo sa pag-unlad ng ating bansa. Sa
panahon ngayon, patuloy parin ang diskriminasyon na nararanasan
pagdating sa kasarian. Nagkakaroon ng agwat ang pagiging babae sa lalaki
sa ibang aspeto. Katulad na lamang kapag ang lalaki ay nagkaroon ng
maraming asawa sasabihing “lalaki kasi” dahil karaniwan na itong nangyayari
subalit kapag babae ang gumawa nito ay labis ang panghuhusga at panglalait
ang maririnig sa mga tao. Ito ay totoo lalo nasa kasalukuyang panahon na
madali ang pagkalap ng balita sa lipunan, mas madali ang panghuhusga ng
mga tao. Ayon kay Miguel J. D (2013), isang mag-aaral ng UP Diliman na
nagsagawa ng dokumentaryo, “Ang kababaihan ay tunay na nakararanas ng
matinding kahirapan. Sila ay hindi ganap na malaya sa kadahilanang hindi
nila nakakamit nang sapat ang mga pangunahing pangangailangan at serbisyo
ng estado. Ayon sa pagsusuri ay mayroon mga pagtatangka na kalabanin hindi
lamang ang mga tradisyonal na papel natinakda ng lipunan sa kababaihan
kundi pati na rin ang mapang-aping sistemang patriyarkal na sumusupil
sakababaihan”.Kung tatanungin ang mga kabataan, may salita na hindi
maganda na alam nila na inaangkop nila sababae katulad ng “malandi”. Isa
pang halimbawa ay ang mga bulgar na salita na sinasabi ng Pilipino na may
hindi magandang kahulugan sa mg babae kung saan pati ang Presidente ay
binibigkas ito sa nasyonal sa telebisyon. Kung kaya’t habang bata pa ay bigyan
na ng kalinawaan ang mga bata tungkol sa ganitong isyu nang sa gayon sila ay
magkaroon ng maayos na kaalaman pagdating sa ganitong aspeto.

Maraming pangyayari na kapag babae ang sangkot, marami ang


nagsasabi na “babae kasi”. Kalakip ng pagiging babae ay ang pagtingin na
sila’y mahina, hindi gaanong malakas, at maraming hindi kayang gawin.
Sumasalungat ako sa kaisipang kapag babae ay mahina at limitado ang
kakayahan. Maraming mga senaryo na babae ay nagpapakita ng kanilang
kagalingan sa iba’t ibang larangan tulad ng pamumuno. Ayon kay Anne
Marie Croteau, isang Dean sa Concordia University sa kanyang
artikulo, Ang pagkilos ng mga babaeng pinuno na namamahala sa COVID-
19 krisis sa bansang Denmark, Finland, Germany, Iceland, New Zealand,
Norway, Iceland ay naging matagumpay at epektibo kumpara sa mga lalaking
namumuno sa bansa. Unti-unti nang tumaas ang katayuan ng mga
kababaihan kaya hindi maikakaila na mayroon na silang
ginagampanang mahalagang papel sa lipunan. Patunay na diyan
ang tinaguriang mga pinakamakapangyarihang babae sa larangan ng
politika na sina Miriam Defensor-Santiago, Imelda Marcos, Maria Corazon
Sumulong Cojuangco-Aquino, at Gloria Macapagal-Arroyo (Castillio, 2012).
Tayo ay namulat sa lipunan na mas superyor ang lalaki sa lahat ng bagay
magmula sa trabaho, gawaing mekanikal, at kung ano-ano pa. Ngunit
pinakita ng maraming kababaihan na kaya nilang gawin ang mga bagay na
ginagawa ng mga kalalakihan at minsan ay higit pa. Sa isang pahayag ng
Labor Department, patuloy na lumalawak ang pagitan ng bilang ng mga
kababaihang nakakakuha ng mas matataas na posisyon sa trabaho kaysa sa
kalalakihan. Batay sa datos, Noong 2006 naman umabot na lamang sa 1.613
milyongbkalalakihan ang nasa parehong pwesto, samantala 2.257 milyon
naman ang mga kababaihan (GMA News,2007).Kailangang alisin sa sistema ng
ating lipunan ang paglagay sa mga kababaihan sa isang sulok lamang. Sila
ay nagpamalas ng katalinuhan, talento, kakayahayan sa iba’t-ibang
aspeto kaya’t sila dapat ay hindi minamaliit. Iwasan ang
diskriminasyon sa kasarian upang magkaroon ng pagkakaisa ang lahat
maging sa karapatan na dapat nararanasan ng bawat isa. Ang mga babae ay
likas na matapang at hindi dapat sinasabing babae lang, sila ay higit pa roon.
Maraming matutulong ang mga kakabaihan sa pag-usbong ng pagbabago ng
ating lipunan kung patuloy na kikilalalin ang kanilang potensyal sa lipunan.

Pagtukoy sa elemento ng pagsulat na taglay ng Akademik na Pagsulat -


Kritikal na Sanaysay

A. Paksa

“Babae Kasi”

B. Layunin

 Ekspresiv – Ang kritikal na sanaysay na ito ay nagpapahayag ng


pananaw ng may akda sa karatapatan at katayuan ng mga babae
sa lipunan.

 Informativ – Nilalayon ng may-akda sa sanaysay na ito na ilahad


ang malaking pakinabang at ambag ng mga kababaihan sa
lipunan at nasasalamin ito sa datos na inilahad sa piyesa na ito.

C. Wika

Ang wikang ginamit ay pormal. Ginamitan rin ito ng hiram na


salita e.g, “sexism” at “inferior”.

D. Kombensyon
Ang paraan ng pagsulat ay gumamit ng payak na salita na
madaling maunawaan ng mambabasa.

E. Kasanayang pampag-iisip

Nababatid sa na ang kritikal na sanaysay ay ginamitan at


ginagamitan ng pag-aanalisa at lohika. Natutukoy rito ang mga maling
pananaw sa mga kababaihan noon at ang dapat at wastong pagtrato sa
panahon ngayon.

F. Kasanayan sa pagbuo

Ang may-akda ay nagsimula sa pagtukoy sa paksa o ang


paglalahad ng paksa at pagkukumpara nito. Samakatuwid, naisulat ng
piyesa sa masining na pamamaraan at tamang sikwens dahil mababatid
ng mambabasa nito ang ideya at katuturan na nais ipaliwanag.

G. Kabatiran sa prosidyur ng pagsulat

Maayos na nabuo ng manunulat ang kaniyang piyesa. Ang tamang


pagkakasunod ng ideya, mga ispelling at pagbabantas. Mauunawaan ng
mambabasa na ang tinutukoy sa sanaysay na ang mga babae ay hindi
babae lamang kundi ang mga babae ay may malaking papel at gampanin
sa lipunan.

You might also like