Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III-Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
FLORIDABLANCA NATIONAL AGRICULTURAL SCHOOL
Floridablanca, Pampanga
Ikalawang CLASSROOM OBSERVATION TOOLS (COT)
S.Y. 2022- 2023
Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 9

Kurikulum: K–12 (MELCS) Petsa: Marso 24, 2023


Taon at Pangkat: 9- DIAMOND Time: 01:00 – 02:00 PM

I. Mga Layunin
Inaasahang pagkatapos mo sa modyul na ito, matututuhan mo ang sumusunod:

1. Naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay na mga pangyayaring naganap sa buhay


ng tauhan (F9PN- IV-58);

2. Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag- ibig sa magulang, sa kasintahan,


sa kapwa, at sa bayan (F9PB-IVd-58);

3. Natutukoy ang layunin ng may- akda (Gat. Jose P. Rizal) sa pagsulat ng bawat kabanata sa
nobelang Noli Me Tangere

4. Madamdaming nabibigkas ang nabuong monologo tungkol sa isang tauhan F9PS-IVc-59

II. Paksang Aralin


Paksa: Ika- Apat na Markahan; Ika- Apat na Linggo
Mga Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Crisostomo Ibarra
 Kabanata 7 – Suyuan sa Asotea
 Kabanata 13 – Babala ng Unos
 Kabanata 23 – Ang Pangingisda
 Kabanata 25 - Sa Tahanan ni Pilosopong Tasyo
 KAbanata 34 – Ang Pananghalian

Sanggunian: Self Learning Module sa Filipino 9


Kagamitan: Mga larawan ng bawat tatalakaying kabanata , Marker, Papel
Pamamaraan: Talakayan, Pagtatanong at pagsagot, tukuyin ang mga layunin ni Dr. Jose P. Rizal
sa Pagsulat ng Noli Me Tangere

III. Istratehiya sa Pagtuturo


A. Panimulang Gawain
a.Panalangin
a. Pag-tsek ng atendans
b. Pagbati

B. PAGLALAHAD NG PAKSA
1. Pagganyak
Laro: Family Feud
Panuto: Ang mga mag- aaral ay maigugrupo sa lima para sa pangkatang gawain. Ang
guro ay magpapakita ng mga larawan batay sa kabanata at tutukuyin ng mga mag aaral ang
tamang pamagat nito gamit ang Word Strips.
Floridablanca National Agricultural School
Address: Floridablanca, Pampanga
Contact Number: 0917-506-7527/0998-866-8661
Email Address: 300890@deped.gov.ph
1. Suyuan sa Asotea
2. Babala ng Unos
3. Ang Pangingisda
4. Sa Tahanan ni Pilosopong Tasyo
5. Ang Pananghalian

C. PAGTATALAKAY
1. Panimulang Gawain
Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Ang mga mag- aaral ay mananatili sa kanilang pangkat. Tukuyin ang angkop na
kasingkahulugang sa loob ng kahon na mababasa mula sa mga kabanata.

Balkonahe kasamaan nangisda nililigawan

Palaisdaan pitaka libingan patalim

Kumbento kahinaan pagpaparinig tagapaglibing

Sulat o telegram nakaupo matalino

pagsulat gamit ang mga simbolo

a. Asotea j. nitso
b. Baklad k. pagpapasaring
c. Beateryo l. pilosopo
d. Hatid- kawad m. pinipintuho
e. Kabuktutan n. punyal
f. Kalupi o. sepulturero
g. Karuwagan p. heroglipiko
h. Nakaluklok
i. namandaw

2. Pagtalakay sa bawat Kabanatang tinuturing na “Mga Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni


Crisostomo Ibarra” gamit ang Sentence Strips.
- Ayusin ayon sa tamang pagkakasunod- sunod nang mga pangyayari sa bawat Kabanata gamit
ang sentence strips.

Mga Gabay na Tanong sa Pag- unawa sa Binasa:


a. Anu- anong mga kasanayan o gawi, at kulturang Pilipino ang makikita sa Suyuan sa Asotea?
b. Anong mabuting katangian ang makikita kina Crisostomo at Maria Clara?
c. Sa iyong palagay bilang isang kabataan, ano ang layunin ni Gat. Jose Rizal sa pagsulat ng
Kabanta 7 tungkol sa Suyuan sa Asotea?
d. Ano ang itinuturing na unos sa buhay ni Crisostomo?
e. Kung ikaw ang nasa katayuan o katauhan ni Crisostomo, ano ang iyong gagawin kung iyong
malaman ang paglapastangan sa iyong ama?
f. Sa iyong palagay bilang isang kabataan, ano ang layunin ni Gat. Jose Rizal sa pagsulat ng
Kabanta 13 tungkol sa Babala ng Unos?
g. Anong katangian ang sinisombolo ng “buwaya”?
h. Sa anong pangyayari sa lipunan maihahalintulad ang kasakiman ng buwaya?
i. Sa iyong palagay bilang isang kabataan, ano ang layunin ni Gat. Jose Rizal sa pagsulat ng
Kabanta 23 tungkol Pangingisda?
j. Ano ang tinutukoy na plano ni Crisostomo Ibarra sa Kabanata 23?
k. Bakit ayaw ni Crisostomo na isangguni ang kanyang plano sa mga “mas makapangyari”?
l. Sa iyong palagay bilang isang kabataan, ano ang layunin ni Gat. Jose Rizal sa pagsulat ng
Kabanta 25 tungkol kaganapan sa tahanan ng pilosopo?
m. Anong dahilan ng muntikang pagkakasaksak ni Crisostomo Ibarra kay Padre Damaso?
Floridablanca National Agricultural School
Address: Floridablanca, Pampanga
Contact Number: 0917-506-7527/0998-866-8661
Email Address: 300890@deped.gov.ph
n. Paano naipakikita ni Crisostomo ang kanyang pag- ibig sa kanyang ama?

D. PAGYAMANIN
 Sagutin ang:
Gawain 2. Nasaan ang Pag- ibig? (LSM Fil. 9; pahina 17)

IV. Ebalwasyon (Performance Task)


 Your Face Sounds Familiar (Monologo)
Ang mga mag- aaral ay pipili ng isang tauhan na kanilang gagayanin sa paraan ng pananalita,
pananamit, kilos, at galaw gamit ang isang likhang monologo. Ang pagtatanghal ay gagamitan ng
naaayon at akmang rubrik.

 Katapatan – 30%
 Hikayat – 20%
 Tinig – 20%
 Bigkas – 20%
 Kasangkapan at Kasuotan sa Pagtatanghal – 10%
Total: 100%

V. Kasunduan
Panuto: Sumulat ng hugot line na naglalahad ng sariling pananaw at damdamin na maaaring tungkol sa
kapangyarihan ng pag- ibig sa magulang, kapwa, kasintahan, o bayan.

Halimbawa:
“Ang pag- ibig ng isang anak sa kanyang magulang ay parang orasan na hindi nauubusan ng baterya,
hindi hihinto at patuloy na magpapaalala na mahalaga ang bawat sandaling kasama sila.”

Inihanda ni:
Milcah B. Pangan
Guro sa Filipino 9

Sinuri ni:

Jessa Ara M. Morales


MT- I/ Dept. Head Eng./Fil.

Isinumite kay:
CORA T. AYSON
Vocational School Administrator I

Floridablanca National Agricultural School


Address: Floridablanca, Pampanga
Contact Number: 0917-506-7527/0998-866-8661
Email Address: 300890@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III-Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
FLORIDABLANCA NATIONAL AGRICULTURAL SCHOOL
Floridablanca, Pampanga
RUBRIK SA MONOLOGO 2023

PAMANTAYAN/ MARKA
KATAPATAN HIKAYAT TINIG BIGKAS KASANGKAPAN Puntos Ranggo
KALAHOK Pagpapalutang ng diwa Personalida, Lakas, Wasto, AT KASUOTAN SA
at pagbibigay diin sa ekspresyon, taginting, malinaw, PAGTATANGHAL
damdamin. kilos/galaw angkop sa angkop sa Nagagamit ng wasto
30% 20% damdamin diwa ang mga kasangkapan
20% 20% at napalilitaw ang diwa
10%

Inihanda ni:

Gng. Milcah B. Pangan


Guro sa Filipino 9

Floridablanca National Agricultural School


Address: Floridablanca, Pampanga
Contact Number: 0917-506-7527/0998-866-8661
Email Address: 300890@deped.gov.ph

You might also like