Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kagawaran ng Paaralang Gwadrado
Master ng Artes sa Filipino
M.H. Del Pilar Campus

ANOTASYON
(Aklat)

ipinasa ni Armina Jane D. Baltores


ipinasa kay: Prof. Jenalyn Lai
Mabisang Komunikasyon sa Wikang
Pang-akademiko (Edisyong 2009)

Atty.Rolando A. Bernales, ED. D


Mutya publishing house, inc.
978-971-821-170-0

Ang aklat na Mabisang Komunikasyon sa Wikang Pang-akademiko (Edisyon 2009) ay

nagnanais na bagohin ang nilalaman ng aklat pangwika upang makasabay sa pagbabago ng

pangwikang kurikulum, upang maiayon sa konteksto ng reyalidad sa ating lipunan at sa global na

komunidad nang maisumpong ang kawilihan ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng wikang Filipino

sa mga paaralan. Layunin nito na bigyan ng bagong pagdulog ang pagtuturo ng wika sa antas

tersyarya sa pamamagitan ng mga gawaing napapanahon, interaktibo at tiyak na kapwa

katutuhanan at kawiwilihan ng mga kabataang estudyante. Sinikap rin na isangkap sa aklat na

ito ang mga kaalamang sariwa katulad ng; a)mga hakbang na isinagawa na may kinalaman sa

pagpapaunlad ng ating Wikang Pambansa at b) pagmumungkahi na paggamit ng mga

makabagong teknolohiya sa ilang gawain pang-wika. Nilinang din sa pag-aaral na ito ang mga

makrong kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa pamamagitan ng

makabuluhan, napapanahon at kawili-wiling teksto at konteksto.

Tinitiyak ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod 1) Mapabuti at maingat ang kakayahang

komunikatibo ng mga estudyante sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain sa

loob at labas ng paaralan (2) Mapalawak ang mga kaalaman sa wika ng mga mag-aaral at

maisagawa ang mga kasanayang panggramatika (3) Magamit ang mga kasanayan sa pag-

unawa, pagpapakahulugan, pagsusuri at pagbibigay-halaga sa mga impormasyong

napapakinggan at nababasa (4) Makapagpahayag nang wasto, malinaw at epektibong mga

kaisipan at pananaw sa pamamaraang pasalita at pasulat at (5) Epektibong magamit ang wikang

Filipino sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikasyon sa pamamagitan ng mga makabagong

midyum at sa mga larangang akademiko.

You might also like