Professional Documents
Culture Documents
Talambuhay Ni San Antonio
Talambuhay Ni San Antonio
Talambuhay Ni San Antonio
Mula sa Sicily, itinalaga si Antonio sa isang kumbento sa Tuscany. Ngunit dahil sa kanyang pagkakasakit,
nagkaproblema siya. Matapos ikonsidera ang pagiging masasakitin niya, itinalaga siya sa isang liblib na
gusali malapit sa Montepaolo na roon siya nagtrabaho sa kusina at gumugol ng maraming oras sa
pagdarasal at pag-aaral. Sa isang pagtitipon, iminungkahi ng isang opisyal ng lalawigan na isa sa mga
prayle ang maglahad ng sermon at napili si Antonio. Noong una ay mahinahon ang kanyang pagsasalita
ngunit hindi maitatatwa ang bawat diin sa kanyang mga paninindigan. Nabunyag ang kanyang
karunungan ngunit ang kanyang kabanalan ang hinangaan ng lahat ng nasa pagtitipon. Natuklasan ang
kahusayan sa pagsasalita, mula sa pagiging ermitanyo ay naging isang mangangaral si Antonio. Dinagsa
ng mga tao ang kanyang mga sermon at ang kanyang mahinahong pananalita at hindi matatawarang
kaalaman tungkol sa Banal na Kasulatan ay nagbunsod upang makumbinse at manampalataya ang
marami.
Noong 1224, hiniling kay Antonio ng kanyang mga superior na turuan niya ang mga prayle ng sagradong
teolohiya ngunit sa kondisyong ipagpapatuloy ng mga prayle ang diwa ng banal na tubig at pagiging
deboto. Ang unang ipinagawa sa kanya sa pagtuturo ay sa isang seminaryo sa Bologna. Habang
nagtuturo, ipinagpatuloy niya ang pangangaral. Taong 1226 nang maitalaga siyang provincial superior sa
hilagang Italy.
Noong Mayo 1231, isang buwan bago ang kanyang kamatayan sa Camposampiero sa Padua, Italya ay
nagpakita ang Panginoon sa anyo ng isang sanggol. Ito ay kanyang niyakap at sinambit ang mga salitang
“Deus Meus et Omnia” na ngangahuluga’y Panginoon at Diyos ko.
Ginugol ni San Antonio ang mga huling taon ng kanyang buhay sa Padua hanggang sa pumanaw siya
noong Hunyo 13, 1231, sa edad na 36. Wala pang isang taon ang nakalipas ay agad siya nahirang bilang
isang Santo ni Papa Gregorio IX noong Mayo 30, 1232, sa bayan ng Spoleto. Ginawa siyang pantas ng
Simbahan noong 1946 ni Pope Pius XII.
Sa araw ng kanyang kapistahan, inaabangan ng mga tao ang pamamahagi ng tinapay ni San Antonio de
Padua pagkatapos ng bawat Misa. Ang tradisyon ng pamumudmod ng tinapay ay nagsimula noong 1276
AD nang isang bata ang muntik nang malunod habang itinatayo ang Pontipikong Basilika ni San Antonuo
de Padua. Nangako ang ina ng bata na mamimigay ng harina sa mga taon sa timbang na kapareho ng sa
kanyang anak, na kanyang tinupad nang mabuhay ang kanyang anak.